Rei's POV
I didn't know where should I start.
Ni hindi ko nga alam kung papaano ito nagsimula.
How did I get here?
How did I get this feeling?
Lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub lub-dub...
Hinawakan ko ang aking dibdib dahil pakiramdam ko ay mabubuksan iyon sa lakas ng pagtibok ng aking puso. Wala na siya sa aking harapan subalit damang-dama ko pa din ang epekto ng kanyang presensya. Kapag ipinipikit ko naman ang aking mga mata ay nakikita ko ang nakangiti niyang mukha.
Was it because I realized how adorable a smile could be? Marunong din naman akong ngumiti ah. Pero bakit ganoon? Nakakaaliw tingnan kapag nakangiti hindi lamang ang mga labi niya kundi pati na ang kanyang mga mata.
Papaano nga ba ako napapunta sa sitwasyong ito?
Well, technically, I knew it. Subalit ang tanong na hindi ko masagot sa tamang mga salita sa mga sandaling ito ay kung bakit ganito ang nararamdaman ko?
Hinanap ko siya ng aking mga mata sa paligid. Nakita ko siya sa may dako roon at nakapila sa isang stall para bumili ng sorbetes. Tila naramdaman yata niyang may nakamasid sa kanya. Alam yata niyang ako iyon kaya sa aking direksyon siya awtomatikong tumingin.
There was that smile again. Natural na umukit iyon mula sa kanyang mga labi. Pati ang mga mata niya ay nakangiti din.
Kinawayan niya ako at wala sa loob kong sinuklian iyon ng pagkaway rin.
Nang umusad ang pinipilahan niya ay naputol ang pagtitigan namin. Muli kong ibinalik ang aking paningin sa malayo—sa kawalan. Wala akong siguradong tinitingnan.
Walang babalang nagbalik sa aking isipan ang alaala kung papaano nga ba nagsimula ang lahat.
Sa totoo lamang ay hindi kami close na dalawa. Mas tama pa nga na sabihing magkakompitensya kami pagdating sa academics sa eskuwelahan. Talino laban sa talino.
Mula elementarya ay sa isang pampublikong eskuwelahan ako nag-aral matapos aking kupkupin ng aking tiyahin, si tita Cru. Namatay kasi sa isang aksidente ang aking mga magulang nang mahulog sa bangin ang sasakyan namin.
Kasama ako sa aksidente at tanging ako lamang ang nakaligtas. Ilang linggo lamang pagkatapos maaksidente nanatili sa ospital ang aking mga magulang. Idineklara silang brain dead at tanging ang makina pati mga aparatos na lamang ang bumubuhay sa kanila. Iyon ang ikinuwento sa akin ng aking tiyahin dahil comatose ako ng mga panahong iyon. Maraming buwan daw akong ganoon sabi ni tita Cru pero hindi ko matandaan. Basta pag-gising ko ay nailibing na ang aking mga magulang pagkatapos alisin ang mga aparatos na siyang bumubuhay na lamang sa kanila.
Si tita Cru ang nagbayad ng lahat ng gastusin mula hospital bills pati pagpapalibing kina nanay at tatay. At ayon sa kanya bilang kabayaran ay ibinenta niya ang isa sa dalawang bahay ng aking mga magulang pagkatapos ay tinirahan namin ang isa pa sa isang probinsya. Ang bahay namin sa San Eros ang ibinenta habang lumipat kami sa kalapit na probinsya, sa bayan ng San Ignacio, kung nasaan ang isa pa naming bahay at doon kami tumira nina tita Cru at ng anak niya. Inokupa na parang pagmamay-ari niya.
Ang akala ko noon ay magiging maayos ang buhay ko sa pangangalaga ng aking tita Cru subalit nagkamali ako. Ginawa niya akong utusan. Hindi naging madali ang buhay ko sa poder niya. Utos doon at utos dito. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil kapag ginagawa ko iyon dahil ay pauulanan niya ako ng sermon. Isusumbat niya ang mga nagawa niya para sa akin at sa aking namayapang mga magulang.
Sa halip na maalwan ang buhay ko sa sarili kong pamamahay ay naging isa akong katulong. Sa dapat sana na stock room ay doon ako pinag-kuwarto ng aking tiyahin.
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
RomansaStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...