Choi's POV
I've never been this happy before as I turned to my right side of bed and seeing Rei by my side. Hindi na yata ako masasanay sa tuwing gigisng ako sa umaga na wala siya sa tabi ko.
Mahimbing pa rin siyang natutulog. I heard the little sound of his snore. Napagod marahil siya kagabi kaya ang lalim ng tulog. Ni hindi niya naramdaman ang ginawa kong paghaplos sa kanyang pisngi.
Dahil doon at natukso akong halikan siya sa noo bago ako bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Pagkasuot ko ng boxer shorts ay inayos ko naman ang pagkakakumot kay Rei para hindi siya lamigin dahil wala siyang suot na damit. Pinatay ko na din ang air conditioner at binuksan na lamang ng kaunti ang mga bintana sa kuwarto.
May kalamigan ang simoy ng hangin na pumasok sa loob ng silid pagkabukas ko sa bintana. Nagsisimula na ding lumiwanag ang kalangitan na nagbabadya sa nalalapit na pagsikat ng araw.
I did a little stretching before looking once more to this guy I kept on falling in love everyday. Muli tuloy akong natuksong nakawan siya ng halik. This time on the lips.
Pervert, pambubuska ng isang bahagi ng aking isip.
Pero hindi ako pervert, for the record. It's just that I wasn't able to restrain myself from doing that. At saka dati na din naman akong ninikawan ng halik ni Rei. And that was our first kiss, actually, and not during our freshmen year.
Walang babalang kusang bumalik ang alaalang iyon sa aking isip. Noong ilang taon na ang nakakaraan na sumugod sa mansyon si Rei para awayin ako dahil sa halip na siya ay ako ang naging valedictorian sa batch namin.
"Rei, kumalma ka lang—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang umatake ng suntok sa akin. Ngunit nawalan siya ng balanse at damay ako kaya nabuwal kami sa kalsada.
Aksidenteng naglapat ang aming mga labi dahil sa nangyari. I was shocked on what happened. On the other hand, he was too drunk to realize that.
"Hik!" Pilit na bumabangon si Rei mula sa pagkakadagan niya sa ibabaw ko. "Shabi ko shayo, Choi, wag ka malikot! Hindi pa kita nashusuntok."
Hindi ako nakapagsalita.
"Aish! Teka—hik—ano'ng ginawa mo sha lips ko? Hik! Hinalikan mo ako, ano?" Kunot noo niyang tanong. "Kras—hik! Kras mo 'ko?"
Mabilis akong umiling.
Hinawakan niya ang kuwelyo ko. "Gago ka ah! Hik!"
Nakadama ako ng takot dahil sa matalim niyang tingin. Idagdag pa doon ang mahigpit niyang paghawak sa aking damit at nakaambang susuntukin ako.
Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata sa takot. Ngunit sa halip na kamao niya ang tumama sa mukha ko ay naramdaman ko ang malambot niyang mga labi. It brought a different warmth in me.
Tila nalunod ako sa kawalan dahil sa sensasyong dulot niyon. Nagbalik na lamang ang aking huwisyo ng maramdaman ko ang mabigat na pagtuon ng mga kamay niya sa aking dibdib para makatayo.
He didn't know what happened. He was too drunk to know what he did.
The next thing I knew was he's crying as he blamed me for his unfortunate situation in life.
Muli kong hinaplos ang pisngi niya. Napangiti ako matapos alalahanin ang nakaraan. "Hay, Rei, kung alam mo lang kung papaano mo ako napa-ibig," bulong ko.
I wanted to kiss him again. Naadik talaga ako sa mga labi niya.
Isang halik na lang.
I kissed him.
"Isa pa," sabi ko. And so I did. "Last na talaga... Isang isa na lang... Ito last na, I swear," pagpapaliwanag ko sa aking sarili habang nininanakawan siya ng mumunting mga halik.
Napapiksi siya saka nagmulat ng mga mata.
Uh-oh! Napaginto ako at nanlaki ang mga mata. Lagot ako!
I was caught off guard. Ayaw pa naman ni Rei ng ninanakawan ko siya ng mga halik ng hindi ako nagpapaalam. At sa tuwing gagawin ko kasi iyon ay nagagalit siya sa akin at hindi ako kikibuin.
And it's killing me when I can't even get close to him.
"Ah-eh..." magkakasunod ang ginawa kong paglunok. Think, Choi! Isip ka ng alibi. Bilis!!! "A-ah... M-may l-lamok kasi kaya pinatay ko."
Kumunot ako kanyang noo.
"Lamok?" Aniya na tinanguan ko naman ng mabilis bilang tugon. "Pinatay mo yung lamok?"
Magkakasunod muli akong tumango.
Naramdaman ko na nagsisimula ng mamuo ang malamig na pawis sa aking noo. Halos tawagin ko na lahat ng santo para paniwalaan niya ang palusot ko.
"So yang labi mo na pala ang pinangpapatay mo ng lamok, huh?" seryoso niyang saad. "Hmmm... Okay. Akala ko hinahalikan mo na naman ako ng walang paalam eh."
"H-hindi ah," iwinasiwas ko ang aking mga kamay. "Baka magalit ka kapag ginawa ko yun. A-ano lang... kuwan, ano... Kinumutan lang kita t-tapos may lamok pinatay ko lang. Akala mo lang na hahalikan kita kasi hihipan ko sana yung napatay kong lamok sa may noo mo."
"Hmmm," tumangu-tango siya. "Okay. Sinabi mo eh. Sayang, iki-kiss pa naman sana kita kanina nung akal ko hahalikan mo ako. Buti na lang kung hindi napahiya ako. Sayang gusto pa naman sana kita i-good morning kiss."
"Ha? Hahalikan dapat kita," wala sa sariling naibulalas ko.
"Aha!" aniya. "Sabi ko na nga ba eh. Nagpapalusot ka pa, Choi. At dahil dyan...
"Rei, naman—"
"Walang babalang kinabig niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ako. It was short but intense." He smiled when our lips unlocked. "Good morning, thief."
"Good morning din. Pero ikaw itong nagnakaw ng halik." Ginantihan ko siya ng maalab na halik.
"Hoy, Choi," he said between our kisses. "Kanina pa ako gising"—he pullled me in bed—"at alam kong kanina ka pa smack ng smack sa labi ko. I was pretending asleep."
"Oo na," tugon ko. Pumailalim ako sa kumot para yakapin siya. "But as I said, you're the first one to steal a kiss from me before."
"Ewan!" aniya at muli akong hinalikan para gindi na ako makapagprotesta.
Our kiss was getting deeper, more passionate, and hot. It was like we've never done it before but we did. It's just that everytime we kissed when we're alone, it like there'll be no tomorrow.
Ngunit bago pa kami tuluyang mawala sa katinuan ay huminto ako sandali. Kinuha ko ang aking smartphome sa beside table.
"Ano'ng ginagawa mo?" ani Rei.
"We still have lots of time before our graduation later," sabi ko habang nagse-set ng alarm. "Ie-enjoy ko muna ang best graduation gift ko."
Nagtaas-baba ang aking kilay habang nakatingin ng nakakaloko sa kanya.
"Loko!" tumatawang tugon niya.
I gave gim a quick smack before putting back my phone to where it was.
I threw my boxer out of the bed after I took it off. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at inakap siya ng mahigpit saka naging isa ang aming mga labi.
Hinawakan ko ang kanyang kamay habang nakadatig ang ulo niya sa aking dibdib. Sumagi ang sinag ng araw sa suot niyang singsing na kaparehas ng sa akin. I smiled as I look at our engagement rings.
We made love and a happy memory that we'll always treasure come what may.
"I love you, Rei," buong sinseridad kong tugon sa kanya.
After we kissed, he replied. "I loved, still love, and will always love you too, Choi."
There's no more denying that we are not inlove because we are. He loves me and I love him... always and forever.
—THE END—

BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
RomantizmStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...