CHAPTER 58: GHOST OF THE PAST

827 24 0
                                    

Rei's POV

"It started when you went back to the Philippines to continue your studies..."

"Do you love her?"

He nodded, firmly. "I tried to deny it to myself but the more I do, the more it made me realize how much she means to me."

I was caught off guard with his statement.

Napabuntong hininga siya ng malalim kasabay ng pagsusumamo sa kanyang mga mata. "I know it's hard to take in as it's maybe too much for you. I'm sorry but I am not sorry that I feel this way for her. Maybe or maybe not you don't understand... If it's the latter, I hope someday you would."

Napabuntong hininga ako para iwaksi ang alaalang iyon. I continued walking down the path with a heavy heart.

Tila ba walang katapusan ang daang tinatahak mo mula ng pumasok ako sa loob ng campus ng Nam College. Kakalapag lamang kanina ng eroplanong sinakyan ko mula South Korea. Ni hindi ko na namalayan ang tindi ng traffic mula sa airport patungo sa campus.

Ang bilis ng mga pangyayari.

Hindi ko napigilang mapabuga sa hangin. Alam kong hindi ito dahil sa pagod sa paglalakad patungo sa dormitoryo kung hindi dahil sa aking reyalisasyon.

Tila ba sa isang iglap ay nagbago bigla ang pagtingin ko sa mga bagay-bagay mula ng makausap ko ang aking ama.

Biglaan akong nagtungo sa South Korea dahil sa hindi inaasahang balitang natanggap ko. Nang gabing sagutin ko ang tawag mula kay aboji.

But it wasn't my father at all even though it was his number.

It was someone else.

At ang tinig nito ay hinding-hindi ko makakalimutan nang magpakilala ang nasa kabilang linya.

"Hello, Rei..." The owner of the voice was at its fragile state. I heard sobs in between. "This is Beatrice—"

Hindi natapos ang pagpapakilala ng nasa kabilang linya. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari—parang may kumosyon mula sa kabilang linya. And if I remembered it correctly there's something else in the background. May kung anong kaba ang biglang bumalot sa aking dibdib.

The next thing I knew it was Miel's voice speaking on the other end. Ang pinakanaintindihan ko lamang ay kailangan kong bumalik sa Korea dahil may nangyari kay aboji.

Inatake sa puso ang aking ama.

Ito ang unang balitang sumambulat sa akin.

Dahil sa bagay na iyon ay hindi na ako nagdalawang isip na lumipad patungong Korea. At hindi ko na nagawang magpaalam kay Choi. Mabigat man ang loob ko na umalis ng walang paalam ay mas nanaig ang pag-aalala ko para sa aking ama.

Naisip kong marahil ay mainam na ding umalis ako sa ganoong paraan para putulin na ng tuluyan ang nararamdaman ko para sa kanya. I should not be too greedy—wanting him to love me again. Things got complicated already before so I thought things might have the same outcome now. Kaya basta na lamang ako umalis.

Coward! Iyon ang sabi ng isang bahagi ng aking sarili na pilit kong huwag ng patulan.

Duwag nga marahil ako. Ngunit sa palagay ko ay tama ang naging desisyon ko. That was how I interpreted it after the second big news dropped like a bomb when I arrived in Korea.

Tinanong ko kay tita Cru kung ano ang nangyari.  Nagkaroon daw ng pagtatalo sa pagitan nito at ni Miel. At nagsusumamo ang aking tiya na patawarin ang anak nito sa nangyari.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon