Rei's POV
At heto na naman po ako... sa inuman. But for the record, hindi ako adik sa alak ha.
Ang totoo talaga nyan ay wala akong balak uminom. Kaso itong mga kaibigan ko na itago na lang natin sa totoo nilang mga pangalan na Felix, Calix at Bullet (ang pinakapromotor ng kaganapan) ang nag-yaya na uminom kami.
Dalawang magkasunod na long weekend kasi ang nangyari kaya hindi kami nagkikita kita o nagkakasama lahat ng sabay-sabay. Bukod pa doon ay natambakan kami ng gawain nitong mga nakaraang linggo sa mga kanya-kanya naming major subjects. Nitong huling long weekend nga ay nakakulong lang halos ako sa dorm room ko para mag-aral at tapusin ang research papers ko.
But now that the workloads were done, nakakahinga na kami ng maluwag kahit papaano. At least for a while dahil paparating naman ang finals.
Isa pa, wala kasing pasok kinabukasan dahil holiday tapos eksaktong ang kasunod ay weekend at saka isa pang holiday kaya idineklarang long weekend ulit. Marami din ang mga estudyante mula sa dorm ang nagsiuwian sa kanilang mga probinsya. Halos walang natira sa building 1 ng dormitory maliban sa mga seniors na abala sa pagtatapos ng research paper at ang iba ay thesis.
Good thing na tapos na ako sa gawain ko.
Kaya nag-aya sila—partikular ang pasimunong si Buller—na mag-relax daw kami. At heto kami ngayon at umiinom— este, nag-a-unwind.
Subalit relaxation bang maituturing ito kung ang bigat ng atmosphere?
Napabuntong hininga ako at pagkatapos ay lumagok ng alak sa beer can na hawak ko.
Nasa iisa kaming lamesa, magkakaharap, pero parang may kanya-kanya kaming mundo at malayo sa isa't isa. Somehow, I knew some of the reasons.
Hindi pa rin okay sina Calix at Felix dahil kay Kisha. Si Kisha na ex-girlfriend ni Calix pero ang idine-date na ay si Felix. But here's the catch. Only I, I guessed, who knew that it wasn't true at all.
Pinapalabas lamang yun nina Kisha at Felix. Kisha's reason was she's tired of her ex's (Calix) broken promises considering he's a playboy. Wala namang nagawa si Felix dahil nakiusap daw ang kapatid ng babae dito. Kung ano ang napag-usapan nila ay wala na akong alam doon. Yun lang kasi ang nakuwento ni Felix.
Si Felix naman ay ilang linggo na ding malungkot at halos wala sa kanyang sarili. May nalaman siyang balita tungkol kay Kino. Kung anuman yun ay wala ako sa posisyon para magkuwento.
Si Bullet naman—uulitin ko, siya ang nag-yaya ng inuman—ay kita kong masaya nitong mga nakaraang araw. Ang dahilan ng kasiyahan niya? Si Uno.
But he didn't say nor confirm it yet. Wala naman sa aming magkakaibigan ang nagtatangkang magtanong tungkol sa bagay na iyon. Madalas lamang ay tinutukso namin sila. When the twin brothers try to fish information, both Bullet and Uno were mum about it.
Maybe in due time, once they're ready, they can admit their real deal.
"Aish... Bakit ba ang tahimik ninyo? Akala ko ba gusto ninyong mag-hang out? Let's start drinking," pagbasag ni Bullet sa katahimikan.
Tumikhim si Choi. "Okay," pagsang-ayon niya sa akin. "Uminom na tayo, Bullet, Uno, Calix."
Silence took over like a storm as we're all surprised he only mentioned a few name exclusing Felix and me.
"Ah... Kayo rin pala Rei at Felix," sabi niya sa malamig na tinig. "Nandiyan pala kayo. Baka kasi ayaw ninyong magpa-istorbo. You seemed busy in your own world."
Inisang lagok ni Choi ang basong puno ng alak. Nagsalin muli siya at pinuno iyon.
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Yes, Felix and I were sitting next to each other but we weren't talking, except when we arrived.
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
RomanceStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...
