C H A P T E R 15

2.9K 86 13
                                    

Damit na Walang Kulay

"CATH! Gising! Tumatawag ''yong boss mo!" Marahang binuksan ni Catherine ang kaniyang mga mata. Masakit na sinag na araw ang sumalubong sa kaniyang paningiin kaya muling nitong ipinikit ang mga mata.

"Saan 'yong telepono ko?" garalgal na ani Catherine, masakit ang lalamunan, parang lalagnatin. Hinanap ng bagong ligo at nakatapis lang na tuwalyang si Flora ang tumutunog pa ring telepono ni Catherine at nang makita sa ilalim ng kama ay agad nitong ibinigay sa kaibigan.

"Eto oh."

"Thanks."

"Hello Ma'am Jess?" anito sa normal na boses na taliwas sa sakit ng katawan na nararamdaman.

"Natapos mo na ba 'yong manuscript na pinapa-edit ko?" tanong nito sa kabilang linya.

Mabilis na napatingin si Kath sa digital clock sa ibabaw ng pintuan at agad na sinagot ni Cath ang sangguni ni Ma'am Jess, "Biyernes pa lang po eh. 'Di ba sa linggo ko pa isa-submit?"

"Ganun ba? Sabi kasi sa note ko, ngayon mo ipapasa. Pero sige, baka nagkamali lang ako, bukas mo na lang i-submit."

"Bukas?" iyon ang nasambit ni Catherine sa sarili nang maputol ang tawag.

"Nasa Chapter 15 pa lang ako at Chapter 50 pa ang haba ng manuscript, tapos bukas na? Three days na lang ako rito sa Casa at marami pa akong kailangan alamin tapos makakain pa 'yong isang araw ko ng pag-e-edit?" windang na ani Cath sa sarli, maya-maya pa ay ginulo niya ang kaniyang buhok nang makaramdam ng matinding stress.

Tumayo na si Cath sa kama at nilapitan si Flora na nag-aayos ng buhok sa tapat ng salamin.

"Paano ako napunta rito? Eh 'di ba nasa bar tayo kagabi?" tanong ni Catherine kay Flora, pinapatungkulan ang huling alala-alala kagabi sa bar kung saan kasama niya si Flora at hindi ang ala-alang pagtapos niyang punasan ang katawan ni Thomas ay tinanong siya nito kung pati ba ang pagkalalaki nito ay gusto rin ba niyang punasan.

Sumagot si Flora ng pabalang, "Hindi ko alam kung dala ba iyon ng kalasingan mo Cath pero noong nakatulog sa bar ay bigla kang naihi sa palda mo. Noong binuhat kita palabas, naawa sa akin 'yong mga babaeng staff kaya tinulungan nila akong mahatid ka rito sa Casa. You awe me something bes. Dapat ay dagdagan mo ang suweldo para sa pagbubuhat sa iyo," malungkot na ngumuso si Flora sa harap ng salamin habang sinusuklay ang dulo ng kulot at kulay bronze nitong buhok.

"Teka? Teka? Naihi ako?" tanong ni Cath, naghahanap ng validation sa narinig niyang sinabi Flora.

"Uhh," nagisip si Flora at tumitig sa kisame... "Hindi alam kung ihi ba 'yun o..."

"O?"

"Noong nakatulog ka kasi Cath, parang may kinakausap kang lalaki tapos hindi nagtagal ay humahalinghing ka na..."

Nangatog si Catherine sa sinabi ng kaibigan. Napaatras naman siya nang muling maala ang sinabi ni Thomas sa kaniya... "Gusto mo rin ba 'yang punasan Senyorita?"

"Hindi! Nag-hallucinate lang ako kagabi! Hindi!" ani Cath at mabilis na hinahanap ang laptop niya at nang mahanap ay mabilis itong binuksan at in-edit ang manuscript na nakatengga sa "TO BE EDITED" na folder sa documents niya.

Nag-focus siya sa pag-e-edit ngunit nang lumipas ang ilang minuto ay bigla niya ulit naalala ang mga nangyari kagabi nang mahila siya sa nakaraan.

"Focus Cath, focus!" pagmo-motivate niya sa sarili para hindi na maisip pa ang nagyari kagabi. Nag-edit siya ng nag-edit yet may napapalampas pa rin siyang mga typographical errors.

"Cath? Maligo ka muna kaya para ma-refresh 'yang utak mo? Tsaka amoy alak ka pa rin oh, hindi maganda para sa isang babae nangangmoy kang lasenggero."

"Tss. Kung makapagsalita ka, para kang si Thomas."

"Ha?" nalilitong tanong ni Flora.

"Wala, maliligo na ako't pagkatapos ay mag-e-edit para may pang-suweldo ako sa'yo para sa pagbuhat sa'kin kagabi."

"Well, galingan mo ang pag-edit para malaki ang perang maiaabot mo sa akin." Humalukipkip si Flora at pinagmasdan lang ang banas na si Catherine. Tumawa siya ng mahinhin nang maalala ang paghalinghing ni Catherine kagabi.

Sa cabinet kung saan nakalagay ang mga damit ni Catherine ay kumuha siya roon ng dalawang puting tuwalya at mga damit na masusuot. Bago siya nagtungo sa shower room ay chi-neck niya muna ang oras sa telepono.

"10:30 AM, kailangan kong matapos maligo ng 11 AM," aniya sa sarili at naglakad na papunta sa shower room at habang tinatahak ng mga paa niya ang pagpunta roon ay may kakaibang naramdaman si Cath. Hindi niya alam kung hungover ba iyo o sadyang umikot ng literal ang buong Casa. Nang huminto ang sensasyong pag-ikot na iyon ay tinanaw ng mga mata ni Cath ang pintuan ng shower room at dahil manipis lang ang lumang kahoy kung saan gawa ang pinto ay narinig niya ang pag-agos ng tubig sa loob ng silid paliguan.

"Flora, ikaw talaga! Ang tanda-tanda mo na, hindi ka pa rin marunong magsara ng shower pagkatapos mong maligo!" sigaw niya sa buong kuwarto.

Nang hindi sumagot si Flora ay mabilis niyang pinihit ang doorknob ng pinto at nang nabuksan ito ay bumungad sa kanyang bukas na mga mata ang naliligong si Thomas Clemente Cordova na walang kahit anong sapin sa katawan kundi tanging rumaragasang tubig lang sa pulido nitong mga muscles ang katangi-tanging damit na walang kulay.
* * *

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon