CHAPTER 17 : DREAM

1.4K 49 2
                                        

Rei's POV

[ONE WEEK LATER]

Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking higaan. Madilim pa mula sa labas ng bintana. Pagtingin ko sa digital alarm clock sa bedside table ay pasado alas tres pa lang ng madaling araw.

Nabigla ako ng biglang may kumapit sa aking braso. Nanigas ang buong katawan ko dahil doon. Malalalim ang buntong hininga ko na unti-unting tumingin sa nakakapit na malamig sa aking braso. Kamay. Lalo tuloy akong kinabahan kasabay ng pagsagi ng mabilis sa aking isip nang masamang panaginip ko.

Gumalaw ang malamig na kamay at pinisil ang braso ko. Lalong dumagundong ang kabang nararamdaman ko.

At bago pa ako makakilos ay naramdaman kong bigla na lamang akong napahiga dahil sa malakas na puwersang humila sa akin pabalik sa higaan. "Ah!!!" Napahiyaw ako.

Pumikit ako ng mariin sa sobrang takot.

"Rei? Rei!"

Narinig ko ang pamilyar na iyon. Boses ni Choi mula sa malayo. Hindi ko magawang magmulat ng mata dahil may yumuyugyog sa katawan ko. Takot na takot ako ng mga sandaling iyon.

"Rei! Gumising ka! Gising!"

Mas malapit na ang tinig niya at dahil doon ay nakaramdam ako ng pagiging ligtas. His voice calmed me down.

Pagmulat ko ng mga mata ay ang nag-aalaalang mukha ni Choi ang sunalubong sa akin. Nasa bibabaw ko siya... At siya ang yumuyugyog sa akin. "C-Choi?"

"Rei, ayos ka lang ba?" bakas ang pag-aalaala maging sa kanyang tinig. Mataman siyang nakatingin sa akin.

Tumango ako.

"Another bad dream?"

Muli akong tumango. Hindi ko nagawang magsalita dahil natuon ang atensyon ko sa tila nanghihipnotismo niyang mga mata.

"Don't worry, I'm here. Panaginip lang iyon..."

Sa mga sandaling iyon ay tuluyan nang nawala ang kanina ay takot at kabang nararamdaman ko. At sa halip ay napalitan na iyon ng kakaibang ritmo ng pagkabog sa aking dibdib habang nakatingin kami sa isa't-isa.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tila ba ang mga mata namin ang nagkakausap at nagkakaintindihan. Kung ano iyon ay hindi ko alam. Masyadong okupado ang isip ko para mag-isip dahil siya pa lang ang laman ng utak ko ay wala ng ibang espasyo sa aking utak para itindihin pa ang iba.

Tila ba nag-blurred na ang paligid at tanging siya lamang ang nakikita. He was the only thing that mattered to me at that very moment.

Lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub, sabi ng pagkabog sa dibdib ko na parang sirang plaka.

And I was starting to like this feeling.

May kaunting butil ng pawis sa kanyang noo. Mayroong umagos sa gilid ng pisngi niya pababa sa may jawline hanggang sa makaabit sa kanyang leeg.

He swallowed. Batid ko iyon dahil sa paggalaw ng kanyang adam's apple. That was when it occured to me that he was once again shirtless and only wearing boxers.

Bakit ganoon lang ang suot niya? tanong ko sa aking sarili.

Muling dumako ang mga mata ko sa kanyang mga mata. Nakatitig pa rin pala siya sa akin. Wala ba siyang ibang nakikita kundi ako? Subalit hindi ko naisatinig ang tanong kong iyon dahil hindi ko magawang magsalita.

Bakit nga kami nasa ganitong posisyon? At bakit siya nandito sa kuwarto ko?

Tila ba ang liit-liit ng kuwarto ko bigla. Naramdaman ko ding maging ako ay pinagpapawisan.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon