C H A P T E R 31

2.6K 77 11
                                    

Bilugang Mga Mata

"Th-omas!" hingal at hiyang-hiyang ani Senyorita Maria na tila nakainum ng isang boteng ininumin na nakakalasing. Naramdam niya tila nawalan siya ng lakas nang kumalas si Thomas sa halik.

Tumitig si Thomas sa kaniya pero dahil sa hiya ay lumipad sa sahig ang tingin nito.

"B-bakit ka nanghingi ng halik? N-nilalamig ba ang labi mo?" t-t-tanong n-n-i S-s-enyorita Maria. Pati 'yong narrator, nautal eh.

"Hoy, nanlalamig ba?" mahinahong tanong ni Senyorita Maria. Hindi naman kumibo ang nakatitig lang sa kaniyang si Thomas na tila may gustong sabihin sa kaniya.

"Ang iyong Mama..." paunang sagot ni Thomas na parang nag-aatubiling dugtungan ang sinabi.

"Ang iyong Mama ay hinalikan ako noong nasa loob ako ng kalesa. Tinanggal niya rin ang botunes ng aking uniporme at hinaplos ang aking katawan. Maging ang aking pagkalalaki ang kaniyang dinakma..."

Nanginig sa galit ang katawan ni Senyorita Maria dahil sagot ni Thomas. Hindi niya alam kung tatakbo na ba siya papasok sa dining hall para sakalin ang kaniyang malanding ina o maninitili rito at kakalma.

"Pero Maria, sinabi ko lang ito kasi nangako tayo sa isa't-isang hindi tayo maglilihim hindi ba? Sinabi ko 'to sa'yo kasi gusto kong ipakita sa'yo na bukas ako sa'yo at kailanman ay hindi ko kayang maglihim sa'yo. Pero kahit sinabi ko 'to sa'yo, sana huwag kang gumawa ng mga aksyong magpapahamak sa'yo. Kaya ko na ang sarili ko," ani Thomas, tila nagsusumamo kay Senyorita.

"Kung kaya mo ang sarili mo, bakit mo hinayaang gawin iyon ni Mama sa'yo! Ano ka? Walang kamay? Lumpo? Puwede mo naman siyang ihagis palabas ng kalesa ah!" inis na inis na ani Senyorita Maria ngunit pabulong pa rin. Kulong-kulo na ang dugo niya.

Nakagat ni Thomas ang ibabang labi, nainis na rin, "Oo, Maria. Puwedeng-puwede kong gawin 'yon tapos ano? Ipapatay ako ng ama mo? Hindi pa ako puwedeng mawala, kailangan pa kitang protektahahan para maisulong mo ang kalayaan ng Pueblo Maharlika..."

"Mo? Bakit ako lang ang magsusulong ng kalayaan ng Pueblo Maharlika? Tayo!" mangiyak-ngiyak na ani Catherine.

Hinawakan siya ni Thomas sa balikat. "Kaya nga eh, kaya nga kahit gusto ko mang ihagis ang Mama mo palabas sa tumatakbong kalesa, hindi ko puwedeng gawin. Kaya nga rin hindi ka puwedeng gumawa ng hakbang na makakasira sa mga plano natin----" Nahinto si Thomas nang may biglang may nagsalita sa hindi kalayuan.

"Maria! Hinahanap ka na ng iyong ama...." Parang magkaparehong charge ng magnets si Thomas at Senyorita Maria na mabilis na lumayo sa isa't-isa nang makita nila si Senyorita Floresa na iniluwa ng pintuan ng dining hall.

Parehong nanlaki ang mga mata ng dalawa, ngunit mas naunang kumalma si Senyorita Maria't naglakad na papunta sa pintuan "Paparating na!"

Bago pumasok sa silid-kainan ay tinanaw ni Senyorita Maria ang wala pa ring kibo ay nahihiya ring si Thomas na nasa likuran niya lang at nakasunod sa kanya, "Mag-usap tayo mamaya," pudpud gilagid ngunit mahinhin pa ring ani Senyorita Maria.

Nang pumasok na siya ay pumasok na rin si Thomas na tumayo lang sa gilid ng pintuan at tumindig ng maayos para magbantay.

"Oh? Ba't kayo natagalan ni Thomas? Naglaplapan ba kayong dalawa?" diretsahang ani Donya Cecilia na parehong ikinalaki ng mga mata ni Thomas at Senyorita Maria. Natigilan naman sa paghiwa ng puwetan ng manok si Don Tiago sa kaniyang platito at halos maibulwak naman ni Donya Lorna ang nainum niyang wine na sing tatag ng sunshine.

Umupo si Senyorita Maria sa upuang katapat ng kaniyang ina. "Napigtas po---"

"Napigtas ang iyong salawal?" tumaas ang on-fleak na kilay ni Donya Cecilia ng itanong iyon. Natawa naman si Flora na katabi lang ni Catherine. "Thug life pala ang nanay mo sa past life bes," ani Flora sa isipan.

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon