CHAPTER 13 : SAVE ME

1.3K 45 4
                                    

Choi's POV

How I wish this road would be endless.

Pabigat ng pabigat ang loob ko habang tinatahak ko ang daan pauwi sakay ng aking motorsiklo pagkahatid ko kay Rei.

Pagkatapos ko siyang yakapin ay doon nagbago ang nararamdaman ko. Simula kahapon hanggang kanina ay sobrang saya ko habang kasama ko siya. May kung anong hindi ko pa matukoy na emosyon ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami. And it made me feel complete and contented.

Whatever that feeling was, I didn't want it to be gone.

Ngunit naglaho iyon na parang bula at binalot ako ng lungkot habang papauwi na ako sa masyon. Maaari kasing iyon na ang huli kong pagkakataon na makakasama siya lalo pa at hindi ko na mapipigilan pa si papa sa kanyang mga balak.

Batid kong pilit niyang ikinukubli ang kanyang plano upang hindi ako makatutol sa kanyang gusto sa oras na sabihin niya iyon. Kaya lamang dahil sa matatabil na dila ng mga katulong sa mansyon at mga trabahador sa hacienda ay nalaman ko ang binabalak ni papa.

Kahapon ko pa ini-off ang aking cellphone dahil sa mga text at tawag niya sa akin para pauwiin ako.

Sa araw na ito niya isasagawa ang plano niya. Darating kasi ang business partner niya na ayon sa narinig kong kuwentuhan ng mga katulong at trabahador ay kasama ang unica hija nito.

Kung tama ang hinala ko ay iyon din ang business partner at anak nito na ipinakilala sa akin ni papa noong graduation dinner party ko.

Kung noon ay nakaiwas ako sa pambubuyo ni papa sa akin ay hindi ko batid kung magagawa ko pa ba iyon sa pagkakataong ito.

Maaari sana kung tutulungan ako ni Rei.

Kusang nagbalik sa aking alaala ang nangyari kahapon.

Nagpunta ako sa kanya kahapon para san muling makisuap. Nagtungo ako sa bahay na tinutuluyan niya.

Nakita ko siyang paalis kaya sinundan ko muna siya dahil ako mismo ay kabado at nag-iipon ng lakas ng loob para muli siyang harapin. Ang tinatahak niyang daan ay patungo sa dati niyang tinitirahan sa bahay ng tiyahin niya.

I thought he would go back under his aunt's care once more. Mabuti na lamang at hindi pala. Natawa ako sa kinatatayuan ko mula sa malayo ng makita ko siyang pinitas ang mga alagang rosas sa harapan ng bahay ng tiyahin niya.

So he has a dark side, naisaloob-loob ko habang tatawa-tawa siya sa pagpitas ng mga rosas.

Batid kong ayaw niyang mahuli siya.

After that, he left and continued walking down the road. Nagkaroon ako ng kutob kung saan ang daang tinutumbok niya. At hindi ako nagkamali. Sa bahay ni Chi siya papunta.

Ipinarada ko ang motorsiklo ko sa di kalayuan at naglakad ako ilang dipa ang layo sa kanya para sundan siya.

Nawaglit na sa isipan ko ang plano ko sanang pakikipag-usap sa kanya para tulungan ako sa aking papa nang makita ko siyang napako sa kinatatayuan. Kahit malayo ang agwat namin mula sa pinagkukublihan ko ay batid ko na bigla siyang nalungkot habang nakatingin sa harapan ng bahay ni Chi.

Bumagsak ang mga balikat ni Rei. Bago ko pa namalayan ay naglalakad na ako ng dahan-dahan papalapit sa kanya

Kita ko sa mga mata niya na nasaktan siya nang makita sina Chi at Moi. Nalaman niya na may ugnayan ang dalawa. Kita ko kung papaano siya hindi nakagalaw. Mula sa direksyon na pinanggalingan ko kahit hindi pa ako lubos na nakakalapit sa kanya ay nakita ko na ang dahilan ng pagrehistro ng kalungkutan sa kanyang mga mata.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon