CHAPTER 32 : CAPTURED

1.2K 33 1
                                    

Rei's POV

[PRESENT DAY]

Nagtungo ako sa open area ng building 1 ng dormitory na nasa sixth floor ay doon ko nakita si Kino. Nakukublihan pala siya ng ilang bedsheets na na nakasampay. May mga pasaway pa ring mga estudyante na sa open area nagpapatuyo ng mga kobre kama.

Napailing na lang ako. Lagot sila kapag nalaman iyon ng dorm superior.

But anyway, tahimik akong pumwesto sa katabi ni Kino na kasalukuyang nakatingin sa kawalan.

Kakatapos lamang ng maliit na welcome party na hinanda ng aking mga kaibigan para sa akin. Present din sina tita Tasha at tito Ped na sobra daw akong na-miss.

Na-miss ko din naman sila lalo na ang anak nila. Yun nga lang walang ideya ang anak ng mga ito kung gaano kami ka-close dati. At dahil doon ay hindi din nila maipakita masyado ang galak sa muli naming pagkikita dahil baka magtanong pa si Choi.

Dumaan pa ang mahabang sandali bago pa ako napansin ni Kino. Nagulat siya na matagpuan akong nasa tabi niya.

"Whoa!" Tinanggal niya ang earphones na nakasalpak sa kanyang mga tainga. "P'Rei, akala ko multo ka. Nakakagulat ka naman."

Natawa ako ng bahagya saka ngumiti. Ginulo-gulo ko ang kanyang buhok. Ang laki-laki ng batang ito samantalang binatilyo pa lamang siya noong una ko siyang makilala.

Magwa-wai sana siya pero pinigilan ko na.

"Masyado ka namang magalang sa akin. Treat me as your friend kapag tayo lang. Kapag maraming tao na lang saka ka mag-salute sa akin kung gusto mo."

Napakamot siya sa ulo. "Eh, puwede ba yun? Senior pa din kita. At saka idol pa rin kita kaya lagi akong nag-wa-wai sayo."

"Ano ka ba? Hindi naman ako santo sa sobrang galang mo. Feeling ko tuloy ang bait-bait ko," natatawa kong turan. "Kulang na lang eh magdasal ka sa akin kapag nakikita mo ako. Baka mamaya niyan magka-halo at pakpak na ako tapos bigla akong pumunta sa langit."

"Palabiro ka pa din, P'. Kaya tuwang-tuwa ako sayo."

"Salamat." Tinapik ko ang balikt niya. "Ikaw din naman. Ikaw ang totoong mabait na bata."

"Hindi din. Kita ko naman kanina kulang na lang talaga ay magsapakan kami ng Felix na yun."

Napabuntong hininga ako saka nalungkot. Muntik ko ng makalimutan kung bakit ko siya hinanap. Kanina ksi ay nagkasagutan na naman silang dalawa at naging mainit ang argumento.

"Talaga bang hindi na kayo magkakasundo ni Felix?" Seryoso kong tanong. "You two used to get along well. Hindi ba at siya lagi ang kasama mo kapag pinupuntahan mo ako dati dito sa campus? Lagi mo din siyang tinatawag na P' kagaya ng pagtawag mo sa amin. At kahit hindi mo sabihin sa akin ay alam ko noon na tuwang-tuwa ka din kapag nakikita sya."

"Hindi ah!" Tanggi niya. "Kaya ako nagpunta dito noon sa Pilipinas ay para bisitahin ang lola ko at saka makita ka. Pinapanood ko lagi ang dance videos nyo. Idol kaya kita sa pagsayaw."

"Eh si Felix?"

Nag-iwas siya ng tingin.

"Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa? Noong pabalik ka na sa Thailand, ihahatid ka dapat namin sa airport pero hindi ka na nagpahatid. Pagkatapos ay sa akin ka lang nagpaalam. Sabi mo nagpaalam ka na kay Felix pero hindi naman pala. Bakit?"

"..."

"Pagkatapos ngayong dito ka na din nag-aaral ay nabalitaan ko na lang na ganyan na kayo nagbabangayan palagi."

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon