Rei's POV
[FLASHBACK]
Wala pa ring imik si Choi.
Mabuti na lamang at hindi iyon napansin nina Bullet, Felix at Kino na mas naging abala sa panonood. Lalo pa nang manalo si Calix sa contest at naipasa ang test kaya naging offical Gold member ito ng Archery club.
Pagkatapos ng event ay hindi pa din nagsasalita si Choi. Pero hindi na siya umalis sa tabi ko at nakahawak lang siya sa aking kamay. Hindi ko alam kung sadya bang hindi nila napapansin iyon o hindi lang talaga pinuna ng aking mga kaibigan.
Ayaw ko namang magalit siya kaya hindi ko na lamang kinalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko buong event at hanggang sa mga sandaling ito na naglalakad na kami pabalik sa dorm.
Napagkasunduan namin na mag-hangout para mag-celebrate sa achievement ng kaibigan namin. Laking pasalamat ko at hindi tumutol si Choi sa bagay na iyon. Pero ang sabi niya sa kanila ay susunod na lang kami dahil may kukuhanin pa kami sa dormitory.
Kung ano ang kukunin namin ay wala akong ideya.
Natatakot naman akong magtanong dahil alam kong galit siya. Tanging pagsulyap lamang ang nagagawa ko sa kanya. Hindi niya ako kinakaladkad paglalakad. Ang totoo ay kung hindi siya ganoon katahimik na parang walang dila ay hindi ko iisipin na galit siya. He was just holding my hand gently but there's no sign he would let it go.
"C-Choi..." nag-aalangan akong magsalita pero hindi na talaga ako makatiis. "Sorry..."
Huminto kami sa paglalakad. Siya pala muna tapos napahinto na rin lang ako.
Humarap siya sa akin.
Pero ang ikinasorpresa ko ay wala na ang galit na kanina ay naroroon sa mga mata niya. Sa halip ay kalmado pero may pag-aalaala doon.
"Bakit ka nagso-sorry?"
"H-hindi ko alam na dadalhin ako doon ni Song tapos..."
"A-ayos ka lang ba?"
Tumango ako. "Ikaw? Ayos ka lang ba?"
"Sa tingin mo?"
"Hindi." Umiling ako. "Alam kong galit ka... sa akin. Kasi sumama ako sa kanya pero—"
Walang babala na niyakap niya ako.
"Hindi ako galit sayo. Galit ako sa nangyari at galit ako kay Song dahil niloko ka niya. You shouldn't have come with him."
"Natapunan ko kasi siya ng smoothies na binili ko para sayo. Tapos nahiya din ako sa nangyari kasi kahit hindi ko sinadya ay nadumihan ang damit niya. Tapos nakakuha pa kami ng atensyon at nahihiya ako sa nangyari. Inalis niya ako sa lugar na yun. Sabi niya samahan ko na lang daw siyang magpalit ng damit at dahil sa pagkakonsiyensya ko sa nangyari ay pumayag ako. Akala ko basta magpapalit lang siya ng t-shirt pero yun pala..." napabuntong hininga ako. "Sabi niya kapag umalis daw ako hahabulin niya ako kahit—"
"Shhh," hinagod niya ang likod ko. "I heard enough and thank you for being honest. Alam kong wala kang intensyong masama ng samahan mo siya... Pero amminin ko nagselos ako ng sobra."
"Ha?"
"Sinundan kasi kita at nakita ko ang nangyari mula sa malayo. I was really mad that you came with him. Akala mo ba ay aksidente ang nangyari?"
Tumango ako.
Umiling naman siya. "No, it's not. He did that on purpose. Ang akala ko ay alam mo kaya nagselos ako. Pero bago pa ako tuluyang mabalot ng sobrang selos naisip ko na hindi ako sayo dapat magalit. So I followed you and heard what he said. He tricked you."
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
RomantizmStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...