Choi's POV
"Ha? Alin?" tanong ko sa kanya saka sumulyap kay papa. "Ano yon?"
"Na sa iisang university sa States tayo mag-aaral," si Pimp ang sumagot.
What the f—??!!
"Sabi ni tito—or should I start calling you papa, too—na mas mabuti daw na magkalapit tayo habang maaga," kinikilig siya sa sarili niyang pahayag.
"You know, hijo," sabad ni Mr. Toriño. "Nang sabihin ng papa mo na makakatulong para mapatibay ang negosyo ng pamilya ko at pamilya ninyo kung magkakalapit kayo ng unica hija ko ay hindi na ako nag-dalawang isip."
"Tama si kumpadre, anak," sabi papa ko. "Mas maganda kung magsasanib puwersa ang negosyo ng pamilya natin at negosyo ng pamilya ni Pimp and take over the major sectors of the business here in the country."
"Eventually, buong Southeast Asia," dagdag pa ni Mr. Toriño.
"Tama, kumpadre."
Nakatulala lamang ako sa mga sinabi nila at pilit pinoproseso iyon sa aking utak. Napalingon ako kay Pimp ng tapikin niya ang braso ko. Hindi nawawala ang maarte pero peke niyang ngiti sa mga labi.
"Kapag ikinasal na tayo after nating mag-aral, tamang-tama na ikaw na ang magma-manage ng pinagsanib na negosyo ng ating mga pamilya. And we would be a one big happy family. Biruin mo iyon ako ay magiging Mrs. Pimida Toriño-Hendrix."
"Whoa!"
Napatayo na ako sa aking upuan na ikinabigla ng lahat.
"What the hell are you talking about? Ano?! Magiging misis kita? In your dreams, lady!"
"Choi Hendrix!" may pagbabanta sa ma-awtoridad na boses ni papa. "Don't ruin this lunch!"
"Then don't ruin my future, papa!" bulalas ko. "Hindi ako pumayag sa gusto mo!"
"Ano'ng sinabi mo?!" tumayo na din si papa para salubungin ang pagtataas ko ng boses.
Tumayo din si mama para pigilan si papa. "Hon, maghunusdili ka."
"Huwag kang makialam dito, Tasha!" banta ni papa kay mama. "I am the head of this family. I make the decisions."
"But not the decisions about our lives. My life!" sabi ko.
Natigilan si papa at tumingin sa akin.
"Don't count me on your business deal with them."
Tiningnan ko ang mag-amang Toriño na tahimik lamang at nakatingin sa nangyayari sa aming pamilya.
Muli akong tumingin sa ama ko. "You know what, papa. Now, I understand kung bakit mas pinili ng mga kapatid ko na itakwil mo sila kaysa pumayag na magpakasal sa taong gusto mo para sa kanila. Dati galit ako sa kanila kasi hindi ka nila inuunawa. Now, I get it. Ang hirap mong unawain, papa. Puro ka negosyo dito, negosyo doon. Lahat ng bagay at desisyon mo nakabase sa negosyo mo. What about how we feel? Did you even consider it?"
"Lahat ng desisyon ko para sa inyo! Para sa ikabubuti ninyo!" sabi ni papa.
Umiling ako.
"It's more on for the sake of your damn business!" Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin bago ko muling tiningnan ang aking papa. "I'll make it clear to you, papa... Hindi ako pumapayag sa gusto ninyo. I'll make the decision for myself. At ang desisyon ko ay hindi ako pumapayag sa gusto ninyo. Mag-aaral ako sa kolehiyong gusto kong pasukan. Hindi ako makikipag-close sa anak ng business partner mo. At higit sa lahat wala akong balak na sumang-ayon sa fixed-marriage deal na pinaplano mo para sa akin at kay Pimp!"
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
RomanceStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...