C H A P T E R 24

2.6K 87 9
                                    

He Who Lives Well, Lives Twice

"APAT na taon na ang nakakalipas noong nakuha iyong isang kumpol ng nakasupot perlas ng isang matandang mangingisda habang nakalublob ang kanyang paa sa buhangin at nagpupukot ng kaniyang lambat. Nabalita pa nga sa TV iyon eh," ani ng coast guard na nagsama rito kay Flora at Chatherine sa presinto.

Matapos sabihin iyon ng coast guard na si Mang Berto ay natahimik si Catherine at Flora pati na ang pulis na nag-iinterogatr sa kanila.

"Pero kuya? Sa panag-inip ko kasi, ang sabi e itinanim iyong perlas sa gilid ng kalsada, paanong napunta iyon sa dagat?" tanong ni Catherine.

"Kagaya mo ay may treasure hunter ding nagpunta rito kahapon at itinanong iyan. Nagbungkal din siya kagaya niyo. At ang sabi rin nung treasure hunter na lalaki ay napanaginipan din daw niyang sa kalsada iyon itinanim ng senyorita. Kaya ang sagot ko naman sa kaniya, 'Marami na rin kasing nagbago sa dalampasigan ng Pueblo hijo. Dahil sa polusyon at pag-iba-iba ng klima, tumaas na ang lebel ng tubig ng dagat kaya iyong mismonng pinaglibingan ng perlas dati ay maaring naroon na sa mismong laot' Iyon ang sagot ko sa kanya at iyon din ang sagot ko sa inyo.."

'Kaya pala..." ani ng natatawa at dismayadong si Flora. Nanatili namang tulala si Catherine. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. It's too magical. Hindi niya mapigilang hindi mamangha.

"Teka po? May treasure hunter din na nagpunta rito at kagaya namin ay nagbungkal din siya ng lupa sa gilid ng kalsada? Teka? Ano pong pangalan g treasure hunter tsaka ano pong pangalan ng matandang nakapulot ng perlas? Saan siya nakatira?" dire-diretsong tanong ni Catherone.

Nagsalita ang pulis, "Teka nga! Magbayad muna kayo ng apat na libong penalty para sa pangbungkal ng mga lupa sa gilid ng kalsada!"

Mabilis na kumuha si Catherine ng apat na libo sa pitaka niya na ikinanganga ni Flora.

"Bes? Sure ka bang 4,000 'yong penalty?" pagpipigil ni Flora kay Catherine.

"Hayaan mo na. Kung hindi man 4,000, konsensiya na 'yun ng pulis at ng coast guard na ito. Ang importante kailangan nating malaman 'yong addreess ng matanda," bulong ni Catherine kay Flora.

"Balak mo pa rin bang kunin iyong perlas?" tanong ni Flora.

"Hindi no! Gusto ko lang makita 'yong matanda." Ngumiti si Catheroine at nagbayad na ng penalty. Pinangako rin niyang aayusin nila ulit ni Flora ang binungkal na lupa na ikinalaglag ng panga ni Flora.

"Ito 'yong address ng matanda pero hindi namin puwedeng ibigay iyong pangalan ng treasure hunter na dinala rin dito kahapon. Kapag kayo ay may ginawang masama kay Tata Islaw," ani ng pulis sabay padausdos ng kamay nito sa leeg sabay lisik ng mga mata kay Flora at Catherine. "Patay talaga kayo," dagdag nito.

* * *

"IYONG treasure hunter kaya na na-blotter kahapon ay iyong treasure hunter din na nakilala ko kaninang umaga?" pagod at humihikab na ani Flora nang makasakay sila ng pedicab. At iyong pedicab na sinakyan nila ngayon ay ang mismong pedicab din na sinakyan nila kaninang umaga.

"Malapit na pa lang gumabi. Sana hindi na lang pala ako sumama sa'yo sa pagbungkal bes!" ani Flora at sinapak lang siya ni Catherine nang madaanan nila 'yong pinagbungkalan nila.

Habang nasa byahe ay kasalukuyang nagsasabunutan si Catherine at Flora bilang pamapawala ng inip nila ay nagsalita bigla ang driver ng pedicab sinasakyan nila. "Nakakahiya mang sabihin ma'am pero kagaya niyo ay nagbungkal din ako riyan sa kalsadang iyan. Palagi ko rin kasing napapanaginipan na tagapagmaneho raw ako ng isang kalesa dati at may isang araw na iyong pasahero ko ay biglang tumalon sa kalesa at itinanim iyong dala-dala niyang perlas sa gilid ng kalsada..."

Natulala si Catherine sa sinabi ng driver at nang bitawan niya ang naglalagas na buhok ni Flora ay napatitig siya sa mukha ng driver sa rearview mirror ng pedicab. Tinitigan niiya ang mukha nito ng maayos at bigla niyang natandaan iyong nagmaneho sa kalesang sinakyan nila ni Thomas noong pabalik na sila sa Casa.

Matapos matulala ay ngumiti lang si Catherine. Hindi niya maintidihan ang sarili ngunit nasisiyahan siyang makita ang driver na ito na tagapagmaneho ng kalesang sinakyan ni Senyorita Maria at Thomas noonn. She silently wish na sana ay makita niya rin ang ibang tao sa Pueblo dati sa panahong ito. Well hindi naman lahat. May mga tao siyang nakalista sa kaniyang isipan na alam niyang dapat ay manatili lang sa nakaraan. Sumagi rin sa isip niya kung makikita niya ba si Thomas sa panahong ito. Her smile widen as that thought pop on her head.

Gabi na nang makarating sina Catherine at Flora sa mismong bahay ng matandang iyon.

The house of the old man was really nice. Nasa tapat ito ng dalampasigan kasama pa ng ibang magagandang bahay roon at ang sabi ni Catherine ay bahay daw iyon ng mga mangingisda. Mga bahay na parang masiyon ang dating ng mga bahay naroon. Kulay puti lahat ng pintura.

"May bisita rin po kasi si Tata Islaw pero malapit din naman silang matapos. Babalikan ko na lang po kayo rito kapag natapos na silang mag-usap noong bisita niya," ani ng babaeng apo ni Tata Islaw na kasing edad lang din nila.

'"Sige..." Ngumiti si Catherine at naiwan sila ni Flora riro sa napakagarbosong foyer ng bahay ni Tata Islaw. There are nice paintings and nice furnitures everywhere. The incandescent lighting of the house is also good pero ang nagpamangha talaga sa kanila ay ang malaking chandelier sa ibabaw na gawa sa shells na kapag hinahangin ay nagkakabanggaan sa isa't-isa at gumagawa ng kakaibang tunog gaya ng wind chimes.

"Cath, sana four years ago pa talaga tayo nagpunta rito sa Pueblo! Kung ikaw sana ang nakakuha nung mga tinanim mong perlas eh 'di sana kasingyaman mo na si Tata Islaw," manghang-manghang ani Flora.

"Ang ibig sabihin lang ng nangyari ngayong araw ay hindi talaga para sa akin ang mga perlas na iyon," nakangiting sabi ni Cathrine na ikinanguso ni Flora.

"Treasure Hunter?!" Biglang napasigaw si Flora nang makita nito si Ezamuel na kakalabas lang sa pintuan ng kuwarto ni Lolo Islaw. Nang lumingon si Catherine ay biglang bumagal ang mundo niya nang makita niya sa mukha ng lalaking tinawag ni Flora si Esmael at Samuel sa nakaraang buhay. She was not sure though kung reincarnation ba ito ng kambal.

"Ezamuel! Tama nga ang hinala ko! Ikaw nga 'yong Treasure Hunter na tinutukoy ni pulis at coast guard sa presinto!" ani Flora, gigil na gigl kay Ezamuel.

"Okay ka na ba?" tanong ng lalaki kay Flora at bumungisngis lang ito bilang sagot.

Nang nakatitig pa rin si Catherine sa lalaking kausap ni Flora ay bigla siya napalingon nang may tumawag sa kanya sa harapan niya.

"Miss Cath, hinihintay na po kayo ni Tata Islaw."

"Sige po, salamat!" ani Cath at iginiya siya ng babae papasok sa opisina ni Tata Islaw.

"Miss Cath, umupo muna kayo rito. Nauhaw lang po si Tata Islaw at uminum lang siya ng tubig. Maya-maya ay babalik din siya..."

"Sige.." Ngumiti si Catherine at nang siya na lang ang maiwan sa opisina ni Tata Islaw ay hindi niya mapigilang mapangiti sa dami ng nakita niyang mga librong nakalagay sa shelves na parang naging dingding na ng buong opisina.

May iilang libro rin siyang nakita roon kagaya ng librong "Alas Tres" at "Memento Vivere" na siya mismo ang nag-edit. Malaki ang hinala niya kung sino si Tata Islaw sa nakaraang buhay nito pero ayaw pangunahan ang mga hinala niya. She wants to be surprised.

"Narito na ba ang aking panibagong bisita?"

"Opo Tata Islaw. Naghihintay siya sa loob ng iyong opisina."

Kinabahan si Catherine nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan sa may kanang bahagi hindi kalayuan likuran niya.

Sa kaniyang pandinig ay parang mahinang umalingaw-ngaw ang bawat yabag ng taong pumasok sa kuwarto. Hindi siya lumingon at hinintay niya lang na maupo si Tata Islaw sa upuang na nasa harap niya. At nang dumating na nga ang saglit na iyon at natanaw niya ang isang makisig na matandang may puting balbas at puting buhok ay bigla niyang naitakip ang parehong kamay sa bibig dahil sa hindi mapigilang saya.

Tila nalilito siyang tinitigan ng makisig na matandang lalaki lalo na nang makita siya nitong umiyak sabay binanggit ng pangalang...

"Lolo Gancio."

* * *



Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon