CHAPTER 16 : PROMISE

1.4K 44 1
                                        

Rei's POV

Naputol ang pag-uusap namin ng may babaeng lumapit sa kinauupuan namin. Maganda ito. Idagdag pa ang magandang hubog ng katawan nito dahil hapit ang suot niyang bestida. May dala itong bag na sinusubukan niyang ilagay sa compartment.

She made a sound like she's having a hard time.

Hindi ko napigilang mapakunot ang aking noo dahil sa tinuran nito. Sa tingin ko naman ay hindi ganoon kabigat ang dala niyang bag para mahirapan ito sa paglalagay.

Tumingin siya sa paligid pero abala ang mga flight attendant.

Before I could continue elaborating my thoughts, Choi spoke. "Ah, miss, let me help you..."

Tumayo siya at kinuha ang bag sa babae at walang kahirap-hirap niyang nilagay ang bag sa compartment.

"Here you go," sabi ni Choi saka muling naupo.

"Salamat," anang babae.

Nakumpirma kong kaartehan nga lang niya ang kunwaring nahihirapan siya sa paglalagay ng bag sa compartment. Kakaiba kasi ang ipinakita niyang mala-anghel na ngiti sa maarteng ngiting pinakawalan niya ng pasimple ng akala niyang walang nakatingin sa kanya. Maarte siyang umupo.

"Salamat uli. Ako nga pala si Martha..." inilahad nito ang kamay. "Marty na lang for short."

Marty? Baka Ma-art-ty, naisaloob-loob ko.

Mabilis pa sa alas kuwatrong ako ang nakipagkamay dito.

"Hi, ako naman si Rei, miss." Ma-art-ty. Lakabas sa ilong na pagpapakilala ko. "This is Choi," hindi ko alam kung nabatid ba niya ang may kalakasang hampas ko sa balikat ni Choi. "It's nice to meet you."

Nawala ang ngiti ni Marty dahil ako ang nakipagkilala at napalitan iyon ng pagngiwi ng saglit bago uli siya ngumiti. Fake na ang ngiti niya.

"Oh I see. Nice to meet you, too."

I could see in her eyes that she meant the other way.

Muli nitong ibinalik ang tingin sa prospect nito. "So, Choi, you're heading to Manila too?"

Nakangiti namang tumango siya. May kakaiba sa ngiti nito na hindi ko mawari katulad na lang na hindi ko malaman ang dahilan kung bakit nagpupuyos ang damdamin ko sa kalandian ni Marty na ine-entertain naman ni Choi.

Pag-umpugin ko kaya ang mga ulo nila?

"Yes, heading there to study."

With me, naisaloob-loob ko. Mag-aaral tayo doon.

"I see." Maarteng tumawa ng konti si Marty. "Tingin ko pa lang sa guwapo mong mukha alam ko na matalino ka."

"Thanks for the compliment," nahihiya naman tugon ni Choi pero nakangiti pa din. Para siyang sinisilihan sa puwet. "Hindi naman masyado..."

Silihan kaya kita sa puwet, ha, Choi? Gusto mo?!

"...pero I graduated as valedictorian sa batch namin," dagdag pa niya.

Letse! Ako ang valedictorian sa atin di ba, Choi? Di ba ayaw mo nga na napapagkamalan ka ng tao na ikaw ang valedictorian tapos ngayon ipinagmamalaki mo dyan?

"Pag ako ang pinagkaguluhan. Who you ka sa akin, Choi," pabulong pero mariin kong bulong.

Lalo akong naasar ng ngumiti pa siya lalo.

"Choi, can I get your number para magka-text tayo? Malay mo we can hangout sa Manila," maarteng tanong niya. "Ikaw din Rei baka gusto mong sumama."

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon