Rei's POV
"Guys—"
Nasa ganoon kaming eksena nang biglang may magsalita.
"Guys, tulungan nyo ako," biglang lumitaw si Calix mula sa kung saan. Naupo siya sa sahig at sumandal sa bookshelf.
Awtomatiko namang nabaling ang atensyon namin sa kanya. "Hinahabol nila ako!" pabulong ngunit mariin niyang pahayag.
"Ha?" magkakasabay naming tanong.
"Mamaya ko na ipapaliwanag— Oh, hi, Uno! Nandito ka pala. Ano'ng nangyayari?"
Uno and Choi cleared their throats simultaneously. Sa wakas ay binitiwan na kila ako parehas.
Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Calix. Si Bullet naman ay nakamungot na ng mapadako ang tingin kay Uno. I, on the other hand, avoided Choi's eyes after Calix's.
"Something's fishy. Hmmm." Komento ni Caix bago muling bumalik ang pagkabahala niyang ekspresyon. "Anyway, tulungan nyo ako hinahabol nila ako."
Aligaga siyang lumingon sa paligid.
"Sino bang sila ang sinasabi mo, Calix?" tanong ni Bullet.
May narinig kaming grupong mga kalalakihang nagkumpol sa labas ng bookstore.
"Hanapin nyo! Bilis!" sigaw ng isa.
"Saan ba nag-suot yun?"
Ilan lamang iyan sa mga salitang narinig namin mula sa ilan sa mga lalaki.
"Shit! Sila yung humahabol sa akin," pabulong na saad ni Calix. Nakatago na siya sa bookshelves. "Tulungan nyo ako."
"Tingnan nyo sa loob ng mga shop! Baka nandoon."
"Shit!" Calix was in panic. "Kailangan kong makaalis dito. Bubugbugin nila ako—"
"Yow! Nandito yung hinahanap natin!" Hiyaw ng isang lalaki na kasamahan ng mga lalaking nagkumpol sa harap ng bookstore.
"Damn!"
Napatayo na si Calix habang papalapit ang lalaki. He was ready to run away. Subalit nasa dulo kami ng alley ng mga bookshelves kaya walang ibang labasan kundi ang direksyon kung nasaan ang humahabol kay Calix.
Kinakabahan na din ako para sa kanya dahil sa pagsulyap ko sa labas ng bookstore ay nabatid kong mga mukhang handang makipagbasa-ulo ang mga humahanap sa kanya.
We're all in panic mode at that very moment. Nang malapit na ang lalaki ay biglang ibinato ni Bullet ang hard bound book na hawak niya at lumanding ito sa mukha ng lalaki.
"Tara na!" Sabi niya sabay hila kay Uno. "Guys, tara na!"
Mabilis kaming nagsitakbuhan patungo sa kabilang pintuan ng bookstore habang papasok naman sa isa pang pintuan ang grupong humahabol sa kaibigan namin. Naabutan nilang nakasalampak sa sahig ang kasamahan nila.
"Boss, ayun yung hinahabol natin!" Hiyaw ng isa sa kanila sabay turo sa direksyon namin.
Walang pag-aalainlangang iniharang ni Choi ang isang book shelf na may gulong sa dinaanan namin para hindi kami masundan.
Takbo dito.
Takbo doon.
Baba sa second floor ng mall sakay ng elevator tapos aakyat uli.
Kung saan-saan kaming mga shop nagsususuot para hindi kami mahuli ng mga goons.
Wala pa rin akong ideya kung bakit hinahabol ng mga ito si Calix—at ngayon ay pati na rin kami.
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
RomanceStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...
