CHAPTER 22 : NOT YOU

1.3K 44 0
                                        

Rei's POV

[PRESENT DAY]

"Puwede ko bang malaman kung ano ang nangyari pagkatapos na sabihin sayo ni Choi na gusto ka nya? It's just that you guys never got the chance to tell us the details... O baka dahil hindi lang ako naglalaan ng atensyon dati."

Tumingin ako kay Bullet saka tumango. "Oo naman. Matagal na yun kaya maiikuwento ko na."

"Kung hindi ka komportable —"

Umiling ako. "No, I guess, kailangan ko na ding ikuwento dahil wala akong pinagsabihan tungkol sa nangyari. Kahit naman si Choi ay hindi nagkuwento, di ba?"

"Baka makakapagkuwento yun," pabirong sagot niya.

Nagtawanan tuloy kami. Tama naman si Bullet dahil hindi makakapagkuwento si Choi. Impossible. Well, hindi naman talaga imposible. Sa ngayon ang gusto kong isipin ay malabo sa posible kaysa sa salitang imposible.

"Masaya kami parehas noong inamin niya sa akin na gusto ako. Masyadong cheesy kasi parehas kaming lalaki pero who cares? Wala kaming pakialam noong mga panahong iyon."

"So naging kayong dalawa na noon pa lang?"

"Hindi," sagot ko.

"Ha? Eh ang gulo naman n'on. Parang kayo pero hindi. So wala kayong label?"

Tumango ako. "Oo, wala. Hindi ko rin naitanong ang tungkol sa kanila ni B dahil ang alam ko noon ay nobya niya ito. Ang tanga ko, di ba? Kahit alam kong may mahal siyang iba minahal ko pa din siya."

"I don't think so, Rei," salungat ni Bullet. "Nagmahal ka lang. Hindi katangahan ang magmahal. At kung katangahan man ang tawag doon, lahat ng tao ay tanga at natatanga sa pag-ibig."

Tumango ako. "Parang itinuloy lang namin ni Choi kung ano ang mayroon kami. Alam kong magulo ang sitwasyon pero ito"—itinuro ko ang dibdib ko sa tapat ng aking puso—"at saka yung sa kanya ay nagkakaintindihan. Ganoon pala kapag nagmamahal, ano? Kakaiba ang nararamdaman mo."

"I see," tumikhim siya. "H-hindi ko pa kasi nararamdaman yan."

"Talaga?" tanong ko. "Bakit parang iba ang sinasabi ng mga mata mo."

Napabuntong hininga siya. "All right. Fine... I knew the feeling. I-I had a girlfriend before but I don't want to talk about it."

Tumango na lamang ako bilang pag-unawa. Nakita ko kasi ang sobrang pakailang niya na mapag-usapan ang tungkol sa kanyang buhay. Kagaya pa din ng dati ay may pagkamalihim itong si Bullet.

"Okay, relax ka lang," sabi ko. "Ikukuwento ko na lang ang nangyari sa amin ni Choi."

"Okay."

"Bumalik sa dati ang samahan namin sa kung ano ang nayroon kami. Palagi kaming magkasama. Sabay kaming pumapasok at umuuwi sa dormitory. Hinihintay naming matapos ang klase ng isa't-isa. At kapag magkasama kami sa klase ay—"

"—hindi puwedeng hindi kayo magkalapit dahil hinahawakan niya ang kamay mo sa ilalim ng desk. I saw it dahil sa likuran ako nakaupo. Hindi ko lang alam kung nakikita din iyon ng kambal tukmol dati."

Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. "Hindi din pala lihim sa inyo."

"Anong hindi?" napailing si Bullet. "Actually nakita ko na lang yung pagho-holding hands nyo bago kayo parang hindi naging okay pagkatapos dumating si B."

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon