Rei's POV
Namamangha ako but at the same time nawi-wirduhan din. Akala ko kasi sa mga kuwento at pelikula lamang nangyayari ang sinasabi nilang fixed or arranged marriages pero pati pala talaga sa totoong buhay lalo na sa mundo ng mga mayayaman.
Ganoon ang nararanasan ni Choi kaya hindi ko mapigilang makadama ng awa para sa kanya. Kita ko kasi sa mga mata niya na hindi niya gusto na mangyari sa kanya iyon. Ayon pa sa kanya maging mga pinsan niya sa mother side na mas matanda sa amin ay sinunod din ang trandisyong iyon. Ang papa naman daw niya ay nag-iisang anak pero gusto niyang simulan ang ganoong tradisyon sa mga Hendrix lalo na daw at makakapagpatatag iyon ng business empire ng pamilya.
So pati pala pagpapakasal ay negosyo rin para sa mayayaman.
At kailangan ay mayaman din ang mapapangasawa para mapalago ang negosyo. Dagdag pa ni Choi bonus na lang kung magkakagustuhan ang dalawang ipinagkasundo. Pero sa tantya ko ay hindi naman nangyayari iyon sa lahat ng pagkakataon. Hindi naman natuturuan ang puso.
"Nangako sa akin si papa. May usuapan kami na kapag hindi ako umangal sa ginawa niyang panunuhol sa principal ng school para ako ang maging valedictorian, hindi na daw niya ako pipilitin tungkol sa arranged marriage na iyon." Bumuntong hininga siya, frustrated. "But he broke that deal."
"Pero masyado ka pa namang bata, Choi. Tayo. Bata pa tayo," komento ko pagkatapos niyang ipaliwanag ang tungkol sa dahilan niya ng pag-aalok sa akin para magpanggap na nobyo niya. "Wala pa nga tayong disi-otso."
"Ikaw wala pa pero ako mag-e-eighteen na ilang buwan na lang. Isa pa mas matanda ako sa iyo ng isang taon. Hindi lang kaagad ako nakapag-high school dahil naaksidente ako kaya nahinto ako ng isang taon," paliwanag ni Choi. "You're right, we are still you. But I could legally get married with my parents' consent base na din sa batas once I turn eighteen. At sa sitwasyon ko ngayon ay kulang na lang ibalot ako ni papa sa kahon na may ribbon para ipadeliver sa gusto niyang pakasalan ko."
Napailing na lamang ako at walang masabi.
Hindi talaga ako makapaniwala.
Subalit hindi ko nakaligtaan ang pagsubo ng pagkain.
Shit! Ang sarap ng pagkain dito sa mansyon nila. Pangmayaman talaga. Kaya sa kabila ng problema niya ay kailangan ko ding magpakabusog.
"So..." Tumikhim si Choi pagkainom ng juice. "Tutulungan mo ba ako? I promise, bro, walang talo-talo. Sabi ko naman sa iyo"—luminga siya sa paligid para siguraduhing walang ibang tao—"may girlfriend ako."
"Pero bakit ako?"
Luminga din ako sa paligid para makisigurado din akong walang nakikinig sa amin. Nasa lanai kami ng mansyon kung saan nagsisilbi ang lugar bilang outdoor breakfast area. Ang laki-laki ng mansyon nila pero ang konti ng tao.
At sa puwesto nmin ay kami lamang ang umuukopa sa twelve seater round table na iyon para mag-almusal. Sandamakmak pa ang pagkain. Parang fiesta.
Inubos ko muna ang nakatusok sa aking tinidor na hotdog bago ako uminom ng juice. Wala na akong pake dahil minsan lang ito at gutom talaga ako kaya kakain ako.
Ewan ko ba nawala ang pagkailang ko kay Choi. Iyong pagkailang na hindi ako komportableng kausapin siya. Pero nawala na iyon. Dahil siguro sa magkatabi kaming natulog kagabi—pero walang nangyari—kaya napalagay ang loob ko sa kanya.
Kung mayroong whirlwind romance, mayroon ding whirlwind friendship.
Mabilis pero okay naman pra sa akin.
Na-realize ko din na dati ko pa talaga siya gustong maging kaibigan. Pero bakit nga ba hindi ko ginawa?
Ah, tama dahil sa mga sugapa kong ibang kaklase at mga schoolmates na nakikipagkaibigan-kuno kay Choi pero gusto lang pa lang gamitin siya, ang kanyang pangalan at yaman. Mukhang matalino naman talaga siya at magaling kumilatis ng tao kaya alam niya ang intensyon ng mga ito. Sa huli, he chose to be a loner than being treated unfairly.
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
Любовные романыStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...