C H A P T E R 12

3.4K 95 21
                                    

Makinilya

"HINDI PA. Sa loob ng limang minuto ay baka matapos ko na ito," sagot ni Catherine sa kaniyang ama bilang sekretarya nito.

"Sige," habang nakadaumpalad ay tumango lang ang kaniyang ama at hinintay siyang matapos sa patitipa ng mga salita sa makinilya.

Tinitipa niya ngayon sa makiniliya ang mga nakasulat sa papel na nasa tabi lang ng pinagtitipaan niya. Ito ang mga nakasulat:

PANIBAGONG REPORMA
SA BATAS NG PUEBLO MAHARLIKA
PARA SA MABABANG ANTAS

PANGKAGAMITAN: Wala ni isa sa mga mababang antas ng tao sa Pueblo Maharlika ang maaring magtago ng kahit anong armas na maaring makapinsala ng buhay ng tao maliban na lang sa mga magsasakang kailangang gumamit ng matutulis na na bagay para makapagtanim at makapa-ani. Ang sinumang makita o mahuling lumabag sa unang saklaw na ito ay raraptan ng kaparusahang pagkulong o pagbitay.

PAGMA-MAY ARI: Wala ni isa sa mga mababang antas ng Tao sa Pueblo Maharlika ang maaring tumanggi sa oras na kinkakailangang bawiin o gibain ang bahay na pagmamay-ari nito. Ang sinumang makita o mahuling lumabag sa unang saklaw na ito ay raraptan ng kaparusahang pagkulong o pagbitay.

PANGTAO: Wala ni sia sa mga mababang antas ng Tao sa Pueblo Maharlika ang maaring magbasa ng kahit anong akda mula sa sirkulasyon ng limbagan ni Makatang Pluma. Ang mahuhuling nagbabasa ng
mga akda ng nasabing taksil sa bayan ay rarapatan ng kaparusahang pagbitay. Sa saklaw na ito ng reporma ay mihihinuhang, hindi rin maaring magpatuloy sa paghihimagsik ang mga taong kasapi ng grupong binuo ni Makatang Pluma.

BUWIS: Tataasan ang buwis ng mga manggagawa sa mababang antas ng tao sa Pueblo Maharlika, mula sa 30 porsiyento ay gagawin itong 40. Ang hindi magbayad ng buwis ayon sa akmang porsiyento ay pagpapatrabahuin ng walang suweldo sa loob isang buwan.

EDUKASYON: Ang sinumang mahuling magturo ng pagbabasa ng kahit ano mang wika ay rarapatan ng kaparusahang pagbitay.

DON. TIAGO T' GUIBLIN,
PINUNO NG PUEBLO

ALFONSO  Y' DIVINAGRACIA
PINUNO NG KUWARTEL

Araw ng Paglagda; Hulyo 30, 1804
Bilang ng Pahina: 2
Bersiyon ng Reporma: 7

Habang tinitipa iyon ni Catherine sa makinilya ay hindi niya mapigiln na hindi makaramdam ng galit sa Ama na mismong sumulat ng repormang ito. Hindi patas ang mga batas na nakasulat sa reporma. Hindi makatao.

"Maraming salamat," ani ang ama niya matapos iabot ang natapos na reporma. Inilapag ni Don Tiago ang papel at lumagda sa ibabaw ng pangalan nito.

"Mawalang galang na po Pinuno, hindi ko layon na maingalam ngunit hindi kaya'y masyado ng mahigpit ang batas na ito para sa mga mababang antas?" ani Catherine.

"Kailangan nating higpitan ang batas ng mababang antas dahil sa puntong ito ay nanganganib na ang Pueblo sapagkat kahit hindi pa nakikita ay malaki ang posibiliadad na narito na si Makatang Pluma sa Pueblo. Ang mga akdang ginagawa niya ay naglalaman ng mga salitang nakakapagpukaw ng damdamin ng mga mababang antas para labanan ang mga Maharlika at ang Kastila. Sa pamamagitan ng batas na ito, lalagyan natin ng piring ang kanilang mga mata nang sagayon ay matatakot na silang gumawa ng mga hakbang para lumaban. Kailangan nilang manatiling mangmang."

Hindi nakapagsalita si Catherine sa narinig niya mula sa Donyong nasa harap niya. She was very speechless at nakakuyom lang kamao niya habang tinatapos nito na mapakinggan ang mga sinasabi nito.

"Hindi ba kayo natatakot pinuno na baka dumating ang araw na ang mga binato niyong bala sa mga mababang antas ay maaring bumalik sa inyo?" ani Catherine.

"Kaya ko ginawa ang reporma para hindi na mapakinabangan pa ang balang ibabato ko sa kanila," sagot ni Don Tiago at tsaka ito tumayo at lumabas sa kuwartong iyon.

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon