Rei's POV
[FLASHBACK]
Mayroon bang kakaiba sa akin? Hindi ko mawari. Hindi ako sigurado.
...pero...
Parang mayroon talaga. Pakiramdam ko ay kulang ako sa tulog kahit kumpleto naman dahil sigurado akong maaga akong nakakatulog lately. Ang ipinagtataka ko lamang ay kahit plano ko na magpuyat mabilis kaagad akong nakakatulog.
At hindi lang tulog kundi tulog mantika.
Basta ang huli ko lang natatandaan ay parang nakakadama ako ng pagkahilo. Lumalabo ang paningin ko hanggang sa parang maging groggy ako.
Kapag ganoon ang nangyayati ay ipapahinga ko lamang ang mga mata ko pero sa hindi ko malamang dahilan pagmulat ko ng mga mata madaling araw na.
Diretso na pala akong nakatulog.
Noong mga nakaraang gabi ay hindi ko pinapansin iyon dahil sa tingin ko ay dahil lamang sa stress sa pag-aaral kaya nakakatulog kaagad ako.
Pero habang tumatagal ay parang iba na. Parang hindi na normal.
Kaninang madaling araw nang magising ako ay nakahiga na ako sa kama pero sa pagkakatanda ko ay nagsisipilyo pa lamang ako ng makadama ako ng hilo.
Kapag tinitingnan ko naman ang sarili ko sa salamin ay wala naman akong makitang kakaiba. Hindi naman ako nangangayayat maliban sa nagkakaroon ako ng eyebags.
Kung maaga akong nakakatulog para saan ang eyebags?
Gusto ko sanang ikuwento ang nangyayari kay Felix kaso may pinagdadaanan ang kaibigan ko. Dinidibdib niya ang biglang pag-alis ni Kino.
"Bro, hindi siya nagpaalam sa akin. Bakit gan'on? May nagawa ba akong mali? Okay naman kaming dalawa ah. May sinabi ba sya sayo? Galit ba sya sa akin?"
Ilan lamang iyan sa maraming tanong ni Felix na patuloy niyang hinahanapan ng sagot sa biglaang pag-alis ni Kino ng walang paalam.
"Wala ba talaga syang sinabi sayo? Ano sa palagay mo?"
Tinapik ko ang balikat niya.
"Felix, pasensya na talaga. Ang sabi niya sa akin ay nakapag-paalam na daw siya sayo kaya naniwala ako."
"Yun din ang sabi niya sa akin," segunda ni Calix.
Tumangu-tango naman si Bullet. "Same as what they said, bro. I thought Kino said goodbye to all of us."
Napasabunot si Felix sa buhok niya. "Aish! Sinabi sana niya na galit siya kaya ayaw sana niyang magpaalam sa akin!"
"Bro," ani Choi. "Wala ka bang natatandaang pinagtalunan ninyo?"
Umiling si Felix. "Wala. Wala talaga."
"Maiba ko, kambal. Akala ko ba ay hindi mo siya gusto pero bakit ganyan na lang ang reaksyon mo?"
"Fine! I admit, gusto ko sya."
"Baka kaya galit sya sayo ay dahil hindi mo sinabing gusto mo siya, kambal? What do you think?"
"Should I tell him that? Paano kung hindi naman niya ako gusto? Paano kung iba ang ikinagagalit niya?"
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
RomantikStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...
