Maawa ka
"WALANG problema Alfonso," tumatawang ani Donya Lorna matapos niyang ibigay kay Alfonso ang pinangakong kalahating kaban ng bareta ng mga ginto.
"Gracias Donya Lorna," yumuko si Alfonso sa harapan ni Donya Lorna rito sa tapat ng kuwartel. Buong akala ni Donya Lorna na kamay niya ang hahalikan ni Alfonso ngunit laking gulat niya nang sumuong ang ulo ni Alfonso sa ilalim ng kaniyang saya at hinalikan na lang ng basta-basta ang hiwa sa gitna ng kaniyang hita.
"Alfonso," gigil na tumawa si Donya Lorna't kamuntikan pa siyang mapasigaw nang tumagos sa kaniyang hiwa ang madulas na dila ni Alfonso.
Umalis na si Alfonso sa ilalim ng kaniyang saya at maya-maya pa ay namumula itong hinarap siya, "Kasing bango ng bagong lutong sardinas ang iyong hiyas Donya Lorna."
Parehos silang tumawa. Nang dumating ang kalesa ni Donya Lorna ay dali-dali itong nagpaalam kay Alfonso. Nangangatog ang mga katawan nito habang pumapasok sa loob ng kalaesa.
"Bilisan mo," natatarantang bulong ni Donya Lorna sa tagapagmaneho at maya-maya pa ay sumigaw na ang kabayo't ito nga'y tumakbo na.
Nanlilisik ang mga mata ni Donya Lorna nang sa wakas ay nakaaalis na sila.
Tinanataw ni Donya Lorna sa likod ang nakangising si Alfonso at halos mapudpud ang kaniyang mga ngipin sa pag-piit ng kaniyang mga panga dala ng sobrang galit na naramdaman.
Ang totoong dahilan ng pagpunta nila rito sa Pueblo Maharlika ay hindi ang paghahanap ng mapapangasawa ng anak niyang si Floresa. Ang totoong dahilan ay pagbibigay niya ng ginto kay Donya Cecilia pati na rin kay Alfonso.
Isang linggo na ang nakakalipas nang dumating si Donya Cecilia sa kanilang Pueblo. Sa unang oras ng pag-uusap nila ay patungkol lamang sa mga kayamanan ang pinagusuapan nila ngunit nang lumalim na ang gabi ay nagulantang na lang si Donya Lorna nang inabutan siya ni Donya Cecilia nang isang barong na maraming mantsa ng dugo.
Ang barong na iyon ay pagmamay-ari ng kaniyang asawa na tagapamuno ng Pueblo Itrinta. Si Don Eufracio.
"Huwag kang mag-alala Lorna, buhay pa ang asawa mo't bihag siya ng mga kastila sa Pueblo namin ngayon. At kung gusto mo pa siyang mabuhay ay kailangan mong dalhin sa aming Pueblo ang natitirang ginto ng inyong pamilya." Humahalak si Donya Cecilia sa harapan niya.
"Dalhin mo rin ang iyong anak na si Floresa," dagdag nito bago umalis sa panahon na iyon. Kapag nagawa niya ang utos sa kaniya ni Donya Cecilia na dalhin ang natitirang ginto ng kanilang pueblo ay papalayain na nito ang kaniyang asawa.
NANG makarating si Donya Lorna sa Casa ay mabilis siyang nagpunta sa kuwarto ng anak niyang si Floresa.
"Ma?" anito na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok sa tapat ng salamin.
Nanginginig siyang lumapit dito at maya-maya pa ay hinawakan niya ito sa balikat, "Kailangan na nating makaalis dito bukas na bukas," aniya sa anak, nanginginig.
"Ma? Ano ba! Kinakabahan ako sa sinasabi ninyo!" sagot ng anak sa kanya at makalipas ang ilang saglit ay pareho silang natigilan ng may narinig silang sigawan sa ikatlong palapag.
* * *
"BITAWAN mo ako!" garalgal na ani Donya Cecilia, walang saplot, habang nakasakal pa rin ang kamay ni Thomas sa leeg niya. Natanggal na ang mga lubid na nakagapos sa kamay at mga paa ni Thomas at ngayon ay gamit ang isang kamay ay kinakalas na rin niya ang lubid na nakagapos kay Senyorita Maria.
May suot ng pantalon si Thomas ang kitang-kita sa mga mata nito ang kagustuhang paslangin si Donya Cecilia.
Bumagsak si Senyorita Maria sa sahig at nawalan ng malay.
Habang hawak-hawak ang leeg ni Donya Cecilia ay lumabas sila ng kuwarto.
Galit na galit na kinaladkad ni Thomas si Donya Cecilia patungo sa bingit ng harang sa palapag na iyon.
Habang nahihirapang huminga ay tanaw ni Donya Cecila ay maaring kababagsakan niya kapag hindi itinigil ni Thomas ang ginagawa nito sa kanya.
"Sige? Patayin mo ako!" nakadilat at nakalabas ang dilang anito, "Sa tingin mo hindi ka hahanpin ni Alfonso para ipapatay kapag natuluyan ako?" dagdag niya.
Mas lalong humigpit ang hawak ni Thomas sa leeg ni Donya Cecilia, mas lalo niyang pinadaosdos ang katawan nito pababa. Kaonting kibot lang ay paniguradong malalaglag na si Donya Cecilia.
Maraming alipin ang nakakita sa kanila. Wala ni isa ang pumigil kay Thomas. At sa totoo nga lang ay naghihintay ang mga ito kung kailan bibitawan ni Thomas ang leeg ni Donya Cecilo para tuluyan ng malaglag.
"Sa tingin mo natatakot akong mamatay?" ani Thomas.
Napaubo ng dugo si Donya Cecilia.
"Sa dami ng pinapatay mo Cecilia, hindi ako magdadalawang isip na bitawan ka," siil ni Thomas.
Tumawa si Donya Cecilia. "Talaga? Hindi ka natatakot na baka pati ang iyong minamahal na si Senyorita Maria ay baka paslangin din nila?"
"Thomas. Thomas. Thomas. Maaring nasa kamay mo ang buhay ko ngayon, literal. Ngunit ang totoo, utang mo pa rin sa akin ang buhay mo at buhay ng anak ko," dagdag nito, nakangiting pang-demonyo.
Maya-maya pa ay naramdaman ni Donya Cecilia ang dahang-dahang paghina ng sakal ni Thomas, nakita niya itong nagdalawang isip dahil sa sinabi.
"At Thomas? Nasarapan ka naman sa ginawa ko hindi ba? Kasi ako, sarap na sarap na sarap na sarap na sarap ako!" Tumawa si Donya Cecilia ngunit maya-maya ay nagulantang na lang siya nang bigla siyang itinaas ni Thomas at ipinuwesto sa hangin sa tapat nito.
Ramdam ng paa niya ang kamatayan ngayon. Tanaw na tanaw na iya sa ilaim ng kaniyang mga paa na maaring kabagsakan niya. Nasa ikatlong palapag sila ngayon at ang tiyak na unang palapag ang kakabagsakan niya.
"H-huwag," pagmamakaawa Donya Cecilia. Nakita niya sa mga mata ni Thomas ang nagliliyab na galit.
"Kapag namatay ako Thomas, labis mo iyong pagsisisihan. Lahat ng ipinaglalaban ninyong kalayaan ni Maria ay mawawalala na parang bula. Sa tingin mo ngayon ang tamang oras na patayin ako ha?" panloloko ni Donya Cecilia ngunit kahit anong sabihin niya ay tila hindi na ito magdadalawang isip na bitawan siya.
Nagdasal siya sa kung sino mang panginoon na maisipan niya at maya-maya pa ay mabilis na natupad ang kahilingan niya nang makita niya si Senyorita Maria na inuluwa ng pintuan ng kuwarto.
"Thomas, h-huwag," nanghihinang sabi nito.
Napalingon si Thomas. "Maria?"
"H-huwag mong paslangin ang aking ina," pagmamakaawa ni Senyorita Maria na labis na ikinagulo ni ng isipan ni Thomas.
"Ngunit Maria---" nahinto si Thomas nang biglang mag-drama si Donya Cecilia.
"Anak, pakiusapan mo si Thomas. Maawa ka sa akin," kunwaring umiyak si Donya Cecilia.
Nakita ni Thomas sa mga mata ni Senyorita Maria ang pagmamakaawa sa kanya.
"AHHH!" buong galit na sigaw ni Thomas nang inihampas niya si Donya Cecilia sa sahig.
Kahit na umiiyak dahil sa sobrang sakit ng kaniyang katawan at leeg ay palihim na tumawa si Donya Cecilia sa kaniyang isipan. Naloko niya si Thomas sa pagmamagitan ng anak niyang si Senyorita Maria.
* * *
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...