C H A P T E R 11 ½

3.4K 101 11
                                    

Sekretarya

"AT bilang pasasalamat nga po sa mga turistang nagpunta rito sa Pueblo Maharlika para magnilay-nilay o hanapin ang mga sarili nila ay magkakaroon po tayo ng fun run mamayang alas diyes. At magsisimula po ang registration pagkatapos po ng announcement na ito."

"Ano pong premyo ma'am?" sigaw ni Catherine na nakaupo ngayon rito sa tapat ng stage kasama si Flora.

"Depende kung ilang ang sasali sa fun run, the more na marami ang mag-register, the more na mas malaki ang iuuwing premyo ng mga placers," sagot ng emcee.

Nasa gitna sila ng oval ng Plaza Royale ngayon. Iyong parte na walang mga punong kahoy ay mga benches. May removable stage naman sa gitna kung saan naroroon ang emcee.

"Cath? Anong balak mo? Tatakbo tayo?" problemadong tanong ng maputi at patpating si Flora.

"Oo ano ka ba! Pera rin ito. Kung sakalaling mananalo ako, ipapangsuweldo ko 'yun sa'yo!" ani Catherine.

"Ang sama mo talaga! Sa susunod kapag nakabalik ka sa nakaraan, magdala ka ng maraming gold para yumaman tayo!"

"Shh! Baka may makarinig sa'yo, ano ka ba!"

Nagsimula na nga ang registration para sa mga sasali sa fun run. Numbers 134 at 133 ang number ni Catherine at Flora. Kung gaano ka haba ang tatakbuhin? Isang round lang namang iikutin ang buong sentro ng Pueblo. Nasa humigit kumulang limang kilometro.

"5... 4... 3... 2... 1! Takbo!" Parang mga tipaklong na tumakbo si Catherine at Flora at so far, sila ang nangunguna. Iyong mga turista kasing kalaban nila ay parang walang pake naman talaga sa premyo kasi kumukuha lang ito ng mga selfie habang tumakbo tayo.

"Cath, selfie tayo please?"

"Huwag na! Matatagalan tayo!"

"Shunga! Winner na tayo!"

"Ha?" Napatingin si Catherine sa paligid. Nakalabas na pala sila Pueblo. Napanganga na lang siya.

*  *  *
"SABIHIN mo nga Cath? Ba't naging desperada ka bigla sa pera? Gipit ka ba? Mukhang hindi na man ah!" Habang kumakain ng dirty ice cream  sa may labasan ng Pueblo, naitanong iyon ni Flora.

Dinilaan ni Catherine ang tumulong ice cream sa cone bago sumagot. "Hindi naman talaga pera ang habol ko sa fun run eh," malungkot nitong ani.

"Eh ano pala ''yong dahilan mo?"

"Nagbasakali kasi ako na baka kung tumakbo tayo eh mapunta na naman ulit ako sa nakaraan. Nakakabitin ''yong nangyari kagabi eh. Naputol 'yong scene nang makita ko ang mukha mo," pagmamaktol ni Catherine kay Flora.

"Ay hala siya! Pasalamat ka nga't dumating ako no at na-cut ko 'yumg scene mo sa nakaraan. Ingat ka rin Cath at baka sa kakabalik mo roon ay hindi ka na makabalik dito sa kasalukuyan, sige ka."

"Imposible mangyaring manatili ako roon kasi mahirap e-xplain pero parang hindi naman talaga ako napupunta sa nakaaran, parang nakikita ko lang ang nakaraan at may mga bagay lang akong nama-manipulate roon."

"Kagaya ng?"

"Kagaya ng puwede akong makipag-usap sa mga tao roon at puwede rin akong makramdam ng emsyon doon kagaya ng takot, kaba, kilig..." nang banggitin ni Cath ang huling salitaa ay biglang namula amg pisngi niya. Bigla niyang naalala ang halik nilang dalawa ni Thomas Oppa kagabi bago siya matulog sa Plaza Royal.

"Kung puwede mong makausap, at puwede mong mahawakan ang mga tao roo eh ibig sabihin, puwede rin kayong mag-se.x ni Mestizong Oppa?" kaswal na tanong ni Flora.

"Bakla! Ang gilagid mo!" sita ni Catherine kay Flora at humingi na lang ito ng paumanhin sa sorbeterong paniguradong nakarinig sa usapan nila.

"Eh bakit? Totoo naman 'yong sinabi ko 'di ba? At tsaka noon, mas mataas ang sexual hormones ng mga tao dahil hindi sila masyadong liberated sa mga puwedeng gawin para maibsan 'yong se.xual desires nila. Ayun pa nga sa history, uso raw ang mga sundalong kastila dati na nakikipagtalik sa aso, kambing, baka o manok kapag 'L' na 'L' na talaga sila. At tsaka ano ka ba Cath, 23 ka na at dapat open ka na sa mga bagay na ganoon."

"Sabi mo eh," walang emosyon na sabi ni Flora at maya-maya pa ay dahan-dahan na silang naglakad pabalik mi Flora sa Pueblo.

"So ibig sabihin kapag niyaya ka ni Thomas na makipag-s.ex ay okay lang sa'yo?"

Namula si Catherine sa tanong. "Hindi no! Pakasalan niya muna ako."

"Eh pa'no kung humindi ka tapos sa kambing na lang siya makikipag---" nahinto si Flora nang sungangalin ni Catherine ang sungo nito.

"Bibig mo talaga Flor eh," sita ni Catherine sa kaibigan at nang makabalik sa Casa ay nadatnan nilang walang kuryente roon. Hannggang ngayon ay pahirapan pa rin talaga ang koneksiyon rito sa Pueblo Maharlika. Malayo-layo rin kasi ito sa ibang syudad at hindi paa gaanong kaayos ang mga kable ng kuryente papunta rito.

"Sa musipyo po, may generator doon kaya puwede niyo pong i-charge ang laptop niyo roon at gamitin habang nagcha-charge."

"Sige Miss, thank you." Nagbatuhan ng ngiti si Cath at ang staff na iyon bago sila lumabas ng Casa.

"Lakad na naman? Baka kalansay na ako padating roon!" reklamo ni Flor habang binabaybay nila ang daan papunta sa munisipyo.

"Sige, ikaw rin. Kahit tirik ang araw ay madilim sa kuwarto natin sa Casa kaya baka ikaw lang ang mag-isa roon ay makatabi kang pari na pugo't ang ulo!" pangiinis ni Catherine sa kaibigan sabay tawa nang mukhang naging epektibo ang pananakot nita rito.

Dahil local tourist sila ay malayang pinayagan si Flora na makapag-charge ng laptop sa ikalawang palapag kung saan ay naroroon iyong mga lumang tables ng mga dating namumuno sa Pueblo.

DONYO TIAGO T' GUIBILIN. Nakita ni Catherine ang lumang table kung saan sa ibabaw ay may nakapatong na parihabang kahoy kung saan naka-imprenta ang pangalan ng ama niya sa pastlife.

Hindi niya mawari sa isipan kung anong dapat maramdaman. Kung matutuwa ba ito o malulungkot dahil kagaya ng nasabi sa kanya ni Thomas Oppa ay ang ama niya ang pinaka-naging traydor sa Pueblo at sa mga pinamumunuan nitong tao. Pero ayaw pa rin namang niyang husgahan ang Donyo agad lalo't kakarampot pa lang ng nakaraan ang nakita niya. Hindi niya pa alam kung ano mga sumunod na nangyari sa araw na iyon na nakabalik siya 1804/

"Grabe, ganito ka haba ang lilinisin mong nobela? Eh 'di ba on leave ka?" tanong ni Flora matapos i-on ang laptop ng kaibigan at tignan ang ee-edit pa nitong manuscript.

"Wala eh, trabaho eh. Alangang hindian ko sila tapos may suwelo pa rin namanako rito kaya okay lang din," ani Cath at maya-maya pa ay umupo na siya at nagsimula ng magtipa sa keyboard.

Nang tatanungin niya sana kung hindi pa ba nababagot ang kaibigang si Flora ay natigilan siya nang sa pagkisap ng mga mata niya ay lumang makinilya na ang pinagtitpaan niya ng mga letra. Lumingon siya at nakita niya ang si Don Tiago sa upuant nasa gilid lang niya dito pa rin sa ikalawang palapag sa munisipyo.

She's back here in 1804. Kaso hindi kagaya ng dati ay nasa ibang pangangagatawan siya. Hindi siya si Senyorita Maria sa puntong ito.

"Aking sekretarya? Tapos mo na bang itipa ang reporma?" tanong ng Donya sa kaniya. She's back here in 1804 yet nasa katawan siya sekretarya ng Papa niya.

*   *  *

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon