Goodbye Flora, Welcome Flora
"HINDI ka ba talaga sasabay sa akin bukas? Ngayon ka na ba talaga uuwi?" bulalas ni Catherine habang si Flora ay malawak na nakangiti at nag-iimpake ng gamit dito sa loob ng kuwarto nila.
"Hay naku Cath, as if naman uuwi ka na bukas? Mukhang may plano ka pa ngang mag-extend eh! Sa mukha mong 'yan oh! Parang dami pang tanong diyan sa utak mo!"
Nakabusangot si Catherine na nagtipa sa laptop niya at maya-maya pa nga ay si-nend na niya ang pinagpuyatan niyang manuscript kagabi.
"Breakfas muna tayo!" ani Flora sabay hilasa bestfriend niyang antok na antok pa.
Nang makarating sila sa dining hall ng Casa ay agad silang nag-oder ng tocino at pork tapa with extra, extra, extra rice.
At habang kumakain, biglang napatanong si Catherine kay Flora nang mapansin nitong kahit ngumunguya ay malapad pa rin ang ngiti.
"Okay ka lang Flor? Maawa ka naman sa mga kaning tumatalon diyan mula sa bibig mo kakangiti mo!" sita ni Cathrine sabay inum ng ice tea.
Nakinging nagpatuloy lang si Flora sa pagkain at nang mairita si Catherine sa ginagawa niya ay tinanong siya nito, "Kayo na ba nung Ezamuel na 'yun?"
Ngiting pigil ang sagot ni Flora.
"Agad-agad? Flora? Kailan ko pa nalamang easy to get ka pala? Grabe ka!" ani Catherine.
"Hindi naman sa ganun day, hinayaan ko lang ang sarili kong maging malaya at maging magnet sa kaniya..." parang dinidileryong ani Flora habang nakangiti pa rin.
"At kailan mo pa ako tinawag na 'Day'? Kailan pa ako naging si Juday? Hoy Flora, mag-ingat da diyan at baka scammer 'yan tapos patayuan ka bigla ng billboard." Harsh na kung harsh pero ganiyan talaga sila mag-usap dalawa. Diretso at walang paligoy-ligoy.
"Pero Cath, may gusto talaga akong sabihin na hindi ko masabi-sabi eh."
"Na may nangyari sa inyo?" Mabilis na tanong ni Cath. Nabilaukan si Flora. Kamuntikan ng makain ang tinidor. Pinanuod lang ni Catherine ang kaibigan niyang biglang-bigla sa tanong niya. Malakas ang kutob niyang may tinatago si Flora sa kanya kaya nang dali-dali itong uminum ng tubig ay pinanlisikan niya ito ng mga mata. Natawa na lang si Cath nang hindi makatitig ng maayos si Flora sa kanya.
"Sana iyong problema ko kasing liit na lang ng boobs ko," malungkot na ani Flora nang mahimasmasan mula sa kaniyang pagkasamid.
"Ano ba kasi 'yon!?"
"Cath kasi ano..."
"Ano?"
"Pakiramdam ko, kagaya mo... bumabalik din ako sa nakaraan," sa isiniwalat na pag-amin ni Flora ay naibagksak bigla ni Catherine sa plato ang kutsarang hawak niya. Nakakangimi ang paghalik ng kutsara sa plato, dinig iyon ng buong tao sa dining hall.
"S-sigurado ka ba? Hindi ka naman nagbibiro 'di ba?" Catherine traced Flora's trembling arms. On their sixth day here in Pueblo Maharlika, dumating na sa wakas ang kinatatakutan niya: na pati ang kaibigan niyang si Flora ay madamay sa mga nangyayari sa kaniya.
"Hindi Cath. Hindi ako nagbibiro. Nararanasan ko talaga. Minsan akala ko namamalikmata lang ako pero talagang nakikita ng dalawang mga mga mata ko ang dating Pueblo Maharlika. Pero hindi katulad ng mga nararanasan mo, iyong akin, paindap-indap lang. Nakikita ko lang saglit tapos nawawala agad." Flora worriedly said as she ended her speech with a trembling lips. Nakahawak pa rin si Catherine sa mga braso ni Flora para hindi ito manginig pa. Flora has a trembling disorder, kapag nakakaramdam siya ng takot ay nanginginig ang mga parts ng katawan niya.
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...