Rei's POV
Nang makarating kami sa mall ay nagkayayaan muna kaming kumain. Hindi nawala ang kuwentuhan at kulitan. I wonder how we were able to talk non-stop new things yet we're almost always together living on campus. Hindi din ba kayo nagtataka? (^-^)v
After we ate, we started strolling the area. Wala naman kaming hinahabol na oras at saka sa laki ng mall ay nasa kabilang dulo pa ang department store kung saan ko planong bumili ng damit.
Subalit hindi ko inaasahan na magkakahiwa-hiwalay kami. Biglaan kasing nagkaroon ng kanya-kanyang mga lakad. It was unexpected... yet somehow favorable because Felix and Choi was starting to have an arguement.
Again.
But this time it's over childish things. Si Calix lamang ang tumatayong referee nila habang si Bullet ay walang ideya sa nangyayari. At ako ay nagpapanggap na wala ding ideya.
On the contrary, nagsimula akong mangamba ng biglaang kinailangang umalis ni Calix.
Habang naglalakad kami ay nakita daw nya si Kisha mula sa kumpol ng mga tao sa ground floor (nasa second floor kami ng mga sandaling iyon) sa pagtingin niya sa balcony area sa may activity center. At dahil doon ay nagpasya siya na pupuntahan niya ito para magkausap sila ng masinsinan.
Si Kisha yung idineyt ni Calix pero nagpanggap siya bilang si Felix. Hindi daw alam ng kaibigan namin kung bakit talaga niya nagawa iyon. Hindi naman daw niya binalak magpanggap bilang kakambal niya noong una niyang makita ang babae. It's just that Kisha belonged to the same circle of ladies he dated before.
There's no logical explanation I could see on why Calix was almost desperate to ask for her forgiveness until Felix enlightened me (and the others who I found out having the same questions in their minds).
"Ganito kasi yan, guys," panimula ni Felix. "Natatandaan nyo naman noong araw na nag-ala boksingero ako at sinuntok ang kakambal ko sa mukha na may kasamang uppercut, di ba?"
Tumango si Bullet. Si Choi naman ay nagpapanggap na walang pakialam.
"Dahil yun kay Kisha. My brother is now desperate to ask for her forgiveness for what he did to her. I don't know why but maybe karma hit him for being a player.
"Nagpanggap kasi si Calix bilang ako noong nagpakilala siya sa babae. And knowing my brother as a certified playboy, he didn't settle dating one girl exclusively. So he continued meeting other ladies behind Kisha's back.
"Sabi sa akin ni Calix ay hindi din daw niya matukoy kung bakit hindi niya magawang makipag-break kay Kisha. I can't find the right explanation about my brother's action except that he might—" ipinilig ni Felix ang ulo niya na para bang itinataboy ang ideyang tumatakbo sa kanyang utak. "Aish! No, that's not possible. Falling in love is not on his vocabulary, I guess. But anyway, aside from the fact na natuklasan ni Kisha ang kagaguhan ng kakambal ko ay nalaman din niyang hindi pala Felix ang totoong pangalan ni Calix. It happened after I explained to her that I am the real Felix and whom he dated was Calix. The sad part was nasuntok at uppertcut na niya ako bago pa ako nakapagpaliwanag."
Sinapo ni Felix ang kanyang magkabilang pisngi pati ang kanyang baba na habang sinasariwa sa kanyang isipan ang nangyari.
Ipinilig niya ang kanyang uli. "Aish! Akala ko kakailanganin kong magpa-plastic surgery dahil nasira na ng babaeng iyon ang mukha ko. But I'm glad my face stays handsome as always."
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
Любовные романыStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...