Choi's POV
"Rei, lumipas man ang mga taon ay hindi nagbago ang nararamdaman ko... gusto kita,"
"Aish!" halos mapasabunot ako sa aking buhok sa tuwing magpe-play sa isip ko ang mga salitang iyon na narinig ko.
Sinabi ni Felix iyon kay Rei. Narinig ko siya na nagtapat ng nararamdaman niya para sa kaibgan.
And now I'm confused, naisaloob-loob ko.
Nalilito ako sa nararamdaman ko kung bakit apektado ako sa nalaman ko. At sa sobrang pagkaapekto ko ay hindi ko na natapos pakinggan kung ano ang naging sagot ni Rei dito.
He must've had accepted Felix's feelings. Iyon marahil ang nangyari.
Pero hindi, anang isang bahagi ng aking utak. Hindi ako dapat mag-assume.
Subalit kailangan ko pa bang mag-assume? Hindi ba at parang mas lalo silang naging close na dalawa pagkatapos noon?
Kahit hindi ko narinig ang tugon ni Rei ay kita ko sa kilos nila na may unawaan na sila.
"Aish!" for the nth time I uttered that word.
Naguguluhan talaga ako.
Was I making an assumption?
Besides, ano yung nakita ko noong magkasama si Rei at Uno galing sa kuwarto ng una? Kailan pa sila naging close? Kailan pa sila nagkakilala?
At bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
Ganitong-ganito din ang naramdaman ko noong bakasyon nang ang kasama naman niya ay si Moi.
Damn, he's like a magnet, naisaloob-loob ko. Everyone's getting pulled with his charm... including me.
Si, Felix, si Moi at si Uno... o ako? Bakit ang daming umaaligid sayo, Rei?
Umiling ako. Hindi maaari ito.
Kailangan ko ng makakausap.
Sino pa ba ang puwede kong kausapin tungkol sa mga ganitong bagay?
Pinag-iisipan ko kung tatawagan ko ba si Bullet o hindi. Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa screen ng aking cellphone kung saan naka-display ang contact information at larawan niya.
I wanted to ask him to watch a movie. Weekend kasi at tanging ang meeting lamang sa Student Supreme Council ang schedule ko para sa araw na iyon.
Kaiba sa mga nakaraan pagkakataon ay hindi ko alam kung papaano mag-o-open up sa kanya para humingi din ng payo. Pakiramdam ko kasi ay sensitive itong issue na dinadala ko.
Simula freshmen ay naging ka-close ko na siya at siya ang nagsisilbing tagapayo ko kapag naguguluhan ako. It's just that I was having a hard time reaching out to my friend lately. Mukhang may personal na problema din itong dinadala.
Naisip ko na kapag inaya ko siya na lumabas ay makahanap ako ng tyempo para idulog ang bumabagabag sa akin.
Gusto kong humingi ng payo tungkol sa nararamdaman ko para kay—
Nasa ganoon akong kalagayan ng bigla akong akbayan ni Rei.
"Dude, what's up?"
Napapitlag naman ako kaya mabilis kong ini-off ang screen ng aking cellphone at itinago iyon sa aking bulsa.
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
RomanceStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...
