Donya Cecilia
"NARITO si Donya Lorna ng Pueblo Itrinta para daluhan tayo sa ating pagpupulong patungkol sa pagtugis kay Makatang Pluma," ani Don Tiago T' Guibilin na nakaupo ngayon kasama ng dalawang opisiyal niya sa Munisipyo at pati na rin si Donya Lorna, si Alfonso Y Divinagracia at ang walo pang opisyal ng kuwartel.
Nasa ikalawang palapag sila ngayon ng Munisipyo kung saan nakapuwesto silang lahat sa mahabang mesa rito sa ikalawang palapag.
Mga dokumento na nakapatong sa bawat cabinet na nakadikit sa pader, mga lamparang nagbibigay ng kulay kahel na linawag na nakadikit sa bawat kanto ng kuwarto at ang mga guardia sibil na nakabantay sa pintuan ang tanging saksi sa pagpupulong na gagawin nila sa gabing ito.
Binati ni Alfonso, pinupuno ng mga sundalong kastila, si Donya Lorna sa pamamagitan ng paghalik sa kamay nito na punong-puno ng mga ginintuang alahas.
Tumawa si Donya Lorna nang matapos si Alfonso sa paghalik.
"Ikinararangal kong mapunta rito sa inyong Pueblo Alfonso," ani Donya Lorna kay Alfonso.
"Gusto mo bang dito na lang tumira?" pabulong na ani ni Alfonso at maya-maya pa ay naglakbay ang kamay niya sa ilalim ng saya ni Donya Lorna.
"Sira ka talaga," ani Donya Lorna at hinayaan niya lang ang kamay ni Alfonso roon sa parteng iyon ng pagkatao niya habang ginagawa ang pagpupulong.
"Ohh!" bulong ni Donya Lorna sa kalagitnaan ng paglalaro ni Alfonso sa kanya.
Patungkol kay Makatang Pluma ang pinag-usapan nila. Na hanghang ngayon ay hindi pa rin ito nahuhuli sa kabila ng repormang ipinalabas kung saan kasama ang isang saklaw na naglalayong mahuli ang taong ito.
Si Makatang Pluma, ay ang manunulat ng mga librong nagpupukaw ng damdamin ng mga taga Pueblo Maharlika para maging parte ng hukbong tutuligsa sa mga Maharlika at ng Mga Kastila. Nakapaloob din sa mga libro nito ang mga sekretong lagusan ng Pueblo Maharlika, mga kahilayang ginagawa ng mga prayle at pati na rin ang mga pangaabuso ng mga humahawak sa Pueblong ito.
Bagamat mga nobelang gawa ay nagtataglay ng mga malalim na salita ay mapupunang ang mga gawa nito ay naka-sentro sa pagpapalaya ng Pueblo Maharlika.
Hindi mawari ni Don Tiago at ng mga opisyales nito kung paanong nagkakaroon ng sirkulasyon ng mga libro ni Makatang Pluma kada buwan at nababahagi sa bawat bahay ng Pueblo Maharlika. Matatag ang siguradad ng Pueblo kaya isang malaking palaisipan sa kanila kung paanong may nakakalusot pa ring mga libro.
Ang hinala ng mga opisyales at pati na si Don Tiago ay isang Maharlika si Makatang Pluma sapagkat nakakapaglimbag ito ng mga makakapal at mamahahalin na mga libro.
"Bukas, iimbistagahan ang lahat ng Maharlika sa Pueblo. Hahalughugin ang mga kabahayan at kung sino man ang tumanggi ay ipapahuli ng mga hukbo ng sundalo't isisilid sa kulungan sa loob ng kuwartel," kalmadong pagsasalita ni Alfonso habang pinupunasan ang kaniyang kamay gamit ang panyolitong itim na may naka-burdang Memento Mori.
Hingal na hingal naman si Donya Lorna matapos siyang laruin ni Alfonso ng palihim.
"Bilang taga-representa ng Pueblo Itrinta, pinapangako ko ring magbibigay ng isang kabang ginto ang aming pamliya kung saan paghahatian ito ni Don Tiago at Alfonso para maayos na mapalakad ang Pueblo Maharlika. At para na rin matugis ang kung sino man ang nagta-trayodor dito," sabi ni Donya Lorna na naging dahilan upang matuwa si Alfonso at pumalakpak.
Nagsipalakpakan na rin ang ibang ibang opsiyales na nakaupo. Tanging si Don Tiago lang ang walang kibo at walang imik.
Nagsilabasan na sina Donya Lorna ang iba pang mga opisyales. Tanging si Alfonso at Don Tiago na lang ang natira sa kuwarto.
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Tarihi KurguShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...