Memento Mori
KASALUKUYANG PANAHON...
"Noong unang panahon, nauso na rin ang pagmimina ng ginto sa Pilipinas. Mano-mano nga lang ang pag-gawa. Inside the tunnels, you'll see different kind of slaves working to find golds. Kahit mga bata at babae ay pinapagmina noong unang panahon. And sadly, those golds were almost valued nothing before. Kadalasang pinagpapalit ng ating mga ninuno ang kanilang mga ginto sa isang kaperasong damit o isang lata ng sardinas...." Flora explained clearly. Nasa loob siya ngayon ng 7PM night shift class niya at kasalukuyan siyang nagdi-discuss ng History sa Grade 11 na klase niya. Malakas ang ulan at kulog sa labas pero hindi iyon alintana ni Floresa. Mas importante sa kaniyang mabigyan niya ng hustisya ang tuition at oras na inilaan sa kaniya ng mga estudyante niya.
"Okay, get one whole sheet of paper and we will have an essay type of short quiz," malambing na ani Floresa
"Yes Ma'am!" Magiliw at masunurin namang sumang-ayon sa kanyang inutos ang kaniyang mga estudyante. Habang nagkukuha ng mga papel ang estudyante niya ay nagsulat na rin siya ng mga questions sa whiteboard gamit ang itim na non-permanent marker.
Dalawang araw na rin ang lumipas bago siya umalis ng Pueblo Maharlika kung saan iniwan niya ang bestfriend niyang si Catherine. Dalawang araw na ang lumipas pero sagad at malinaw pa rin sa kaniyang isipan ang mga naransan niya sa Pueblo Maharlika. Sigurado siya na ang mga naranasan niya sa Pueblong iyon ay hindi lang basta-bastang guni-guni ng isipan. She was sure that it was all real.
Kahapon, matapos nilang mag-dinner ni Ezamuel ay may kakaibang nangyari na naman kasi sa kaniya. Pag-uwi niya sa unit nilang dalawa ni Catherine ay may napadpad na itim na uwak sa bintana ng kuwarto nila. At hindi lang iyong bastang uwak kasi may kagat-kagat iyong mga sulat.
Ang mga laman ng sulat na iyon ay nanggaling kay Senyorita Maria sa nakaraan o Catherine sa kasalukuyan. Binasa ni Floresa ang lahat ng iyon at nahinuha niyang mga impormasyon iyon patungkol sa mga plano ni Senyorita Maria sa pag-aaklas nito sa mga magulang nito na namumuno sa Pueblo Maharlika at pati na rin sa mga kastilang mapang-abuso.
Matapos niyang mabasa ang mga sulat na iyon ay nagkaroon ng mga katakot-takot na panag-inip si Flora. May nakita siyang mga bangkay ng mga ina at mga bata. Napanag-inipan niya rin na sinunog ang katawan niya sa loob ng isang tunnel.
Sa kalagitnaan ng pagsusulat ng mga tanong sa whiteboard ay nagkaramdam si Flora ng matinding pananakit ng ulo kasabay ng pagkidlat sa labas. Sa sobrang sakit na naramdaman niya ay hindi niya namalayang napasigaw na pala siya. She wailed when she felt like being tortured with pain. Nakahawak siya sa kanyang dibdib Nawawala ang itim sa kanyang mga mata. Naninigas ang kanyang katawan. Pakiramdam niya ay nasusunog ang katawan niya sa isang nagliliyab at walang kasing init na apoy.
"SI MA'AM!" sigaw ng kaniyang mga estudyante na mabilis siyang nilapitan. Maya-maya pa ay nawalan siya ng malay tao.
* * *
UMUULAN at kasalukuyang nagkakagulo ang Pueblo Maharlika dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap si Catherine Cruz, isa sa mga bisita ng Pueblo. Nawala siya bandang 5:03 ng madaling araw. Kasalukuyan siyang papasok sa simbahan nang biglang naglaho ang kaniyang katawan sa ere na malinaw na nakita sa CCTV na nakakabit sa may labasan ng simbahan.Dahil sa kababalaghang naganap kaninang madaling araw ay mabilis na nagsi-alisan ang mga turistang nagbabakasyon sa Pueblo. Maging ang mga worker ng mga hotels ay nakaramdam din ng takot kaya umalis na rin sila.
Josh was still here. Nasa labas siya ng munisipyo katabi ng mga bagahe niya. Mabigat ang pakiramdan niya ngayon dahil sa nangyaring pagkawala ni Catherine kaninang umaga. Napatingin siya sa simbahang binakuran ng DON'T CROSS THE LANE tape ng mga pulis na kasalukuyang hinahanap din si Catherine.
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...