CHAPTER 20 : REMEMBERING THE PAST AS I MOVE FORWARD

1.4K 39 2
                                    

Rei's POV

[PRESENT DAY]

Junior Year...

Humigit ako ng malalim habang nakapikit ng mariin bago ko iminulat ang aking mga mata. Ganoon na lamang ang ngiting pinakawalan ko nang paglabas ko ng airport ay ang mga kaibigan ko mula sa Nam College ang sumalubong sa akin. Kumakaway sila sa akin at tinatawag ang pangalan ko habang papalapit ako sa kanila.

"Rei!" ani Felix at may pagtalun-talon pa habang kumakaway. "Welcome back, Mr. Andrei Sebastian-Lee!"

"Welcome back, bro!" ani Calix sabay tapik sa aking balikat.

Nakangiti naman si Bullet na binati din ako. "It's good to see you again, Rei."

"P'Rei, sawadee krub!" bati naman ni Kino. "Pa-hug, P'—" Lumapit siya para yakapin sana ako ngunit kaagad namang hinawakan siya ni Felix sa kuwelyo ng damit niya. "Aray ko, Felix!"

"Dumadamoves ka na kaagad, bansot ha. Kakadating pa lang ni Rei."

"Masakit!" sinipa ni Kino ito sa paa. "Masama bang yakapin ang idol ko."

"Aray! Bakit mo ako sinipa?!"

"Ikaw ang nauna! Ang sakit-sakit ng kuwelyo mo sa akin," reklamo ni Kino.

Binelatan lang ito ni Felix. Magsasalita pa sana siya ng mapansin niya kaming tahimik at nanonood lang sa kanila. "O bakit kayo nakatingin dyan?"

"Will you two get a room already?" ani Calix.

Namula si Kino pero sinipa muna niya ng isa pa si Felix.

Gumanti naman si Felix sa pag-headlock kay Kino.

"Ano'ng meron sa kanila?" tanong ko na sinagot ni Bullet habang pasakay kami sa sasakyan.

"Ah parehas silang hindi magkasundo. Kaya ayan palaging nagsasabong pero siguro bukas o sa makalawa magiging sila na—"

"Yuck!" maagap na komento ni Kino.

Nagtaas ng kilay si Felix. "Kung maka-yuck ka dyan eh akala mo naman ang guwapo mong bansot ko. Tingnan mo nga ang hitsura ko. Sa tingin mo papatol ako sayo eh mas guwapo pa nga ako dito kay Calix kahit kambal kami."

Kino smirked. "Hindi ako pumapatol sa kapre. Pero agree ako sa huli mong sinabi."

"Na guwapo ako?" biglang nagningning ang nga mata ni Felix.

Umiling si Kino. "Agree ako na mas gago ka kay Calix."

"Tado!"

Nagtawanan naman kami kaya naman napuno ng saya ang sasakyan.

I realized that I missed them a lot. Hindi ko akalain na tatagal ng isang taon bago ako babalik dito sa Pilipinas mula sa Korea kung saan ako nanatili pansamantala kasama ang aking tunay na ama.

Sa loob ng nakaraang mahigit dalawang taon magmula nang mangyari ang welcome party para sa aming batch ng mga freshmen noon ay marami ang mangyayari at nagbago. At ang mga pangyayaring iyon ay nakaapekto ng malaki sa aking buhay.

"Nong Ki," tawag ko kay Kino. "Balita ko ay hindi ka lang nag-graduate sa high school as valedictorian. Nag-top 1 ka din sa entrance examination sa Nam College. It's long overdue pero congrats pa din."

"Khrob khun krub, P'Rei," namumulang wika niya. "Salamat."

"Congrats din," ani Calix.

"Congratulations, Kino," pagbati din ni Bullet. "Dati lang ay papuslit-puslit ka papasok sa campus pero ngayon student ka na talaga ng Nam College."

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon