Rei's POV
[A COUPLE OF HOURS EARLIER]
Kagaya ng napagkasunduan namin ay kumain kami ni Choi sa nakita naming fast food chain restaurant. Sa kabila ng aking pagtataka sa kakaibang mga kilos niya ay hindi ko naman ang isang bahagi ng aking sarili na matuwa.
Naging makuwento siya ng mga bagay-bagay... and it's unusual in our situation.
Ako naman ay tahimik lamang at nakikinig. Sasagot ako kapag kinakailangan. As much as possible, I tried not to show my inhibitions.
Sinabi niya sa akin ang nangyari kanina. Naalimpungatan daw siya kanina mula sa pagkakatulog sa bus nang makarating ito sa bus stop. Majority daw ng mga pasahero ang bumaba.
"I didn't want to wake you dahil ang himbing ng tulog mo. After what we've been through para makatakas ay deserve mo ang makapagpahinga," paliwanag niya.
And the next thing he knew was that the bus was at another stop. Nilapitan na daw kami ng kundoktor dahil supposed to be ay nakababa na kami.
"I asked them a favor to stay at the last bus stop and let you sleep more."
"Favor? At pumayag sila?" tanong ko.
Nangingiting napakamot siya sa ulo. He too a sip on his drink before he answered. "I had to give them something so they'll agree."
Naalala ko bigla ang sinabi ng kundoktor ng bus at ang nakita kong box ng pizza, chicken at bote ng softdrinks bago kami bumaba ng bus kanina.
"Nag-order ako ng mga pagkain para sa kanila. Nagkunwari na din silang nasiraan ang sasakyan kaya nakaparada ito kanina sa gilid ng daan. Well, technically, sabi naman nila kailangang palitan ang gulong ng bus kaya ginamit na din nila ang pagkakataon to fix the tire."
"Gan'on mo sila kadaling napakiusapan? Food? Binigyan mo sila ng mga pagkain?" hindi ako kumbinsido sa kuwento niya.
Napakamot uli siya sa ulo habang namumula. "Well... I also gave them money."
Natampal ko ang aking noo sabay buntong hininga ng malalim. Itinanong ko sa kanya kung magkano. I knew he was hesitating but I managed to choke him to spill the bean.
I was dumbfounded after I heard the amount. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
Patlang.
"Rei, galit ka ba?" Pagbasag niya sa katahimikan.
Naipikit ko ang aking mga mata saka humigit ng hininga. Galit ba ako?
"Hindi," matipid kong sagot.
Nabura bigla ang ngiti sa mga labi niya habang matamang nakatingin sa akin. Para naman akong napapaso sa titig niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Kung hindi ka galit, bakit ganyan ka? You avoid my eyes and you sighed like you're disappointed in me."
"I am disappointed, Choi..." sabi ko.
Pain became visible in his eyes. He was hurt with my statement.
"...but not with you," pahabol ko. "I am disappointed with what you did."
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
RomanceStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...
