Finding the Pearls
"FLORA! Ano ba!" Catherine was stopping Flora from packing up her things. Nang makabalik sila rito sa unit nila sa Casa mula sa clinic ay hindi na mapigilan ni Catherine si Flora sa pag-iimpake nito. Kung si Catherine kanina ang iyak lang ng iyak pagkatapos nitong lumabas sa kubeta, si Flora naman ngayon ang hindi makausap ng maayos.
"Ano ba kasing nangyari? Bigla na lang may tumawag sa aking nurse nasa clinic ka raw dahil nahimatay ka. Tapos ngayon na tinatanong kita kung anong nangyari sa iyo, ayaw mong sumagot," usal ni Catherine.
"Bakit?" umiiyak na sigaw ni Flora. "Ikaw ba noong tinanong kita kaninang umaga kung bakit ka umiiyak pagkatapos mong lumabas sa CR, nagsalita ka ba!?" Hingal na hingal si Flora pagkatapos niyang isigaw iyon. Si Flora kasi iyong tipong babaeng hindi madaling magalit at minsanan lang talaga siyang mainis. Sa isang taon, mga isang beses lang siya mkaramdam ng ganoong emosyon, ganun. Noong college pa nga sila Catherine at natatapakan ang ingrown niya kapag may group activity, eh hindi siya umaaray o umiimik.
"Sorna. Pero sige, sasabihin ko sa iyo 'yong totoo pero magsabi ka rin ng totoo sa akin ha?" seryosong sabi ni Catherine at hindi naman umimik si Flora na nagpatuloy lang sa paglalagay ng damit sa maleta.
"Noong pumasok kasi ako sa kubeta...." kinuwento ni Catherine ang lahat-lahat na naganap sa kaniya sa loob ng kubeta. Na kahit halos ilang minuto lang ang itinagal niya roon ay halos buong araw naman siyang nanatili sa nakaraan. Nakinig naman si Flora kay Catherine and she was convince with it. Well, kailangan nga ba nagsinunaling si Catherine sa kaniya? Simula noong college pa sila at nagsasabihan sila ng sekreto sa isa't-isa hanghang sa magkatarabho na sila ay wala ni isang beses na nagsinulang ito sa kaniya.
Kaya ngayon, she felt guilty. Hindi naman sa ayaw niyang pagkatiwalaan si Catherine pero baka kung sasabihin niya ang totoo ay baka maging sanhi ito para masira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Catherine is her only bestfriend. At ang kaisa-isahang bestfriend niya na tinanggap siya sa kabila ng pangungutya at pangbu-bully ng iba sa kanya noong college pa sila. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nilang dalawa.
But deep inside, a thought smashed her. Mas masisira ang pagkakaibigan nilang dalawa kung hindi niya sasabihin ang totoo kay Catherine.
"Sige, sasabihin ko sa'yo pero tsaka na kapag paalis na ako," nakanguso at malungkot na sabi ni Flora.
Lumiwanag ang mukha ni Catherine, "Sige! Pero bago ka umalis bukas ng umaga, samahan mo muna ako!" sabay hila ni Cath sa patpating braso ni Flora palabas ng kuwarto nila.
"Pupunta tayo sa beach ng Pueblo Casa!" nakangiting ani Catherine habang pababa sila sa hagdanan.
"Teka! Eh 'di ba dapat mag-two piece tayo?"
"Aning-aning! Sinabi ko bang maliligo tayo? Sabi ko, pupunta lang!" pambara ni Catherine kay Flora na parang gustong-gustong lumublob sa dagat.
Through a pedicab, 20 minutes lang ang na-consume bago sila makarating sa boundery ng beach ng Pueblo Maharlika. Kung kalesa ang sinakyan nila ay aabutin sila ng halos isang oras at mas mahal din ang babayaran nila.
"Dito lang po kuya!" pagpara ni Catherine sa may gilid ng kalsada.
"Dito lang ma'am? Eh malayo-malayo pa rin ng kaonti 'yong entrance ng beach," sagot ng driver.
"Oo nga Cath! Mukhang kailangan pa nating maglakad ng matagal bago tayo makarating doon!" sabay turo ni Flora sa parang kasing liit ng kahon ng posporo na gate ng entrance ng beach dahil sa sobrang layo.
"Basta, may gagawin ako rito!" nakangiting ani Catherine sabay bayad sa pedicab driver. "Salamat po kuya."
Nang makaalis na ang pedicab at silang dalawa na lang ang natira rito sa gilid ng daan ay biglang nagbungkal ng lupa si Catherine gamit ang tuyong tangkay ng puno na nakita niyang pakalat-kalat lang.
"Bes! Anong ginagawa mo? Naghuhukay ka ba ng gold? Para kang tanga!" sita ni Flora nang pagtingan si Catherine ng mga taong dumadaan sa kalsada.
"Hindi gold ang hinahanap ko eh. Pero parang ganoon na rin iyon," nakangiting sagot ni Cath habang pinagpapawisan na sa pagbubungkal.
"Eh 'di ba sabi ko sa'yo na noong bumalik ako sa nakaraan noong nasa kubeta ako eh nagpunta kami sa Baybayin para sa piyesta ng mga mangingisda roon? At iyong isang Lolo roon na iniyakan ko dahil nabalitaan kong pumanaw na siya pagkatapos naming umalis eh binigyan niya ako ng isang pouch ng perlas. Mga nasa 20 plus pieces din iyon."
"Ano!? Ba't 'di mo sinabi agad?" Ani Flora at maya-maya pa ay nagbungkal na rin siya.
Inabot na sila ng apat na oras at kalahati pero wala pa rin silang nakita.
"Sigirado ka ba talagang dito mo 'yun nilagay? Tapos hello? 1804 mo pa 'yun nilibing dito, ibig sabihin 200 + years ago na ang nakakalipas? Sa tingin mo bes, wala nakakakuha noon? Tapos ang shunga mo rin eh, sa gilid pa talaga ng kalsada mo nilibing? Eh alam mo namang magiging beach resort to kaya expected na na lalagyan 'to ng sementadong daan ng DPWH after many-many years! Sekretarya ka ng hukbo tapos hindi mo naisip 'yun! Long term strategic planning bes? Paano mo maliligtas ang Pueblo kung wala kang mindset na ganoon?" nakapamewang na ani Flora na pagod na pagod na.
Natigilan si Catherine sa pagbubungkal... "Eh malay ko ba Flor? Kapag nandun ka kaya sa nakaraan eh hindi ka na makakapag-isip ng ganu'n. Si Senyorita Maria, hindi kasi siya makasarili at ang nasa utak niya lang ay ang mga nakatira sa Pueblo kaya hindi na sumagi sa isip niyang kakailanganin niya pala 'yong mga perlas after 200 year's! Ikaw kaya ang mapunta sa nakaraan!"
Napalunok si Flora ng laway dahil sa huling pangungusap ng kaibigan.
"Sorry naman no! Tao lang hindi santo!" ani Flora at kagaya ni Catherine ay muli siyang nagbungkal.
Kung tatnawin ay halos kalahating kilometro na ng gilid ng daan ang pareho nilang nabungkal. Sira-sira na rin 'yong mga tigang na lupa na na nabungkal nila at ang iba namang lupa ay napadpad na sa daan na naging dahilan upang hindi ito maging kaaya-aya tignan. Para kasing dinaanan ng buhawi ang kalsda dahil sa pinaggagawa nila.
Nang mag-alauna na ng tanghaling tapat ay biglang may dumating na tatlong lalaking nakasuot ng coast-guard uniform.
"Hoy! Ano 'yang ginagawa ninyo!" sita ng isang mamang kalbo na kasamahan ng dalawang coastguards.
Parehong nangatog si Catherine at Flora. Magpapaliwanag pa sana sila kaso bigla silang pinusasan at dinala papunta sa loob ng partol car. Makalipas ang ilang minuto ay napanganga sila nang makita nilang nasa tapat na sila ng presinto.
"Patay..." ani Catherine habang si Flora ay nakanganga pa rin.
* * *
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...