CHAPTER 49 : HIDE AND SEEK

849 27 0
                                    

Rei's POV

Lalapitan ko sana si Choi nang pumunta ako sa classroom kung saan ginanap ang klase nito na kakatapos lamang. Subalit bago ko pa magawa iyon ay tumayo na siya at lumabas ng silid.

Diretso ang tingin niya sa daan na para bang hindi niya ako nakita... o baka hindi naman talaga.

Napabuntong hininga ako. Sana ay yung huli na lamang.

Pero mukhang wala siyang balak na pansinin ako. Aalis na sana ako ng silid pero may humawak sa braso ko para pigilan ako.

"Rei," anang pumigil sa akin.

"Felix," tugon ko.

Halos nakalimutan ko ng magkaklase nga pala sa subject na ginanap sa silid na ito sila ni Choi. At halos makalimutan ko na din ang presensya ng kaibigan kong ito lately.

Pagkatapos ng confession sa akin ni Felix ay ilang araw din siya ng umiwas. Hindi naman totally na nilalayuan niya ako pero ramdam ko na dumidistansya siya kahit papaano.

Nagbabatian pa din kami at kinakausap niya ako. He was trying to act as normal like he always did as before... but there were some changes. Lalo na kapag wala sa paligid ang mga kaibigan namin.

Kapag kami lang kasing dalawa ay hindi niya ako ina-approach kagaya ngayon na may paghawak pa talaga siya sa braso ko. However, his eyes remained distant...

...or not.

Bigla kasi siyang ngumiti ng maaliwalas.

The signature smile of Felix, my very good friend, registered once again on his lips and light up his aura.

Nahawa tuloy ako sa ginawa niyang iyon at ginantihan siya ng ngiti din.

Without further ado, he stretched his arm around my shoulders and we went out of the room together.

"Na-miss kita, kaibigang oso," magiliw niyang sabi sa akin. "Sobra."

"Na-miss din kita," tugon ko naman. "Ikaw lang naman itong naging awkward sa ating dalawa."

"Gan'on talaga," piningot niya ako ng very light.

"Ang hilig mong manakit."

Gumanti din ako.

"Ikaw din naman..." aniya habang sapo ang tainga niya na piningot ko ng bahagya saka tumawa. "...nananakit."

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Tinamaan kasi ako. Para kasing double meaning iyon (na baka yung pag-reject ko sa kanya ang ibig niyang tukuyin).

May telepathic powers yata itong kaibigan ko at na-gets ang iniisip ko.

"Itong pamimingot ang tinutukoy ko. Ano ka ba?"

It took me a short while before I forced myself to laughed along with him. Ayaw ko na palalain pa ang awkwardness na nararamdaman ko. Mukha namang sinsero siya sa sinabi niya sa akin.

Subalit pagkatapos naming tumawa ay binalot kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung papaano babasagin iyon.

Subalit mas nauna siyang magsalita.

"Rei, lumipas man ang mga taon ay hindi nagbago ang nararamdaman ko... gusto kita," seryosong sabi ni Felix.

Tila napako ang mga paa ko at huminto ako sa paglalakad saka tumingin sa kanya. May part two pa yata ang pangungumpisal niya sa akin.

Mula sa gilid ng aking mata ay nabatid ko ang isang taong nagkukubli sa may isang sulok. Nagkaroon ako ng kutob kung sino ito.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon