A grim and ancient raven is wandering in the blue sky. Tila naghahanap ito ng pagkain para sa kaniyang hapunan. Malapad at malawak ang sakop ng pakpak nito. Matalas ang paningin na tila palaging nagbabadya ng pag-atake sa kung sino man ang mahuhuli nito.Sa ilalim malawak nitong pakpak ay naroroon ang Pueblo Maharlika. Isang lugar kung saan ay may marka pa rin ng sinaunang sibilasyon. Mula sa mga lumang bahay sa villages. Mula sa matatayog na gates ng mga manyson. At pati na rin sa mga brick walls na nakapalibot sa buong Pueblo.
Humuhuni ang mga ibon. Pumapagaspas ang mga dahon. Palakad-lakad ang mga taong namamasyal. Palingon-lingon ang mg security guards sa bawat kanto.
Sa sentro ng Pueblo kung saan naroroon ng isang lumang Munisipyo na nasa tapat lang ng Plaza ay labas masok ang mga ina kasama ang kanilang anak na may dalaang lobo o ice cream na natutunaw na dahil sa init ng panahon.
At sa eksaktong petsa ng araw ngayon na January 06, 2001 ay ipinasyal ang batang si Catherine dito sa Pueblo Maharlika ng kaniyang inang si Angela.
"Mommy? Ano ba talaga ang pangalan ni Papa?" tanong ng six year's old na si Catherine sa kaniyang inang si Angela. Nakaupo ang mag-ina ngayon sa may labasan ng isang lumang munisipyo na ngayon ay naging musuem na. Kakarating pa lang nila rito ngayon para mamasyal. Apat na oras din ang kanilang binyahe makapunta lang dito kaya pareho silang napagod.
"Gusto mo ng ice cream?" tanong ng ina ni Catherine sa kaniya habang malapad ang mga ngiti.
"Mommy ayaw ko po ng ice cream. Gusto ko pong malaman kung ano ba talaga ang totoong pangalan ni Papa..." Catherine pouts. Ilang beses na ba niyang naitanong ang tanong na ito sa kaniyang Mommy Angela? Isang beses? Dalawa? Tatlo?
"Takahashi Uduno nga nak. Hindi ka ba naniniwala? Pupuntahan nga natin siya rito oh?" Tinuro ng Mommy Angela ni Catherine ang looban ng munisplyo kaya't mabilis niyang sinundan ang tingin ang tinuro nito.
Hindi mapigilan ng batang si Catherine na malungkot. Usap-sapan sa buong klase niya sa Grade 1: Section Augustin na baliw daw ang Mommy Angela niya. Noong una, ayaw niyang maniwala pero kada buwan na pumumunta sila sa munisipyong ito ay hindi niya mapigilan ang sariling hindi maniwala sa mga sinasabi ng kaklase niya.
Her Mommy Angela always told her na ang tatay niya raw ay si Takahashi Uduno. 24 na taong gulang. Sundalo. Hapon. Pero may parating mali sa sinasabi ng kaniyang ina.
"Ngayon ang birthday ng Papa mo nak..." ani ng Mommy Angela niya habang hinahaplos-haplos ang salamin kung saan sa loob ay makikiita ang isang nakatuping uniporme ng isang sundalong hapon dito sa second floor ng munisipyo.
Ilang beses nang nakita ni Catherine ang uniporme na ito ngunit kahit ganoon ay pauli-ulit niya pa ring tinititigan ang petsang nakadikit sa salamin: APRIL 14, 1890.
Malungkot na tinignan ni Catherine ang ina niyang umiiyak habang nakangiti at kinakausap ang uniporme ng sundalo.
Pagkatapos noon ay umuwi na sila ng kaniyang Mommy Angela at kinabuksan...
"Anak ng hapon! Anak ng hapon!" sigaw ng mga kaklase ni Catherine sa kaniya matapos niyang i-introduce sa harap ng klase kung sino ang tatay niya...
"Takahasi Uduno. Sundalo. Ipinanganak noong..."
"Yes Cath?" tanong teacher.
"Noong January 6, 1866..."
"Hahahahaha!"
Rinding-rindi na si Cath sa mga panunukso sa kaniya. Na tipong kahit anong awat ng teacher niya sa mga kaklase niya ay tinutukso at pinagtatawanan pa rin siya ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...