CHAPTER 30 : WE'RE FRIENDS

1.2K 39 0
                                    

Rei's POV

[PRESENT DAY]

"Guys, maglalakad na lang ako papasok ng school, okay lang ba? I know it's weird pero gusto kong ma-feel na nandito na nga uli ako."

Iyon ang sabi ko sa kanila nang matanaw ko ang Nam College ng malapit na kami. Naghahalo-halo ang kaba, tuwa at excitement na nadarama ko na sa wakas ay nandito na uli ako. May isang bahagi tuloy sa aking sarili na nagtatanong kung bakit nga ba ako umalis.

But it's not important anymore. Nangyari na ang nangyari at isa pa ay kinailangan ko talagang umalis para buuin uli ang sarili ko. What I didn't think of during that time was the last piece of me would be here in Nam College. Dama ko iyon at alam kong tama ako.

Batid kong nag-aalangan sila sa ideya ko ngunit hindi nakaligtas sa akin na tila ba sumasang-ayon iyon sa gusto nilang mangyari. I guessed what I heard earlier was right. Naghanda nga marahil sila ng welcomeback party para sa akin.

Matabil kasi ang dila nitong si Felix kahit tulog. Hindi ko in-expect na kahit tulog mantika siya ay dumadating pa din siya sa point na sinasabi ang napapanaginipan.

"Shhh! Huwag nyong sasabihin na may surprise tayo," aniya habang tulog.

May sasabihin pa yata ito ngunit mabilis lamang itong binato ni Bullet ng tissue box na nasa may handbreak.

Ayun sapul sa mukha si Felix na gumalaw ng bahagya lamang pero hindi nagising. Pagkapalis nito sa mukha—akala yata ay may dumapong langaw sa pisngi—ay naghihilik na ito habang nakahilig sa balikat ni Kino.

Ngayon ay halos siguradong-sigurado na ako na may pakulo ang mga kaibigan ko. I just decided to play along. Aakto na lamang akong nasorpresa mamaya.

But at this very moment I wanted to walk from the gate to the dormitory. Hindi ko naman alintana kahit abutin ako ng kinse hanggang beinte minutos sa paglalakad dahil malayo-layo din ang dormitory sa pagkakatanda ko. Ang gusto ko lamang ay damhin na nagbalik na talaga ako dito sa kolehiyong pinangarap kong pasukan noon pa.

Para akong bata na excited habang ipinaparada sa gilid ng daan ang sasakyan pagkapasok namin sa entrance ng campus.

Bumaba kaagad muna ako bago ko sila hinarap mula sa bintana ng kotse. Yumuko ako at ipinagong ang aking mga braso sa bintana ng passenger seat kung saan ako nakaupo kanina.

"Guys lalakarin ko na papunta ng dormitory. Ang tagal ko ding nakaupo sa eroplano saka dito sa sasakyan. Lalakad ako para tuloy stretching na din."

"Sigurado ka, Rei?" tanong ni Bullet.

"P, gusto mong samahan kita?" nagniningning ang mga matang tanong ni Kino habang magkayapos ang aknyang mga kamay. "Gusto ko ding maglakad."

"Magtigil ka," saway ni Felix. "Ako ang sasama kay Rei. Baka mamaya dalhin mo lang siya sa talahiban."

"Tado! Walang talahiban dito sa campus," sagot ni Kino.

"So kung meron may balak ka na dalhin sya d'on?"

"Wala akong sinabi. Ang dumi ng isip mo!" Tumingin siya sa akin. "P'Rei, huwag kang maniwala sa baliw na yan. Hindi totoo ang sinasabi niya."

Tumango ako habang nakangiti. "Alam ko. Binibiro ka lang ni Felix."

Ang tinutukoy ko ay nakalabas na ng sasakyan at tinapik ang balikat ko.

"Tara na, Rei."

"Ako ang sasama kay P'Rei," protesta ni Kino.

"Magtigil ka!"

Nakabusangot ang mukha ni Kino nang tapikin ni Calix ito sa balikat.

"Hayaan mo na ang kakambal ko, Nong'Ki. May gumugulo lang kasi sa isip nyan kaya kagaya ni Rei ay gusto din nyang maglakad. At saka baka hindi siya makapagpigil."

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon