CHAPTER 24 : LIKE vs LOVE

1.1K 39 1
                                    

Rei's POV

[FLASHBACK]

(Setting: Freshmen Year)

Nakaalis na kami sa restaurant ng mga sandaling iyon. Minabuti kong yayain ko siyang sa lugar na walang ibang tao kami magtungo upang mas mapakawalan niya ang kanyang nararamdaman.

Pinunasan ni Choi ang kanyang mga mata kahit tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha doon. Hindi iyon naging hadlang para ipagpatuloy ang kanyang kuwento.

"Ipinagtapat nila sa akin ang totoong nangyari, Rei. Sabi nila ay inilihim nila iyon para sa kapakanan ko. Gustuhin ko mang maintindihan na para sa mabuti ang ginawa nila at iniintidi ko iyon sa abot ng aking makakaya. Pero nahihirapan pa din akong tanggapin.

"Hindi lang pala ako basta naaksidente kaya hindi ko matandaan ang nangyari. Kasama ko din si B noong mangyari iyon. Kaka-graduate lang namin noon ng elementary at mamamasyal sana kami ni B. But we were kidnapped as what my parenst and lolo told me. Sabi nila ay ang isa sa family driver daw namin ang kumidnap sa amin kasama ang mga dati nitong kasamahan sa sindikato.

"Ako lang daw dapat talaga ang puntirya ng mga ito dahil isa akong Hendrix. Nagkataon lang na palagi kong kasama si B na mula din sa mayamang pamilya. Malaking halaga ang hiningi ng mga kumidnap sa amin kapalit ng kalayaan namin. My family and B's were willing to give the ransom money in exchange for our safety. Pero hindi sila nagkasundo kasi ang gusto ng mga magulang ko ay makipagyulungan sa mga pulis para masiguro ang kaligtasan namin habang ang mga magulang ni B ay aayaw dahil baka mapahamak daw lalo kami.

"Pero mapilit ang mga magulang ko kaya sila ang nasunod. Noong araw na ibibigay na nila ang ransom money ay nakatunog sila na may pulis na involved kaya pagkakuha nila sa pera ay hindi kami ibinalik ng mga kidnappers sa aming mga magulang.

"Nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga kidnappers at ng mga pulis. And it ended into a crucial accident. Bumangga ang sasakyan ng mga kiddnappers kung nasaan kami sa poste bago ito nahulog sa bangin. Hindi mataas yung pinaghulugan namin but the car was a total wreck before it exploded. Ang mga kidnappers lamang ang naiwan sa loob ng sasakyan habang kami ni B ay tumilapon sa labas.

"Naging masama ang pagkalabagok ng aming ulo ayon na din sa mga magulang ko. Parehas kaming na-comatose pagkatapos kaming ma-operahan.

"Nauna daw magising si B na kaagad dinala ng mga magulang nito sa ibang bansa. Sa pag-alis nila ay pinitol na din nila ang ugnayan ng aming mga pamilya dahil sa nangyari. Sinisisi nila ang pamilya ko dahil dahil sa pakikipagtulungan sa mga pulis kaya daw nalagay lalo sa kapahamakan kami.

"Ang huling nabalitaan ng aking mga magulang ay naka-recover si B at bumalik sa normal ang buhay niya ngunit ilang buwan pagkatapos ay nag-shutdown ang katawan niya dahil sa komplikasyon sa aksidente at hindi nagtagal ay binawian ng buhay." Sinsikap ni Choi pigilan ang kanyang pag-iyak ngunit alam kong hindi madali iyon. "Iniwan na niya ako. Ang akala ko ay babalik pa siya. Hindi naman ako nagsawang maghintay sa kanya. There was no day I never thought of her. Lagi siyang nasa isip at dito"—itinuro niya ang dibdib—"dahil hindi siya nawala. But I just found out she's gone and never coming back."

Nilapitan ko siya at niyakap. Isinantabi ko muna ang pansarili kong interes para damayan siya. Nang sumubsob siya sa aking dibdib ay doon niya tuluyang pinakawalan ang totoo niyang nararamdaman. I was patting his back as he sobbed.

"Ang sakit, Rei. Ang sakit-sakit."

Oo, Choi, naiintindihan kita. Ako man ay nasasaktan din, naisaloob-loob ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal siya na umiiyak habang inaalo ko siya. Nang humupa ang pagluha niya ng bahagya ay inaya ko siyang humanap kami ng isang Inn na matutuluyan.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon