CHAPTER 57 : THE UNTOLD STORY

846 25 0
                                        

Choi's POV

Unti-unting bumukas ang talukap ng aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang tanawin mula sa labas ng bintana.

And it was moving— No, mas tamang sabihin na ako ang gumagalaw. Saka ko lamang napagtanto na sakay ako ng isang sasakyan na tumatakbo ng marahan.

Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng sasakyan.

I was sitting in the passenger's seat. Sa tabi ko ay si isang pamilyar na tao ang nagmamaneho. Kaming dalawa lamang ang nasa sasakyan at tinatahak ang hindi pamilyar na malaking kalsada.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin nang mapansin niyang gising na ako. "May masakit ba sayo?"

Marahan lamang akong umiling bilang tugon. Wala sa loob kong napahawak ako sa aking ulo para pakiramdaman ang aking sarili.

Hindi ko na maramdaman ang pagsakit ng ulo na madalas kong nararamdaman.

Parang napakagaan ng pakiramdam ko.

Parang—

Biglang bumalik sa aking isip ang nangyari; ang napanaginipan ko at ang naalala ko.

Kinapa ko ang aking dibdib ngunit hindi ko maramdaman ang kakaibang emosyong naramdaman ko kanina.

Hindi ko madama ang tindi ng emosyong iyon dahil sa ginawa ko kay Rei.

"Rei," bulong ko. His smiling face suddenly flashed in my head. I didn't do it, piping paliwanag ko sa kanya. Hindi ko ginawa sayo 'yon. I didn't... I didn't rape you.

Mas nagiging malinaw na sa akin ang lahat. Unti-unti ng napo-proseso ng aking isip ang totoong nangyari. Wala akong masamang ginawa kay Rei.

"You already remember the past, right?"

Bumalik sa kasalukuyan ang atensyon ko. I looked at the person who's talking. "Kino?" Tila sa mga sandaling iyon lamang tuluyang nag-sink in sa akin ang kanyang presensya. "P-paano mo nalaman?"

"I've been following you..." sumulyap siya sa akin saglit bago ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

I suddenly recalled when Felix said he saw Kino when they're at the mall. Naalaala ko din noong hinahabol kami ng mga kalalakihan tapos bigla na lamang silang nawala. At higit sa lahat akala ko ay guniguni ko lamang na may umaaligid sa amin—sa akin nitong mga nakalipas na araw. But seeing Kino now, it seemed like his presence answered my queries.

"I just had a hunch at first—or should I say that my conscience won't leave me at peace knowing you and P'Rei are still living in your unfortunate situation."

Nang mapagmasdan ko siya ay saka ko lamang na-realize na tila may nagbago sa kanya. It's only been  months since he left yet he seemed like a different person now. Malayo sa hitsura niya noon.

He's the opposite sweet and innocent guy who I knew had a secret crush on Rei but later on fell inlove with Felix.

"Well... even I was living in this unfortunate situation too," sabi niya kalakip ang mapaklang ngiti.

Kino looked like a dangerous man in his black leather jacket and pants with scar on the corner of his left eyebrow and side lips. Maging ang kanang kamao niya ay may bakas ng sugat na tila ba nakipagbasag-ulo siya.

We Are Not In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon