CHAPTER 28 : CONFESSION

1.3K 44 3
                                    

Rei's POV

[FLASHBACK]

Magmula ng marinig ko ang kuwento tungkol kay Song ay mas naging aware ako sa paligid. Totoo nga na may ganoong kuwento kaya lalo akong nailang dito.

"Mukha talagang hindi niya naiintindihan na hanggang nagkaibigan lang kayo. May balak ka bang bigyan siya ng pag-asa?"

Naglalakad kami ni Felix isang araw patungo sa lecture building para sa klase namin. Kailangan pa talaga naming umikot patungo sa kanilang entrance dahil nagbabantay sa dapt naming dadaanan si Song.

"Baliw!" Umiling ako. "Wala akong iniisip na gan'on."

"Kita mo na. Narinig mo naman siguro yung mga pinagsasabi niya kapag sumasama siya sa atin. Ipapasyal ka nya sa ganito at sa ganyan. Kapag sumama ka sa kanya eh di date din yun."

Tumango ako kay Felix.

"Sabi ng mga seniors simula ng makita ka niya noong welcome party para sa ating mga freshmen ay gustung-gusto ka na n'on."

Napaturo ako sa aking sarili habang nagtatanong ang mga mata na kung ako ba ang tinutukoy niyang naguhusguhan ni Song.

"Oo, ikaw syempre."

Pero malamang ako nga iyon dahil sinabi na din mismo sa akn ni Song na gusto niya akong i-date, di ba?

Unti-unti din akong nalinawan sa mga pinagsasabi ni Felix na hindi niya feel si Song.

At nagi-guilty na din ako dahil ipinagsawalang bahala ko ang kuwento sa akin ni Choi noong huli kaming nag-usap.

Medyo hindi tuloy ako nakapag-focus sa klase dahil naaalaala ko na naman siya. Minsan ko na lang siya nakikita sa mga klaseng magkasama kami. Madalas kasi ay sa likuran yata siya umuupo. Hindi naman ako makalingon para silipin siya. Pinipigilan ko ang sarili ko.

Tapos na ang klase pero hindi kami makakapagsabay ni Felix pabalik sa dorm dahil katext niya si Kino. Mukhang sasamahan na naman niya ito.

Nakakatawa nga dahil kapag magkasama kami ni Felix ay bukang bibig pa rin niya ito.

Naglakad na lang akong nag-isa pabalik sa dorm pero sinigurado kong wala si Song sa paligid.

Pero nagulat ako ng bigla na lang kasi sumulpot na para syang multo sa harap ko.

"Rei, kamusta ka na?"

"S-Song... i-ikaw pala."

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?"

Umiling ako ng mabilis.

"Pinuntahan kita sa lecture building kanina pero hindi na kita naabutan." He held my arm. "Tara, kain tayo. Libre ko—"

Mabilis kong iniiwas ang aking braso. "A-ayaw ko! Ang ibig kong sabihin... W-wala si Felix."

"Ikaw naman ang gusto kong kasama para masolo kita."

What he said gave me chills to my spine. It was creepy.

Napansin ko din ang dati pang sinasabi ni Felix na ang porma. Itong si Song ay parang si Choi.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon