AUGUST 31, 1804.
"MASAKIT MARIA, TANGGALIN MO ANG KAMAY MO," utos ni Thomas kay Maria na pinipisil-pisil ang pisngi niya. Nakapinta ang dalisay ng ngiti sa mukha ng dilag. At habang tinatanaw ni Thomas ang isang napakagandang tanawin na iyon ay hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding pagkabog sa kanyang diddib. Para sa kanya, si Maria ay isang magandang painting, isang magandang tanawin, isang obra maestra. Ang mga simpleng galaw nito kagaya ng pagkurap ng mapungay nitong mga mata, kagaya ng pagngiti, marahang paghalakhak at mayuming pagtawa at tunay na nagpapaibig sa kanya.
Ni minsan ay hindi umikot sa araw ang mundo ni Thomas sapagkat mula pa man noon, tanging kay Maria lang umiikot ang mundo niya. Mabagal... mahinahon.. para siyang dinuduyan ng mga ngiti nito.
"Ano ka ba! Pinaglilihian kaya kita," sagot naman ni Senyorita Maria. At sa wakas ay sumibol na ang isang ngiti sa seryosong mukha ni Thomas.
Nakadampi sa parehong balat nila ang kulay kahel na sinag ng papalubog na araw. Nasa ibabaw sila ngayon ng Mount Puntik. Parehong namamaga ang mga mata nila sapagkat nitong umaga ay naging saksi sila sa kung paanong winakasan ang buhay ni Makatang Pluma.
Makatang Pluma died after being shut by a firing squad. Labing tatlong sundalo ang nakaikot sa kanya kaninang alas siyete ng umaga sa gitna ng Plaza Royal. Isa sa baril na hawak ng labing tatlong sundalong iyon ay may laman na totoong bala at hindi lang basta-bastang pulbura.
Sa likod ng mga sundalo ay naroroon din ang mga maharlika at ang mga mabababang antas na naging saksi sa pagpatay sa traydor na si Makatang Pluma. Naroon din si Senyorita Maria at si Thomas....
"Napapabalitang may hukbo ka raw?" giit ni Alfonso Y Divinagracia, pinuno ng kuwartel na palakad-lakad lang sa tapat ng nakatali sa kawayan na si Makatang Pluma.
Duguan ang napaka-among mukha ni Makatang Pluma. Kagaya ni Thomas ay may makisig din itong pangangatawan, guwapong mukha na nagtataglay ng palabirong mga ngiti at misterysosong mga mata. Isang binatilyong lagpas binte anyos na hindi mo aakalaing nakapagsulat na ng ilang akda na siyang pumukaw sa damdamin ng mga taong uhaw na sa paglaya.
"Ang hukbong tinutukoy mo ay kathangisip ko lamang..." nakangiting ani Makatang Pluma kahit pagod na pagod na ang katawan sa makailang beses na paghampas sa kanya ng dos por dos na kahoy ng molave.
"AHH!" Napasigaw siya nang hampasin siya ni Alfonso sa tiyan.
Sa hindi naman kalayuan ay tinakpan ni Thomas ang mga mata ni Senyorita Maria nang sagayon ay hindi na nito makita ang pagbulwak ng dugo mula sa bibig ni Makatang Pluma.
"Tinatanong kita ng maayos Makatang Pluma pero palaging hindi naayon ang sagot mo. Kung wala kang hukbong itinayo, paanong maayos na napapakalat ang iyong mga nobela nang hindi man lang namin namamalayan? Paanong palaging may gustong sugurin ang aming kuwartel? Bakit palaging nanganganib ang buhay ng mga maharlika?" kalmadong tanong ni Alfonso.
Sa hindi mabilang ng pagkakataon ay ngumiti ulit si Makatang Pluma, pagod na pagod na siya, "Sapagkat hindi sa lahat ng oras ay hindi palaging nasa taas kayong mga kastila at maharlika. Darating ang araw na iikot ang gulong. Kayo na naman ang nasa baba. AHHH!"
"Diyos ko!" May ilang hindi na nakayanan ang panunuod kaya napilitan na lang na yumuko.
"Mga magsasaka! Mga mangingsda at mga alipin! Gusto kong pagmasdan ninyo kung ano ang maari niyong hamakin kapag isa sa inyo ang nagtaksil sa amin. Katulad na lang ni Makatang Pluma na hindi yata alam kung sino ang binabangga niya," ani Alfonso. Sa hindi naman kalayuan ay napangisi si Donya Cecilia na katabi lang si Don Tiago.
"MEMENTO MORI..." nakangising ani Makatang Pluma nang tinalukuran siya si Alfonso.
Nagkaroon ng maingay na bulong-bulungan sa buong Plaza Royal na tila nalilito sa kung anuman ang sinabi ni Makatang Pluma. Hindi ito espanyol at hindi rin ito tagalog.
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...