CHAPTER 23 : REASON

1K 48 2
                                    

Rei's POV

[PRESENT DAY]

"Awww..." komento ni Uno. "That sucks! Hindi ba niya sinabi... ang dahilan kaya nagkaganoon siya?"

"Linggo muna ang lumipas bago ko nalaman. Akala ko pagkatapos lilipas din ang tampuhan namin." Bumuntong hininga ako. "Natatandaan mo pa ba n'ong nag-leave sa school si Choi?"

Tumango si Bullet.

"Nang bumalik siya akala ko ay magiging okay na kami. Akala ko babalik ang dating samahan namin. Akala ko magiging maayos ang lahat. Pero pinaasa ko lang pala ang sarili ko." Bumuntong hininga ako. "Mali ako. Maling-mali."

"Ano'ng nangyari?"

"Pagkabalik niya ay kinausap niya ako para sabihin ang naging dahilan ng pag-alis niya—ng pagtataboy niya sa akin."

———

[FLASHBACK]

(Setting: Freshmen Year)

Ilang araw pagkatapos ng pagtatalo namin ni Choi ay ang akala ko magiging okay kami. Ang hinihintay ko lamang naman ay kumalma siya para magkausap kami ng maayos. Handa akong humingi ng tawad sa kanya.

Napagtatanto kong mali din naman ako. Hindi ko dapat sinalubong ang galit niya ng galit ko dahil walang mananalo kapag ganoon.

Subalit ilang araw na ang nakakalipas ay wala si Choi. Nalaman ko na lamang na umuwi siya sa probinsya namin mula sa isang professor niya. Hindi ko napigilan na alamin ang dahilan sa professor namin ngunit ang sabi lamang nito ay family matter.

At ngayon nga ay isang linggo na siyang wala.

Hindi ko alam kung kailan siya babalik.

Hindi ko alam kung babalik pa siya.

Napabuntong hininga na lamang ako. Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad mula sa entrance ng kolehiyo patungo sa dormitory.

Galing ako sa labas para gumala. Weekend kasi. Gusto ko sanang libangin ang aking sarili subalit walang oras na hindi siya sumagi sa aking isipan.

Gustuhin ko man siyang tawagan o itext ay hindi ko alam kung dapat ko ba iyon gawain. Natatakot akong baka galit pa din siya.

Nag-vibrate ang aking cellphone dahil may tumatawag. Ang akala ko ay si Choi pero ibang tao pala.

Si tita Cru na naman.

Kagaya ng mga nakaraan ay ni-reject ko ang tawag. Ayaw ko ng balikan ang masakit na alaala ko sa poder niya. Ayaw ko ng isipin muna ngayon ang mga problema.

Umiling ako at itinuloy ko na lamang ang paglalakad habang nakikinig sa music na nagmumula sa earphones kong nakasalpak sa aking magkabilang tainga.

Napansin ko ang patak ng tubig mula sa kalangitan. Umaabon. Mukha namang hindi lalakas iyon kaya hindi pa din ako nagmadali sa paglalakad. Huminto ako sa paglalakad ara isilid ang aking cellphone sa loob ng aking backpack bago pa mabasa iyon.

Isinasara ko ang zipper ng bag ng may marinig akong tunog na papalakas. Para bang papalapit ang tunog na iyon. Parang tunog ng motorsiklo.

Awtomatikong napalingon ako sa direksyong pinagmumulan noon at nakita kong hindi nga ako nagkamali ng hula. Motorsiklo iyon.

Nagkaroon lang ng kakaibang ritmo ng pagtibok ang aking puso habang papalapit ang motorsiklo. Pamilyar kasi iyon. Napako ang mga paa ko at sinundan lamang ng tingin ang papalapit na motorsiklo na pumarada sa kabilang dako ng kalsada na laan na paradahan ng motorsiklo at bisikleta.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon