CHAPTER 10 : THREE POINTS

1.4K 55 0
                                    

Rei's POV

Bago kami umalis sa Chono Lei Park ay nagdesisyon ako na hindi lahat dalahin ng stuffed animals na napanalunan ko sa target shooting. Mahirap kasing dalahin iyon lalo pa at motor lamang ang sasakyan namin. Isa pa ay saan ko gagamitin ang mga iyon?

Napagpasyahan ko na lamang na ibigay ang mga iyon sa mga empleyado sa amusement park na matyagang i-entertain kami habang nandoon.

At ang pinakamalaking stuffed animal ay napapunta kay Choi. Hindi siya pumayag na ibigay ko iyon sa iba.

Sa kanya daw iyon.

Kaya naman sa motorsiklo kung noong una ay ako lamang ang angkas niya. Ngayon ay nasa likuran ko na ang panda stuffed toy ay nakatali sa baywang ko para hindi malaglag.

"Ingatan mo yan. Huwag mong hahayaang malaglag habang nasa byahe tayo," sabi ni Choi sa akin kagabi.

Pagkaalis namin sa amusement park ay naghanap kami ng makakainan. Sa isang 24/7 fastfood chain kami kumain ng late dinner. Akala mo ay may piyestahan at maraming in-order siya.

"Ngayon lang ako makaka-kain dito kasi palaging sa mga fine dining restaurant kami kumakain nina mama kapag magkakasama kami."

Iyon ang dahilan niya kaya daw doon niya gustong kumain.

Ang akala ko ay maaksaya ang maraming pagkain na in-order niya pero hindi din dahil ang iba ay ipinabalot niya. Pagkatapos ay um-order pa siya.

"Hindi ka pa ba busog? Bakit um-oreder ka pa eh andami pang natira sa kinain natin kanina."

Umiling siya. "Hindi naman para sa atin yung in-order ko."

"Ha?"

Tumuro siya sa labas mula sa glass wall. Mayroong mga batang nakatingin sa mga katulad naming kumakain sa loob ng restaurant. Sila yung mga batang gusgusin at namamalimos. Yung iba ay mga nagtitinda ng sampaguita, balot at chicharon. "Para sa kanila yung in-order ko."

Ang akala ko ay isang tipikal na mayaman si Choi. Subalit sa tuwing kasama ko siya ay mas nakikilala ko pa siya. Mas marami akong natutuklasan tungko sa kanya. At gusto ko ang mga natutuklasan ko.

I was able to get to know him better.

Kumbaga sa panliligaw ay nakakapuntos siya sa akin dahil sa kabutihan niya.

Aish! Shit! Bakit sa dami ng puwedeng i-example eh panliligaw pa. Puwede naman basketball di ba?

Erase! Erase! Ulitin natin.

Kumbaga sa basketball ay panay ang three-point shoots ni Choi dahil sa kabutihang asal niya.

Kagaya na lamang noong ipinamamahagi niya ang mga in-order niyang pagkain sa mga bata. I was able to see in his eyes that he was having self-fulfillment with what his doing.

Three points!

Pagkatapos noon ay sakay na uli kami ng motorsiklo. Malalim na ang gabi noon at hindi na praktikal na bumyahe kami pabalik sa bayan namin ng ganoong oras.

"Choi, gabi na. Paano tayo uuwi eh malayo tayo? Pagod ka na din para mag-motor. Tapos wala naman akong lisensya."

"Aish! Ikaw talaga..." Ginulo-gulo niya ang buhok ko saka ngumiti. "Hindi problema yon."

Nag-check in kami sa isang Inn para doon kami magpalipas ng gabi. Pagkapasok namin sa establisyimento ay eksakto namang bumuhos ang malakas na ulan.

Tama ang desisyon niyang huwag ng  bumiyahe.

Ang kaso nga lamang tila nananadya ang pagkakataon na isang kuwarto na lamang ang bakante. At wala na kaming pagpipilian sa lakas ng ulan. Ayaw din niyang mabasa si Pandada.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon