CHAPTER 25 : IT'S ALL ABOUT 'B'... BUT HOW ABOUT ME?

1.2K 35 4
                                    

Rei's POV

[PRESENT DAY]

"Kaya ko... Kaya ko ng ibalik sa dati ang sarili ko—yung masiglang si Rei," nakangiti kong pahayag sa aking mga kaibigan. "Sapat na siguro ang mahabang panahon na pag-iwas ko sa nangyari. Dati di ba sabi nyo nga kailangan kong magpakatatag? And I am doing my best to be stronger. I want to bring back the old me but I know this time it's going to be different dahil marami na ang nagbago..."

"Kagaya... ni Choi?" alanganin na saad ni Calix. "Kaya mo na ba siyang makaharap?"

Tumango ako. "Oo... Kakayanin. Hindi magiging madali pero kakayanin ko pa rin lalo na at kailangan din niya ang tulong ko."

"Pero, Rei, n'ong sinabi ko sayo na nagtatanong si Choi tungkol sayo ay..." hindi naituloy ni Felix ang kanyang sasabihin.

"Alam ko naman iyon, guys. Alam ko din na hindi na siya katulad ng dati pero I have to set aside my personal interest to help him recover."

And to tell him the truth if it has to be told, naisaloob-loob ko.

"But what if you realized that it's you who haven't completely recover yet, P'Rei?" tanong naman ni Kino sabay wagayway ng kamay. "Pero wala akong ibig sabihing masama. A-ang sa akin lang..." tumikhim siya. "Ang sa amin lang ay ayaw naming mahirapan ka."

"I have to agree with bansot, Rei," segunda naman ni Felix at hindi pinansin ang pagsiko ni Kino sa kanya. "Gusto ka naming kasama at na-miss ka namin dahil kaibigan ka namin. Ayaw lang naming masaktan ka."

May naramdaman akong tila humaplos sa aking puso dahil sa concern nila sa akin. "Salamat sa pag-aalaala. Pero kagaya nga ng sinabi ko ay kakayanin ko. At saka isa pa... iba na si Choi, di ba? Hindi na siya kagaya ng dati."

Tumango sila.

"Ganoon naman pala eh. I'll just treat him as a new person in my life. What happened in the past should be left behind. Hindi ko naman itatanggi na may nararamdaman ako sa kanya pero siguro magiging closure na din para sa akin na makaharap siya bilang bagong tao sa aking buhay."

Hindi ko inaasahang ihihinto ni Bullet ang sasakyan sa tabi ng daan. Tinanggal niya ang seatbelt. "Labas muna tayo."

Nagkatinginan kaming lahat at nagtaka ngunit ng lumabas siya ng sasakyan ay wala kaming nagawa kundi sumunod.

Nang makalapit kami kay Bullet ay saka uli siya nagsalita. "Mga bro, let's give our friend here a warm hug."—sabay turo sa akin—"Welcome back, Rei!"

Lahat sila ay lumapit sa akin para bigyan ako ng group hug. At na-appreciate ko iyon ng sobra.

"Welcome back, bro!" ani Calix.

"Let's make our junior year in Nam College epic before we graduate!" sabi ni Felix.

"Baliw ka kambal, may Senior I at Senio II pa bago tayo gumradweyt."

"Freshman pa lang ako," dagdag ni Kino.

"Aish! Alam ko. Huwag kayong KJ. Ang sa akin lang masaya ako na bumalik na ang kaibigan natin." Tumingin siya sa akin. "Di ba, Rei?"

"Masaya din ako na nagbalik na ako," sabi ko naman na may ngiti sa aking mga labi nang matapos ang group hug.

"Welcome back, P!" sabi naman ni Kino na naka-akbay pa rin sa akin. "I'm happy that you're back— Aish! Felix! Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!"

Parang pusang hinawakan ni Felix ang likod ng collar ng damit ni Kino para hilahin siya papalayo sa akin. "Huwag ka ngang nagdididikit kay Rei. Hindi sya magkakagusto sayo, bansot!"

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon