Halik
Nang makita ni Catherine ang parol na iyon ay mabilis siyang umalis sa Casa. Palihim niyang nilusutan ng mga barikada sa daan hangggang sa makarating siya sa parte ng Plaza Royale kung saan sila dapat magtatagpo ni Thomas Clemente Cordova.
Nilibot niya ang kaniyang paningin ngunit wala siyang nakitang tao sa paligid. Tanging mga mahahabang upuan lang at mga punong kahoy ang natanaw ni Catherine.
Kaagad siyang nakaramdam ng matinding kaba at takot. Alam niyang nasa nakaraan pa rin siya. Hindi siya maaring magkamali. Ang mga ilaw ng poste rito sa Plaza, they're still incandescently old.
Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mga yabag ng tumatakbong kabayo na palapit sa kinaroroonan niya. Nang hindi alam ang gagawin ay mabilis siyang nagtago sa likuran ng puno ngunit maya-maya pa ay may biglang tumakip sa bibig niya.
Kabang hindi maipaliwanag ang dumaloy sa bawat hibla ng katawan ni Catherine nang maramdaman ang kamay na iyon sa kanyang bibig. Ngunit nang magsalita ang may-ari ng kamay ay biglang humupa ang kabang iyon sa sistema niya.
"Nagkakagulo ang nga hukbo sa buong pueblo. Napabalitang nakapasok na si Makatang Pluma sa Puebo Maharlika kaya may mga kawal na nangangabayo para suyurin ang bawat parte ng Pueblo," mahinang bulong ni Thomas sa tainga ng dalaga na ikinamula nito. Preskong mainit sa pakiramdam ang hininga ni Thomas nang dumapi ito sa maputing batok at tainga ni Catherine kaya't sa gitna ng kadiliman ay biglang nagliwanag ng pula ang pisngi nito.
Nakatakip pa rin ang maugat, maputi, malaki at mabangong kamay ni Thomas sa bibig ng dalaga sa puntong ito, ngunit nang matanaw nitong umalis na ang nangangabayong kawal na rumonda rito ay mabilis niyang inalis ang kamay sa labi ng dalaga.
"Ha!" Biglang humigop ng hangin si Catherine sa kadahilanag panandalian siyang nawalan ng hininga hindi dahil itinakip ni Thomas ang kamay nito sa bibig niya kundi dahil lumapat sa likod niya ang harapang bahagi ng makisig na pangangatawan ni Thomas.
"Pasensiya na't tinakpan ko ng ganoon katagal ang iyong bibig. Ako'y labis lang na nagalalang baka mahuli tayo ng rumorondang kawal at baka kung ano ang gawin nila sa iyo. Hindi maarok ng puso kong may mangyaring masama sa'yo."
Tulalang nakatitig at nakaawang lang ang bibig ni Catherine nang sinabi iyon ni Thomas sa kanya. Mas lalong nagliwanag ang pulang ilaw sa pisngi niya.
"May lagnat ka ba?" alalang-alalang ani Thomas nang hawakan ang pisngi niya. Hindi nakapagsalita si Catherine at maya-maya pa ay mas lalo siyang natulala nang yumuko ng bahagya si Thomas at tila may sinilip sa mukha niya. "Kanina pa nakaawang ang bibig mo, may problema ba sa iyong ngala-ngala?" alalang-alalang tanong ni Thomas na naging dahilan upang natatawang itinikom ni Catherine ang bibig niya.
"Ang guwapo mo kasi, nakakalaglag panga," nahihiya at nakangiting batid Catherine. Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para sabihin iyon. Pero totoo naman talaga. Napaka-guwapong tao nitong si Thomas Clemente Cordova. Kung nabuhay lang ito sa kasalukuyan ay paniguradong naging modelo na ito.
Nahihiya namang tumawa si Thomas dahil sa sinabi ng dalaga. Nakagat niya ang ibabang labi't lumabas ng bahagya ang kaniyang dimple.
"Ikaw ha! Sinabihan lang kitang guwapo, kinilig ka na!" Tinulak ni Catherine ang well toned chest ni Thomas ngunit hindi man lang ito napaatras. Ganun katibay ang makisig na pangangatawan ng sundalong nasa harapan niya. Its muscles sre flexing everytime he moves, hindi mapigilan ni Catherine na maakit dito.
"Kaonti lang," ani Thomas na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga maninipis at mapupupa nitong labi.
"Ikaw rin Senyorita, napakaganda mo sa gabi ng ating pagtatanan," seryosong tugin ni Thomas.
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...