Rei's POV
[FLASHBACK]
"Ano ba ang gusto mo sa akin, Song?!"
Desperedo kong tanong dahil pangatlong beses nang ibinaba niya ang pagkakasabit kina Choi at tita Cru. Isa o dalawang baba na lang ay baka tuluyang was mahulog na sila sa lungga ng mga ahas na iyon.
Ang iba sa mga ito ay tila hinihintay na lang ang tuluyang pagbaba ng pagkain nila. May ibang ahas na pilit inaabot ang mga pain—sina Choi at tita Cru.
Hindi ko na alam kung ano pa ang puwedeng kong maramdaman dahil takot na takot, kabado, tensyonado at desperado na ako sa sitwasyon.
Sa bawat tanong ko kay Song ay pinamumukha lamang niya akong tanga sa pagtawa niya sa akin.
"Sinabi ko na sayo, Rei. Ikaw ang hadlang sa mga plano ko. Kung wala ka sa mundong ito ay walang magiging problema."
"Ano ba kasi yun? Ano ba ang kinalaman ko sayo?"
"Sinabi ko na hindi ba? Ikaw ang anak ng ama-amahan ko. Ligal na anak... At dahil sayo ay mawawala lahat sa akin."
"Pera ba? Kung iyon ang gusto mo ay sayong-sayo na dahil sinasabi ko sayo hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Matagal ng patay ang totoo kong mga magulang. Sila ang mga magulang ko!"
"I wish that it's as easy as how you say it, Rei... pero hindi eh. Buhay ka. At hindi yun dapat malaman ni aboji! Kailangang mawala ka sa landas ko."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Mula sa isang sulok ay bumukas ang isang cabinet. May isang baseball bat doon. Inutusan ako ni Song na kuhanin iyon.
"Kunin mo. Bilis!"
Ayaw ko sanang sununod pero muli niyang pinagalaw ang pagkakasabit kina Choi at tita Cru.
"Huwag!" Sigaw ko para pigilan si Song.
Mabilis akong tumalima at kinuha ang baseball bat. Hindi iyon kahoy kundi metal.
Hindi ko pa man alam ang gagawin ko ay lalo pa iyong nagpatindi sa takot nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay namamanhid na ako at halos hindi ko na mahawakan ang baseball bat na iyon.
"Maglalaro tayo, Rei... Huwag na huwag kang magkakamali na gumawa ng katarantaduhan dahil alam mo na ang mangyayari. Hindi mo naman siguro gusto na maging pagkain ng mga ahas ang sinuman sa kanila, di ba?"
Tumango ako.
"Alam mo kasi... Masyado kang mabait, Rei. Parehas talaga kayo ng ama mo. Hindi ka man lang ba nagagalit sa tiyahin mo? Ikinuwento sa akin ng pinsan mong hilaw ang pang-aalila nila sayo dati."
Napadako ang mga mata ko kay Miel na nakayuko lamang habang umiiyak at patuloy na tinatawag ang kanyang ina. Si tita Cru naman ay umiiyak na din at takot na takot lalo na kapag napapatingin siya sa iba a niya—sa mga ahas.
"Tita Cru... Shhh... Huwag kang masyadong malikot. Sige ka, baka ikaw mismo ang maghulog sa sarili mo sa mga ahas. Gusto mo ba yun?"
Umiling si tita. Subalit hindi niya mapigilan ang pagbikbi.
"Napakamasunurin ng tiyahin mo, Rei. Nabahag ang buntot ng mag-ina. Ito na ang pagkakataon mo para makabawi sa pagpapahirap nila sayo."
Muling humalakhak si Song.
"Mabuti na lang at siya mismo ang nagpakita sa akin sa Nam College noong hinahanap ka niya. Pinapunta ko siya sa address ng lugar na ito dahil sabi ko nandito ka at ang anak nya."
BINABASA MO ANG
We Are Not In Love
Roman d'amourStrangers can be friends. Friends can be bestfriends. But can bestfriends fall inlove with each other? Ito ang kuwento ng pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan nina Choi at Rei. Subalit sapat ba ang pagiging magkaibigan nila para maging pundasyon ng...
