Rei's POV
"I'm damn serious. Rei, please be my boyfriend."
Tinakpan ko ang aking mga tainga. Pakiramdam ko ay may bumulong sa akin. Mababaliw na yata ako.
"Rei, please be my boyfriend."
Ipinikit ko ang aking mga mata ng mariin. Dinadaya ako ng aking mga mata dahil nakikita ko siya. Baliw na yata ako.
"Rei, please be my boyfriend."
Napahinto na ako sa aking paglalakad. Baliw na talaga ako!
Pati sa utak ko ay patuloy na naglalaro sa aking isipan ang imahe niya at ang kanyang tinig habang ipinapakiusap ang bagay na iyon.
"Walanghiya ka, Choi! Ano ang ginagawa mo sa akin?!" hiyaw ko habang nasa gitna ako ng kalsada at naglalakad.
Muli akong sumulyap sa mansyon ng mga Hendrix. Malayo na ako mula doon at halos bubong na lang ang natatanaw ko at ang malaking gate. Subalit ang kalsadang nilalakaran ko at ang mga puno sa gilid—sa kaliwa man o sa kanan—ng kalsada ay lupain nila na parte ng kanilang hacienda.
Napakalawak ng pag-aari nilang lupa. At dahil doon ay pakiramdam ko na hindi pa rin ako tuluyang nakakatakas sa anino ni Choi. Kung ako ang masusunod ay gusto ko ng mag-teleport para makalayo.
Pero hindi ito ako si San Goku, si Rei lang ako kaya maglalakad lang ako.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya sa akin. Inalok niya akong maging boyfriend niya! Hindi ko akalain na... na lalaki ang gusto niya!
Nang inalok niya ako na maging nobyo niya ay nagmadali akong makaalis sa kanila. Hindi ko na nga alam kung papaano ako nakapagbihis ng ipinahiram niyang damit at pantalon. Basta ang nasa isip ko lamang ay mahalagang makaalis ako doon sa kabila ng pagpigil niya sa akin.
Nagbingi-bingihan ako ng hilingin niya na pakinggan ko daw muna siya.
Magpapatuloy na sana muli ako sa paglalakad paalis sa lupain nila subalit hindi ko napigilang muling sumulyap sa huling pagkakataon sa mansyon ng mga Hendrix.
Without a warning, his sad face flashed in my head when I left earlier. Nakarehistro sa mga mata niya ang lungkot.
Naging mabagal ang paglalakad ko hindi kapares kanina na para akong lumalaban ng walkathon. Naging abala kasi ang aking isipan sa pag-iisip. Nakokonsyensya ako sa ginawa ko.
Was I harsh? I guess I was, naisaloob-loob ko.
Aish! Kapag talaga may dinidibdib ako ay napapa-english ako. Maliban na lang kung tungkol sa tiyahin kong mukhang lalaking nakainom ng suka ang hitsura at sa batugan kong pinsan. Wala sila sa kalingkingan ni Choi para pag-aksayahan ko sila ng english ko.
"I'm damn serious. Rei, please be my boyfriend." Muli na namang sumagi sa isip ko ang kanyang tinig at ang sinabi niya. This time yung nagmamakaawa ang boses version.
Pero bakit ako? Alam kong may hitsura ako dahil sabi nila mukha daw akong Koreano... pero bakit ako? Choi, bakit ako?
Pakiramdam ko ay ang sama ko ng bigla ko siyang tinakbuhan pagkatapos ng sinabi niya dahil parang pinandirihan ko siya. Pero hindi naman ganoon ang gusto kong palabasin. Wala akong problema kung lalaki man ang gusto niya.
Ang sa akin lang dapat nag-confess muna siya ng damdamin niya hindi yung binibigla niya ako na maging mag-nobyo kami ng walang ligaw-ligaw. Hindi, joke lang yun!
Ang sa akin lang naman masyado talaga akong nabigla sa mga pangyayari.
Unang-una ay nagising ako sa silid niya na halos walang suot at magkahawak kamay pa kami.
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
CintaStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...
