Felix's POV
[FLASHBACK]
"Nag-hug na sila! Nag-hug na sila, mga bro," pinipigilan ni Calix na lumakas ang boses habang sinasabi iyon na may kasamang paghampas sa mga balikat namin ni Bullet. "So sila na ba?"
Hindi ako nakatiis at tinampal ko ang noo ng aking kakambal. "Baliw ka ba? Ang lakas ng boses mo, Calix! Baka marinig nila tayo."
"Eh ang layu-layo naman natin ah. Hindi ba, Bullet?"
Tumango si Bullet. Kagaya namin ay tutok din siya sa pag-aabang sa susunod na eksena sa pagitan ng mga pinapanood namin. "I am happy for them. Sinasabi ko na nga ba na more than friends sila una ko pa lang silang nakita."
"Same to us," pag sang ayon ni Calix. "Unang kita pa lang namin ni kambal sa kanilang dalawa ay kutob na namin na more than friend sina Choi at Rei. Kaya nga curious kami kung bakit mag-isa n'ong welcome prty si Rei tapos si Calix eh kasama ng mga seniors."
Tumango si Bullet.
Lumingon uli sa akin ang kakambal ko. "Effective yung pagakbay mo kay Rei. Iyon nga siguro talaga yung dahilan. Nagselos siya kaya binakudan niya kaagad si Rei."
Tatawa-tawa lang siya habang ako ay mas piniling tumingin na lang sa pinapanood namin.
Mula sa malayo ay tanaw namin sina Choi at Rei na nagyakap. May mumunting ngiti na kumurba sa gilid ng aking mga labi.
Masaya ako para sa kanila. Sa isang banda ay medyo nakakadama din ako ng very light na lungkot. Hindi ko alam kung bakit.
Joke lang, may idea ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pero hindi pa din ako sigurado.
Dahil ba dati kong crush si Rei? Dahil ba nabigyan na ako ng pagkakataon para ako ang pumalit sa puwesto ni Choi para pasayahin si Rei pero nagpaubaya pa din ako? So ako na? Ako na ang martir?
Oo, aminado ako na espesyal sa akin si Rei. I always felt he's more than a friend to me. Unang kita ko pa lang sa kanya noong makasabay ko sya sa pagkuha ng entrance examination dito sa Nam College ay iba na ang naging epekto niya sa akin.
He was an exception. Babae ang gusto ko pero sadya lamang may kakaiba o unique na karisma ang kaibigan ko kaya mas higit pa sa isang kaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya.
Kung may pagkakataon nga lamang ay gusto ko siyang i-date.
Pero hindi ba nabigyan na ako ng pagkakataon? Noong nagkalabuan sila ni Choi? Pero bakit hindi ko ginawa?
Napabuntong hininga ako. Ginawa ko naman eh.
Ginawa ko talagang makipag-close sa kanya kaya madalas ko siyang samahan.
Curious din ako sa sarili ko na nasagot kung talaga nga bang gusto ko siya in a romantic way. Subalit sa isang banda habang mas nakikilala ko siya ay parang nakikilala ko din si Choi dahil naramdaman kong mahal nila ang isa't-isa.
Hindi lang dahil wala si Rei ibang bukambibig kundi si Choi kundi iba ang paraan ng pagbanggit niya sa pangalan nito. Kahit na madalas na kinukuwento niyang si Choi ganito at si Choi ay ganyan.
Ako itong parang siraulo na may gusto kay Rei pero sige lang ako at hinayaan siyang magkuwento sa akin tungkol sa taong mahal niya.
Hindi naman niya kaagad inamin o sinabi na mahal niya si Choi. I only got the official confirmation when he finally opened up to me of he and Choi's situation.
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
RomanceStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...