CHAPTER 39 : IT'S ABOUT ME BUT IT'S COMPLICATED

1K 32 0
                                    

Choi's POV

[PRESENT DAY]

Kung si Rei nga ang may-ari ng boses na iyon ay kailangan ko siyang makausap.

Ang problema lang ay hindi ko alam kung papaano. Simula kasi noong dumating si Rei ay hindi ako naging masyadong mabait sa kanya.

"Hindi naging masyadong mabait, Choi?" exaggerated na tanong ni Sydney sa akin. "Sigurado ka ba sa pinagsasabi mo?"

Napangiwi ako.

Hindi ko alam dito sa shrink ko kung nakikita ba talaga niya ako bilang pasyente niya o bilang kaibigan. Sa tuwing may theraphy session ako ay hindi normal ang set up namin. Para lang kasi talaga akong nakikipag-usap sa isang kaibigan.

Well, over the years, I considered her as a friend also after our quite complicated past.

"Mabait naman ako," protesta ko.

Tumango lang siya at saka binuklat ang ilang pahina ng notebook na sinusulatan niya sa tuwing may session ako sa kanya.

"Base sa mga pinagsasabi mo sa akin sa loob ng ilang buwan simula ng dumating si Rei... may sarili kang depenisyon ng mabait."

Napaikot ang mga mata ko dahil doon.

"Hindi mo siya tanggap dahil bigla na lang siyang naging kaibigan ng mga kaibigan mo. Sa tuwing nakikita mo siya ay naguguluhan ka kasi parang kilala mo siya kahit hindi naman."

"Oo."

"Naiinggit ka—mas tamang sabihing nagseselos—kapag kabiruan niya ang kaibigan mong si Felix. Gusto mong hilahin ang tonsils ni Felix dahil parang nilalandi niya si Rei..."

"Hindi ako nagseselos... Ah... Ano lang, may ibang may gusto kay Felix na kaibigan din namin. Naaawa lang ako kay Kino."

Oo, tama. Nalulungkot at naawa ako para kay Kino na alam kong matagal na niyang gusto si Felix. Hindi ko lang alam ang eksaktong detalye pero sa palagay ko ay matagal na talaga silang magkakilala. Bago ko pa man nakilala si Kino noong maaksidente ako noong freshman ako.

Nagtaas lang ng kilay si Sydney at itinuloy ang pagbabasa.

"Pinagsusungitan mo si Rei pero nagi-guilty ka din. Ang sabi mo dito. 'Ayaw ko talagang pagsungitan siya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ayaw kong mahalata niyang natutuwa ako kapag nakikita ko siya.' Gusto mo din siyang yakapin para magsorry—"

"Wala akong sinabing ganyan!"

"Binabasa ko lang kung ano ang mga sinabi mo." Inimuwestra ni Sydney ang notebook. "Ikaw ang may sabi nito at hindi ako gumagawa ng nobela."

"..."

"Hindi mo mapigilang sulyapan siya ng palihim at sundan siya minsan..."

"Naku-curious lang ako kasi nga parang kilala mo sya."

"Eh bakit kasi hindi mo kausapin?"

Umiling ako.

"Ah, nandito nga pala yung dahilan mo.... wait lang..." bumuklat pa siya ng mga pahina. "Ah eto... sabi mo... 'Sinubukan ko siyang kausapin kaso palapit pa lang ako sa kanya ay hindi ko na mapigilan ang kabang nararamdaman ko. Palakas ng palakas na para bang mas gusto ko siyang yakapin at halikan—'"

"Shit!" Alam kong namumula na ang pisngi ko. "Sydney! Hindi ko sinabi yan."

Nagkibit balikat lang siya.

"Shrink ba talaga kita? Bakit binu-bully mo ako sa tuwing may theraphy session ako."

"Hay, naku, Choi... Di ba nga matagal ng tapos ang theraphy session natin. Ikaw lang ang balik ng balik. Hindi ba hindi ka na umiiyak sa gabi ng walang dahilan simula ng sabi mo..." bumuklat uli siya sa notebook. "...nakita mo ang litrato ni Rei pagkatapos umiyak ka ng umiyak. And after that your crying moment at night stopped. Parang may nasagot na tanong sa sarili mo although hindi mo alam kung ano yun. Ang gulo din ng utak mo, pinsan... basta... Sabi mo okay ka na."

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon