CHAPTER 44 : SPECIAL

896 28 10
                                    

Choi's POV

"Fist bump."

Parehas kaming ngumiti ni Rei sa isa't-isa pagkatapos naming pagbungguin ang ang aming mga kamao.

Sa totoo lang ay nagtataka ako kung bakit bigla kong naisipan ang mag-fist bump. Pero mas nangingibabaw ang tuwang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko ay natibag na ang pader na humaharang sa amin ni Rei.

Sabi nga sa kasabihan, "let bygones be bygones."

Alam ko naman na para sa iba ay magtatas sila ng kilay dahil hindi madali iyon pero sa palagay ko sa kaso namin ni Rei... may special connection kami na walang perpektong salita na makakapag-express n'on.

Muling napatingin siya sa chocolate bar na binigay ko.

"Sigurado ka na pampatanggal stress 'to?"

Tumango ako.

"Just like how you taught me..."

Napatigil siya at nagtatakang sumulyap sa akin.

"Rei, I guess... nagkakilala na tayo. I'm not talking about the past since I honestly can't remember it still. Pero sa palagay ko ay nagkakilala na tayo... Pandada."

"Bump?"

I smiled before I nodded.

"Paano...?"

"I happened to see you big panda stuffed toy. It's just a wild guess but it's the same as the one on the picture you sent me on the chat forum."

———

[FLASHBACK]

(Setting: Sophomore year)

Pabalik-balik ako ng lakad sa aking silid dahil hindi ako mapalagay.

Nang magsawa naman ako ay paghiga at pagbabgon sa aking kama ang napagdiskitahan kong gawin para lang pigilan ang aking sarili.

Simula ng marinig ko ang boses ng Rei na iyon pagkatapos kong sagutin ang tawag sa cellphone ni Felix ay hindi na ako mapalagay.

Napu-frustrate ako ng napabangon. Inilagay ko ang unan sa mukha ko para sumigaw.

For the nth time I asked, "bakit?!!!"

Bakit ako nagkakaganito? Bakit iba ang pakiramdam ko? Bakit gusto kong marinig muli ang boses ng taong iyon?

"Nasisisraan ka na ng bait, Choi. Nababaliw ka na!" pagkausap ko sa aking sarili.

Walang babalang may malabong eksena na namang sumagi sa aking isipan.

"Baliw na nga ako," frustrated kong bulong.

Bakit ba ako umiyak nang una kong makita ang picture ni Rei?

At hindi ko pa matukoy ang eksaktong emosyong naramdaman ko sa pag-iyak ko. Lungkot ba iyon? Tuwa? Sakit?

Pakiramdam ko kasi ay may nagawa akong mali pero hindi ko alam kung ano. Masaya din ako na nakita ko siya. Pero may sakit din akong nararamdaman.

Ang gulo, di ba? Parang timang.

Subalit halos kaparehas ito ng nararamdaman ko kapag may mga gabing lungkot na lungkot na lamang ako at natatagpuan ko ang aking sarili na umiiyak sa hindi ko matukoy na dahilan.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon