Choi's POV
Napabuntong hininga ako habang naglalakad.
Earlier an incident happened. Napilayan sa paa at braso si Bullet habang nawalan naman ng malay-tao si Uno kaya isinugod naming magkakaibigan sila parehas sa infirmary.
Gusto ko pa sanang magpaiwan sa infirmary para bantayan si Bullet. Gusto kong samahan sana siya dahil pina-confine muna siya doon ng doktor dahil sa na-sprain na paa at braso.
But he said he's fine though. At hindi ko siya makontra dahil ayaw kong mahalata din niya ang pagnanais ko na alagaan siya.
As for Uno na buong akala ko ay may gusto sa kaibigan ko ay missing in action naman pagkatapos bumalik ang ulirat at umalis ng infirmary. Nakakapag-init tuloy ng dugo na basta na lang niya iniwan sa ere si Bullet.
Ewan ko ba kung bakit hindi ko masyadong feel ang lalaking iyon. Ang hirap ipaliwanag pero parang may ginawa siyang kasalanan kaya hindi ko siya masyadong gusto.
Gets nyo ba? Baka magkaaway kami sa past life ko(?) Ah basta! Yun na yun.
Concern lang din ako sa kaibigan ko.
Subalit kaibigan nga lang ba?
Bullet is a special friend, my subconscious mind answered.
Damn you, Choi, pagmura ko sa aking sarili dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Don't cross the line. Do not!
This is just loyalty, paalala naman ng isang bahagi ng aking utak. Loyalty for a friend.
I paused from walking before I sighed and moved my feet on the road leading to the dormitory.
But I must admit I truly care for Bullet. Mahirap itanggi iyon.
Sa palagay ko ay mas tamang sabihin na espesyal ko nga siyang kaibigan.
Kita naman sa kilos ko. Kagaya na lamang sa nangyari sa kanya nang mabatid kong hindi talaga siya pumasok. Wala siya sa klase kaninang umaga.
Lately, I felt that something was bothering him.
Normal na sa amin ang mag-open up sa isa't-isa ng mga problema at pinapayuhan namin ang isa't-isa sa abot ng makakaya namin. Iba nga lamang ang sitwasyon ngayon.
At sa unang pagkakataon ay hindi niya iyon maibahagi sa akin. Medyo nasaktan ako. We were close... or at least I thought.
Noong tinanong ko siya ay sinabi lamang niya na ayos lamang siya. Kahit kita ko sa mga mata niyang may bumabagabag sa kanya.
Pero ayos lamang daw siya at mukhang hindi siya handang mag-open up.
All I could do was nod and said, "basta kapag may problema ka, you can always talk to me."
But he didn't.
Hindi niya ako kinausap tungkol sa problema niya.
At mukhang nahuhulaan ko na kung bakit hindi niya masabi. Si Uno sa palagay ko ang bumabagabag sa kanya.
The guy, Uno, came from no where. Para itong kabute na bigla na lamang sumulpot kahit hindi naman kumulog at kumidlat.
He's a transferee... na walang ibang ginawa kundi magpapansin sa kaibigan ko simula ng dumating ito.
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
Storie d'amoreStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...
