CHAPTER 37 : SHATTERED

915 32 0
                                        

Rei's POV

[FLASHBACK]

Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Felix. Wala akong maisip na sapat na dahilan para pagtuunan ko ng pansin iyon pero hindi pa rin iyon mawaglit sa isip ko.

Wala nga ba akong rason para isipin iyon?

Umiling ako para itaboy ang mga namumuong bagay-bagay sa aking isipan. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko dapat isipin iyon. Hindi ko dapat intindihin iyon.

Yung sinabi ni Felix, naisalooob-loob ko. Wala lang yun.

Tama naman yung sinabi ko kanina na may sarili pa ring buhay si Choi. Hindi naman por que kami na ay kailangan magkasama kami palagi.

Nasa iisa man kaming kolehiyo ay may kanya-kanya pa din kaming buhay. Bukod pa doon ay hindi ordinaryo ang kursong kinukuha namin. Kami ang gumagawa ng sarili naming curriculum kaya magkaiba pa din ang karamihan sa mga subjects na tine-take namin depende sa aspetong gusto naming pagtuuan ng focus o yung katumbas ng isang major sa madalas na naiisip nating kurso.

Sa business niya gustong magfocus kaya lahat ng subjects niya bukod sa mga general subjects ay fundamental at basic subjects na related sa business.

Ganoon din ang iba ko pang mga kaibigan kaya hindi din kami madalas magkakasama. Si Bullet sa Humanities at si Calix naman ay sa Sports.

Kaya kami rin lang ni Felix ang sanggang-dikit dahil related ang focus ng studies namin. Ito ay ang Arts and Literature.

Tumingin ako sa paligid. Wala ng ibang tao sa lugar. Sarado na din ang library na kahiwalay sa ibang building sa campus. Tanging nga poste ng ilaw na lamang ang nagbinigay liwanag sa akin.

Medyo nahindik ang balahibo ko na sa paglinga-linga ko sa paligid ay may narinig akong kaluskos. Para bang may nanonood sa akin.

Naalala ko tuloy ang kuwento ng ibang mga estudyante na may multo daw sa library. Pero ayaw kong maniwala.

May kaluskos na naman sa may mga halaman pagkatapos ay may narinig akong mga yabag ng paa.

Shit! !@&$@$?!!!

Hindi ko na napigilang mapamura sa aking isip dahil nanindig na nga ang mga balahibo ko sa buong katawan nang gapangin ako ng takot. Ayaw kong maniwala sa multo pero ngayong mag-isa ako dito sa labas ng library ay gusto ko ng maniwala.

"Baliw ka, Rei! Bakit kasi pumayag kang magpaiwan kay Felix," bulong ko sa aking sarili habang naglalakad  ng mabilis pabalik sa dorm.

Medyo malayo na din ang nalakad ko nang maging normal ang mga paghakbang ko at bumabalik na sa dati ang tibok ng aking puso.

"Next time, huwag ka ng magpaiwang mag-isa, Rei," bulong ko uli sa sarili ko.

Pero ang totoo ay hindi naman talaga ako basta nag-paiwan. May dahilan kaya hindi ako agad umalis at hindi sumama kay Felix.

May si Felix na may kaugnayan kay Kino at sa plano niyang hanapin ito sa Thailand. Hinayaan ko na lang siya na maunang umalis dahil ako naman ay may lakad din. Pagkabalik ko kasi sa lamesa kung saan ako nagsusulat sa library ay wala na siya.

Hindi ba at kaya nga ako nag-paiwan sa library ay dahil may lakad kami ni Choi? Ang usapan namin at palaging set up namin ay susunduin niya ako.

Pero ang pagkain sana namin sa labas ngayong gabi ay noong isang linggo pa namin huling napag-usapan.

Napabuntong hininga ako at bumagal lalo ang paglalakad.

Tama si Felix.

Lately nga ay parang nagiging missing in action si Choi. At yung kaninang umaga na nagising ako tapos nasa kuwarto ko siya ay unang moment uli namin na magkasama pagkatapos noong nangyari sa comfort room.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon