Ika-[petsang hindi matukoy dahil sa kalumaan ng sulat] ng Pebrero, taong 1904
Antigong Sulat
Pagmamay-Ari ng Maharlika Museo
Selyo: 2014-2015Marka: Natagpuang nakaipit sa isa sa mga natirang babasahin sa silid aklatang natupok ng apoy daan-daang taon na mahigit ang lumipas. Kasama nito ang isang tuyot na puting rosas. Pinaniniwalaang isa lamang ito sa daang-dang sulat ng mangigibig na si Thomas (para sa kanyang sinisintang si Maria---tuklasin sa iba pang antigo ang patungkol sa kanya) na ngayon ay pilit pa ring hinahagilap ng aming museo. Hindi perpekto ang pagkakahabi ng mga salita sa sulat dahil naghahalo sa mga ito ang likas na wika Castilla at Tagalog ngunit hindi matatanggi na kung sino man ang patunguhan ng sulat na ito ay tiyak na lalambot ang puso.
Paalala: Sensitibo at masyado ng luma ang papel na ginamit sa sulat kaya't maaring huwag sanang buklatin ang salaming nakatapal dito.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Ika-[xx] ng Febrero, taong 1904
Para Sa Açing Minamahal na si Maria, ang pinakamariçit na dilag sa Fueblo Maharliça sa mga pagkakataong siya ay may tangan-tangan na pamaypay na habi sa abaça o bagong pitas na puting rosas at hindi tangan-tangan ang hamaç na mahahabang mga baril na nakaw sa guerilla.
Magandang Araw Açing Binibini,
Alam çong maaaring hindi magiging maganda ang itataçbo ng ating pagsasama't baça pareho tayong mauwi sa pagtaliçod ng ating mga paa. Alam çong mabuti ang ating hangad ng pagpapalaya sa ating fueblo mula sa mga umaangkin at umaalipusta rito ngunit hindi rin maiaalis sa açin ang taçot na ang pag-iibigan nating ito na ating pinaça-iingatang lubos ay mauuwi sa isang kahindiç-hindiç at hindi kayang maaroç ng isipan na tagpo.
Çaya't açing minamahal na Maria, ngayong nabubuhay pa aço, açing pinapangaço na magiging mabait ako sa lupa dahil alam çong pagdating ng araw, ito ang magiging himlayan ng çatawan nating nilipasan ng panahon at dinalaw na ng matinding çapaguran.
Çaya't ngayong buhay pa aço, magiging mabait aço sa hangin dahil çung hindi man tayo maihimlay ng maayos sa ating libinga'y ito ang magtatangay sa ating mga çaluluwa. Dito ço rin ibabahagi ang aking mga bulong sa mga pagçaçataong iniisip kita. Sa mga pagçaçataong sinisilip sa sa isip ang mga alaalang pilit nagpapatagtag sa mundong guhong-guho na. Hahaliçan ko ang hangin at hihilingin çong maçarating sa'yo ang aking haliç nang sagayo'y ito na lang ang pumawi sa iyong mga luhang umaagos mula sa iyong mga mata.
Çaya't ngayong buhay pa aço, magiging mabait aço sa mga alon dahil çung saçaling magawaran aço ng pangalawang pagçaçataon na muling isilang, ito ang maggagabay sa açin para ituro çung nasaan ça. At çung baçit gustong-gusto çitang hanapin ng paulit-ulit sa iba't-ibang panahon ay ito lamang ang maisasagot ço:
Iniibig çita at masaya aço çapag nariyan ça. Balang araw, hindi man ngayon, alam çong makakasama rin çita.
Umiibig,
-ThomasInsierto: Libo-libong haliç at yaçap.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...