Mundong Dumilim
Galit na tumayo si Don Tiago sa kaniyang upuan at lumabas na ng silid kainan. Naiwang tulala ang apat na babae: Si Donya Lorna, Senyorita Floresa, ang umuusok ang ilong na si Donya Cecilia at ang pinupudpud ang gilagid na si Senyorita Floresa.
"Thomas!" pagtawag ni Donya Cecilia kay Thomas na nasa gilid lang ni Senyorita Maria.
"Senyora?" pagsagot naman ni Thomas na ngayon ay nakakunot ang noo at namumuo ang mga ugat sa pulido nitong braso. Hindi mapigilang makaramdam ni Thomas ng galit sa nangyaring pagtatalo kanina ng mag-inang si Donya Cecilia at ng kaniyang iniibig na si Senyorita Maria. Batid niyang dahil sa pagtatalong iyon ay nagkaroon ng matinding hinala ang mga magulang ni Senyorita Maria sa relasyong namamagitan sa kanilang dalawa.
Batid niya rin ang matayog na pagkainis dahil hindi sinunod ni Senyorita Maria ang payo niyang ibinigay nito kanina: Ang maging mahinahon sa salita at hindi basta-bastang maglabas ng sentemenyonto nang sa ganoong paraan ay walang mabuong argumyento.
Ngunit ang nangyari nga'y taliwas sa kaniyang payo sapagkat sa hindi pagtitimpi si Senyorita Maria sa galit na nararamdaman ay humantong ang lahat sa isang masaklap na pananghalian. Kasing saklap ng puwetan ng adobong manok na hindi naubos ni Don Tiago sa platitong pinagkainan.
"Umalis ka muna Thomas at may paguusapan lang kami nitong suplada kong anak na mukhang giliw na giliw na sa iyo't kaya na akong sagutin ng pabalang," nanlilisik na mga matang ani Donya Cecilia.
Noong una ay nagdalawang isip si Thomas na humakbang palabas dahil inaalala niya si Senyorita Maria, ngunit nang titigan siya nito na tila ba langaw siyang gustong paalisin at tinahak na nga ni Thomas ang direksyon palabas silid kainan.
Bago makaalis ng tuluyan ay sinulyapan niya muna ang nakatalikod na si Senyorita Maria. Ramdam niya sa kaibuturan ng puso ang matinding pagaalala na baka kung ano ang gawin ni Donya Cecilia rito. Ngunit may parte rin naman ng pagkatao ni Thomas na pinapawi ang pagaalalang nararamdaman niya at iyon ay kaniyang isipan. Ang kaniyang isipan na saksi sa kung gaano ka katatag si Senyorita Maria bilang isang babae.
Naglakad si Thomas sa pasilyo patungo sa hagdan, ngunit bago niya inilaan ang mga paa sa baitang ay bigla siyang napatitig sa pader kung saan lumapat ang likod ni Senyorita Maria noong sila ay naghalikan.
Nakangiting yumuko si Thomas. Hinawi niya ng bahagya ang makintab at maninipis na buhok nang makaramdam ng pag-init ng kaniyang mga tainga nang maalala ang halik na iyon.
Sa lahat ng mga labing nakahalikan ni Thomas ay tanging mga labi ni Senyorita Maria ay nagpapatayo sa walang kasing tigas na bakal sa gitna ng kaniyang hita.
Tumawa siya nang mahina ng maisip ang ideyang iyon.
Likas na lapitin si Thomas ng mga babae. Simula pa noong bata pa siya palaging pisngi niya ang pinupuntiryang kurutin ng mga nakakatanda. Malinaw pa sa kaniyang mga alala kung paanong pagkaguluhan siya ng mga babae kapag nilalabas siya ng kaniyang inang kalahating Kastila at kalahating Pilipina sa kanilang bahay. Madas na namumula ang kaniyang pisngi dahil sa kakakurot.
Noong siyam na taong gulang naman siya, madalas siya pag-agawan ng mga kalarong babae sa bahay-bahayan bilang asawa. Tandang-tanda rin niya noong dose anyos siya't kakagaling niya lang sa pagtutuli ay dalawampung dalaga na ang agad na pumila sa harapan ng bahay nila para langgasan ng pinakuluang bayabas ang bagong tuli niyang pagkalalaki.
Kinse anyos naman siya nang sabay siyang iyakan ng sampung babaeng magsasaka matapos niyang sabihin na sa mga panahong iyon ay tanging pagsusundalo at hindi babae ang prayoridad niya.
Minsan nga'y naiisip ni Thomas na biyaya ba ang kagandahang lalaki niya o isang sumpa. Masakit sa kaniyang kalooban na makitang umiyak ang mga babae ng dahil sa pagtanggi niyang ligawan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...