Rei's POV
SENIOR (I) YEAR
"Ang guwapo niya, girl!"
"As in!"
"Kung siya ang Ice Prince, ako naman ang Ice Princess."
Sa makabagong panahon ngayon, marami na ang mga out and proud. Lalo na ang mga girly type o mga lady boys na mga gay. At kagaya sa ibang lugar present din sila sa Nam College. Naalala ko tuloy sa kanila sina Pré at Shelly na ilang taon na ding naka-graduate.
Nakapangalumbaba ako habang minamasdan at pinapakinggan ang usapan nila sa kabilang lamesa.
Last semester lang ay ako ang pinagkakaguluhan nila dahil kababalik ko lang noong dito sa Nam College pero dahil may bago ng transfer ay nakalimutan na nila ako.
Sad life.
Parang yung set up mo lang kay Choi, sabi ng isang bahagi ng aking utak. Dati sangang-dikit kayo tapos naging kayo... pero may nangyari tapos may iba na syang ka-close ngayon.
Letseng bahagi ito ng aking utak.
I-summarize ba naman ang nangyari eh ayaw ko na ngang alalahanin. Bumuntong hininga ako at iiling-iling na lang na ibalik ang atensyon ko sa aking ginagawa.
Hindi naman sa ipinagpalit na ako ni Choi kaya lang... Aish! Bakit ba kailangan ko pang magpaliwanag sa sarili ko?
Ipinilig ko na lang ang aking ulo para itaboy ang isiping iyon.
Kasama ko doon sa library ang mga kaibigan kong sina Calix, Felix... at Choi. Oo, kaibigan ko siya.
Naroon kami para gumawa ng aing research paper na malapit na ang due date.
Ngunit wala ang focus ko sa paggawa niyon.
"Aish!" Nilamukos ko ang papel.
Napapitlag ako ng hawakan ni Choi ang aking noo at minasahe iyon. Nagkasalubong ang aming mga mata at nakita ko rin ang pag-usbong ng ngiti sa kanyang mga labi.
Parang may tumatambol sa dibdib ko.
Tinampal ko naman bigla ang mga kamay niya para suwayin.
Natigilan siya at maging ako dahil sa ginawa ko. Bigla ring nawala ang ngiti niya.
"M-may lamok..." palusot ko pagkatapos ay kunwari ay may pinatay pa akong ilang imaginary na lamok sa ere.
Narinig ko na naghahikgikan ng mahina ang kambal na tinapunan ko naman ng matalim na tingin.
Pero aminado ako na ang weak ng palusot ko.
Ginawa ko iyon hindi dahil iyon ang initial reaction ko kundi dahil naramdaman ko na naman ang mabilis na pagkabog sa aking dibdib.
Lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub...
I've been doing my best to supress this feelings for months now.
Hindi na dapat ako nakinig sa kanya at bumalik na lang dapat ako sa Korea, naisaloob-loob ko.
Subalit dahil sinunod ko noon ang pakiusap niya kaya heto ako, ako naman ang nahihirapan.
"Bakit ba sambakol ang mukha mo dyan?" tanong ni Choi ng makabawi.
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
Roman d'amourStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...
