CHAPTER 18 : I WON'T LET YOU GO

1.5K 52 2
                                        

Rei's POV

"Welcome to all the Freshmen of Nam College! Tonight ang first duty nyo bilang parte ng kolehiyo natin ay ang magpakasaya at magpakalasing tayo ngayong gabi!"

Isa ako sa mga pumalakpak nang matapos ang speech ng president ng Student Supreme Council ng paaralan. It was a welcome party night para sa aming mga freshmen. Ngunit present din ang mga seniors.

Ang laki ng ngiti ng president at proud pa itong nag-bow sa amin kaya lalong naghiyawan ang mga estudyante. Nasa kalagitnaan kami ng pagpalakpak ng biglang sumulpot sa stage ang adviser ng student council na isa ding professor dito sa kolehiyo. Hindi iyon napansin ng president kaya hindi ito nakaiwas ng batukan ito ng professor.

Nagtawanan naman kami. Narinig namin dahil na din naka-on ang microphone na pinagsasabihan ito ng professor kung bakit ine-encourage ang mga freshmen na uminom. Para namang batang humingi ng sorry ang presidente bago sila bumaba sa stage.

Para kaming ewan lahat at nakasunod ng tingin sa president ng student council at adviser nila habang patungo sa pintuan palabas ng gymnasium. Kumakaway ang presidente habang papaalis ang adviser.

Nagsimula na ang tugtugan at hiyawan. Damang dama na ang party vibe. Mayamaya ay umakyat na naman sa stage ang president.

"Freshmen, tandaan nyo... Magpakalasing tayo ngayon dahil minsan lang ito. The rest of the year, the school won't allow alcohol beverages on other events. Alright?" Itinaas nito ang plastic cup na naglalaman ng inumin. "Now let's drink!"

Naghiyawan ang lahat lalong-lalo na ang mga freshmen na kagaya ko. Kitang-kita ang tuwa sa mga mata nila habang nagpapalakpakan. Ako naman ay napailing na lamang saka napangiti.

Pero wala akong planong magpakalasing.

Isa ako sa nakitawa dahil muntik nang mapadapa sa stage ang president ng student council pagkatapos nitong bitawan ang microphone pagkainom ng alak.

Sumabit kasi ang paa nito sa kable ng mic kaya muntik na itong mapadapa. Kinantyawan tuloy ito ng ibang seniors na lasing na daw kahit kakaumpisa pa lamang ng programa.

Napansin ko na may kanya-kanya ng kumpulan ang mga estudyante sa kani-kanilang grupo habang ako ay hindi ko alam kung saan pupuwesto. Wala pa akong ka-close. It's understandable because it's only been three weeks since the school year started.

Kuntento na ako sa pag-oobserba habang ang karamihan ay nag-sisimula ng mag-enjoy.

May hiya at pag-aalangan pa akong nararamdaman bilang isa sa mga bagong pasok sa Nam College.

Isang bagong mundo kasi para sa akin iyon. Malayo sa nakagisnan kong mundo sa poder ng tiyahin ko sa probinsya.

Ito kasi ang unang school-related activity na dinaluhan ko na wala akong curfew. Malaya na akong makakauwi sa dorm room ko anumang oras ko gustuhin.

Lately ay ganoon ang ginagawa ko. Hindi naman sa nagrerebelde ako o nagpapasaway kaya lamang ay ninanamnam ko ang bagong mundong ginagalawan ko. Malayo ito sa naging buhay ko sa poder ni tita Cru at Miel na puro pang-aalila ang ginawa sa akin.

Sabi nga sa isang kasabihan "change is good and a person should embrace it" kaya ine-enjoy ko ang mayroon ako ngayon.

Subalit sa kabila ng pagbabago sa aking buhay sa pagsisimula ng panibagong yugto ay hindi lang puro magaganda ang mga nangyari.

We Are Not In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon